CHAPTER 54

875 36 1
                                    


RANK!!!!

#555 -School 🎉🎉
#972-comedy 🎉😘
#611- teenromance 🎊🎉
#62-badboys 🎊🎉
#11- only girl 🎊🎉

Congrats po, salamat sa mga supporters at sa mga nag aabang ng QUEEN OF SECTION A. Don't worry I will do my best po para maging maganda ang section A.

Mahal na mahal daw kayo ni nicholas at kole kaya wag kayo mag alala.

************************************

       .    *ZENDAYA WESLEY*

Napag desisyunan namin na dito nalang pag usapan ang tungkol sa foundation day. Nabalitaan ko na kasali narin sina cloud at meron na silang representative, halatang kami nalang ang wala.

Nandito kami sa isang restaurant kung saan saktong kaming buong section A. Halos lahat ata kami nandito. Mag kakasama kami sa iisang table na malaki at pinag dikit dikit.

Si nicholas naman daw ang may-ari kaya kaya nya gawin gusto nya. Umorder pa sila ng kakainin pero kami ni nicholas hindi na. Kumain na kami bago pa sila nakapag yaya.

"Meron tayong four contest sa foundation day, kasali lahat ng section kaya mahihirapan tayo, kailangan natin ng magagaling ang talent!" Umpisa ni kole habang may dalang papel kung saan ililista ang sasali. Yan yung binili nya kanina sa national bookstore.

"First, battle of band, second singing contest, third boy pageant, and third is dance group" panimula nya, nakikinig naman ang iba habang nakain.

"Kami na nina nicko,terry,nine at tristan sa dance group, magaling ako sumayaw ehe" nag presenta na si milan na sila daw ang sasayaw, hindi ko alam pero parang naiimagine kona ang gagawin nila.

"Teka nga,bakit kasama ako,hindi ako marunong sumayaw" Sigaw ni Tristan,kasama pala namin ang isang to, kanina pa, nakain ng Shanghai.

"Sure ka?hindi ka marunong?" Mapang-asar na tanong ni terry kay Tristan na mah ngisi sa labi.

"Teka, sino kaya yung nag te-twerk nung lasing tayo sa bar?" Mapang ngising tanong ni nine sabay tawanan ng mga kumag.

"Sino yung nag kekekembot sa unahan nung isang araw?" Banat naman ni nicko at halatang nag pipigil ng tawa.

Nakita ko naman si Tristan kung paano napaiwas ng tingin na halatang nahihiya.

"AT sino yung nag sasayaw ng budots sa classroom nung isang araw ba, sabihin mo sino" isa pa tong si nine, halos mag tawanan kami lahat.

"FINE FINE, tinanong kolang dami nyo ng sinabi" inis na sabi ni Tristan sanay padabog kumain ng siopao.

"Battle of band, sino ang representative natin?" Tanong naman ni kole, sino nga ba? Magagaling ba sila kumanta. Feeling ko hindi eh.

"Kayo? Magaling ka kumanta diba nicholas?" Tanong ni milan sabay turo kay nicholas na ngayon ay katabi ko.

Napatingin tuloy ako sa kanya at ganun din sya. Umiwas sya ng tingin at kay kole tumingin.

"Ok, just choose some proper song"
Simpleng sagot nya kaya naghiyawan ang mga loko. Nilista narin ni kole si nicholas.

"Singing contest, dalawa ang representative kada section, isang babae at isang lalaki" sabi namn ni kole. Tumingin tuloy silang lahat sakin. Teka? Babae? Ako lang nag iisang babae sa section A kaya wala nakong magagawa.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon