CHAPTER 84

688 32 2
                                    



MILAN CARLION POV

NAIINIS ako!! Alam nyo kung bakit? Siyempre hindi! Wala pakong sinasabi eh!. Kasi naman eh.... Malapit na ang birthday ko! Pero wala manlang atang nakakaalala, isama mo pa si zen na nasa clinic ngayon at mahimbing na natutulog. Bakit kasi laging pagod si zen? Buntis ba sya? Siyempre hindi! Puputulan ko nang betlog ang gumalaw kay ate zen ko.

Lagi nya kasi kaming tinutulungan eh. /_ / - Hindi naman ako marunong mag luto nang minudo para ibigay sa kanya.

Saka ano.... Ano.... Ano nga ba? ..ano.

"Putangina milan! Kanina kapa!
Sasapakin kita dyan!" Naiinis na sabi sakin ni nine na kanina kopa niyayakap. Ayaw ba nya?! Mabango naman ako!!. Napanguso tuloy ako!.

"Bakit ba?!-" nakasimangot na tanong ko! " Yayakap lang eh! Saka hindi ka naman mabango kaya wag kang feeling!!" Dagdag kopa. Talaga naman eh!! Para syang tatlong araw na walang ligo!.

"Gago! Naka Victoria secret ang pabango ko! Ikaw? Amoy indiano ka!" Singhal naman nya sakin. Gago to ha! Palibahasa matangkad ang adik.

"Hoy! Ang bango kaya nang pabango ko!"

"Anong yan? Baka teodorant yan ha!"

"Hindi ha!"

"Eh ano!?"

"Johnson's baby Cologne!"

Ano kayo?? Mabango pa sa mga pesteng pabango nyo ang pabango ko!. Pang baby! Na parang ako! Cute na baby pa! Siguro kaya madaming nangkakandarapang mga babae sa akin eh!!.

"Bakit nga ba nandito si zen sa clinic? Ok lang ba sya?" Biglang tanong ni Jacob samin kaya napahinto kami.

"Oo nga! Kanina pa syang umaga halatang pagod, Wala atang kain ang zen natin ngayon!" Sabi naman ni nicko saamin. Ako rin! Pansin ko rin... Pansin ko rin na pagod ako! Pagod na laging matulog!!!.

"Madami sigurong ginagawa, alam nyo namang yang si zen, malapit na exam,tapos tinutulungan pa tayo, Hindi ko alam kung anong araw yan nag papahinga eh!" Sabat naman ni Tristan na katabi ni Nicholas na nakaupo habang nakatingin kay zen.

Eh ako? Pagod rin naman Ko ha! Pagod nakong mag hintay kung kelan magiging perfect ang minudo nang yaya ko sa bahay!!. Maalat pa sa buhay nyo lasa!.

"Ang sabi sakin ni jane, Nakita daw nyang buhat ni kole si zen pababa nang rooftop papuntang clinic, iyun lang ang sabi nya sakin, tulog na daw si zen talaga nun" sabi ni nicko kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.

0o0- what!! Anong ginagawa nila sa rooftop? Bakit sila nasa rooftop? Anong balak nilang gawin sa rooftop?
Tapos... Tapos tulog si zen! Saan ba kasi sya napagod!!! Malay ko rin!! Wala akong alam sa nangyayari eh!!.

"Tsk!" Tanging sagot ni davin habang seryosong nakadekwatro at nakatingin kay zen na mahimbing na natutulog. Kampi ako kay nicholas pero.... Kampi rin ako kay kole!

Pareho naman silang bagay kay zen!! Pero siguro mas bagay sa kanya si clark!! Bakit kasi ang tagal nyang bumalik? Ganun ba talaga mag bakasyon pag may lahing Americano?
May.lahi rin naman ako ha!!

Lahing lutang!.

Pare pareho kaming napahinto sa pag uusap nang biglang bumukas ang pinto at iluwal ang aming gwapong vice president na si kole!. Lahing hapon! Japanese version!. Lalong nag ningning ang paningin ko nang makita ang paper bag nyang hawak na halatang pagkain ang laman.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant