CHAPTER 71

798 32 3
                                    

           ZENDAYA WESLEY POV


"Buntis?!,i can't believe na nagagawa mong magsalita nang ganan zen!" Sigaw sakin ni kuya.

Nang makauwi ako ay galit at namumulang mukha agad ni kuya ang bumungad sakin. Nalaman nya agad sa university namin ang ginawa ko. Tinawagan sya nang Guidance office at sinabi ang ginawa ko.

"Hindi ko naman sinasadya kuya, nagawa ko lang yun kasi sa kaklase-----"

"Dahil sa kahibangan mo! Pampabigat na ang kompanya,pampabigat kapa! Ano ba nangyayari sayo?!" Sigaw nya ulit sakin dahilan para napapikit ako. Nakaramdam na agad ako ng takot. Gusto kong maiyak pero may kasalanan din ako.

Hindi ako makapag salita! Natatakot ako kay kuya.

"Ano pang sasabihin nina daddy kapag nalaman nila yan? God zen!"

Wala akong magawa kungdi ang yumuko. Naluluha nako pero baka lalo lang akong pagalitan ni kuya. Masakit pa nang konti ang ulo ko. Isama mopa ang ugali nang mga kumag.

"Nung nakaraan naaksidente ka hindi ko alam, tapos hetong pangalawa kung ano ano ginagawa mo, hindi ko rin alam!! Kelan mo balak sabihin zen?! Kapag napuno nako ha??!" Sigaw nya ulit sakin. Ramdam ko ang galit ni kuya.

Nakikita kopa ang mga maid na balak sanang awatin si kuya pero maski sila nagugulat at natatakot.

"Kuya, zen is tired, bukas nalang natin sya kausapin" awat ni gowon kay kuya.

"I-im s-sorry" tanging sabi ko dahilan para napabuntong hininga sya nang malalim. Hindi sya nagsalita at doon na tumulo ang luha ko.

Hindi ko alam na ganto ang kaso nang ginawa ko pero ayoko naman makita si benick at anak nyang minamaliit lalo na ng section namin.

"Mag uusap tayo zen bukas,matulog kana!!"  Tanging sabi ni kuya, nagulat pako nang padabog nyang sinara ang pinto at naiwan kaming dalawa ni gowon sa loob.

Doon na lumakas ang iyak ko. Biglang lumapit sakin si gowon at niyakap ako nang mahigpit,ramdam ko ang takot din ni gowon.ramdam din nya na natatakot ako. Buti at hindi umatake ang sakit ko.


"Shh it's ok zen, im here" sabi ni gowon habang pinapakalma ako. Umiyak ako sa dibdib nya at sya naman itong hinahagod ang likod ko.


"im sorry, hindi ko alam na magagalit pala si kuya" iyak ko. Hinagod nya lang ako nang hinagod hanggang sa mapagod ako.

Nakakaramdam ako nang hilo kaya naman inihiga  na nya ako sabay halik sa noo ko at iwan ako sa kwarto. Hindi ko akalain na ganun magalit si kuya. Nalaman talaga nya dahil paguwi ko nang bahay ay dala dala ko ang mga pinamili kong damit pambata para kay ced.

Wala sina mommy ngayon dahil sa business. Bukas pa uwi nila kaya alam kong bukas pa nila malalaman, or hindi kung hindi sasabihin ni kuya sa kanila.



Puyat at pagod ako habang nag lalakad sa hallway. Hindi ko naabutan si kuya sa bahay kaya hindi nako kumain at pumasok nalang nang maaga. Pero wala din, late din ako at hindi ako nakaabot sa unang subject namin.

Hindi pako nainom nang gamot. Madami nakong iniisip tapos napasok pa sa isip ko ang mga chat sakin ng unknown number na yun. Hindi ko alam pero parang nakakaramdam nako nang takot pero mas nauna kong hindi ito pansinin.

Pagpasok ko sa room ay tahimik sila habang May teacher sa unahan. Nakaramdam tuloy ako ng hiya kaya bahagya akong napatungo.

"Miss wesley, your late" maotoridad na sabi sakin ni sir.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now