CHAPTER 108

811 24 2
                                    


DANCE BALL EVENT PART.2

"KAMI MUNA KASI!!" Sigaw ni milan habang nag papadyak padyak pa. Luh.


"KULIT MO!! AKO NGA SABI! NAUNA AKONG MAG YAYA EH!!" Sigaw naman ni tristan at nagpapadyak padyak din!, Nandito silang dalawa sa unahan ko habang nag tatalo.


Paano ba naman kasi, niyaya nila ako na mag sayaw sa unahan dahil nag sisimula na, kaso nauna si Tristan dahil wala syang partner ngayon, Sa sobrang topak nang isa!sumabat din ang batang kumag!, Kaya heto ako ngayon...pinapanood silang dalawa harap ko na akala mo manliligaw ko sa baryo!.

"Tumigil nga kayo, Nasa  kalagitnaan tayo nang party nag aaway parin kayo" singit ni nine na nasa tabi ko na halatang napipikon na sa dalawang lalaking nasa harap namin.

"Ito kasi eh!!, Kingina mo!nauna sabi ako magyaya kay zen!" Sigaw agad ni Tristan kay milan na nakanguso na.

"Ako nga!! Nung nakaraang taon pa ako nag sabi sa kanya!!mas nauna ako!" Malakas naman na sigaw ni milan na ayaw talaga nag papatalo.

Huh?nakaraang taon?.


"Ano?Gago!Nung nakaraang buwan lang nag announce na mag event!... advance mo mag isip!" Sabat naman ni terry habang nakain nang manok at may hawak na isang tray nang cupcake. Halatang gutom ha.

Napasapo nalang ako nang noo ko habang pinoproblema ang katangahan nila, wala si nicholas at kole dahil May pupuntahan daw sila saglit, yung iba naman ay nasa gitna na at nag sasayaw, Si benick at lara naman ay nag sasayaw na sa gitna Habang tuwang tuwa. Napaka saya tuloy silang tingnan, halatang masaya si benick. Lalo naman si nicko na kasayaw din si jane katabi lang nina lara, Ang cute talaga nila tingnan.

"Kingina patay kayo kay davin!!"

"Bakit kasi pinag-aagawan!Kay boss yan"

"Kingina tumigil na kayo"

"Twerk twerk nalang tayo!

"Arat shabu......Shabuhay ko!!"

"Landi mo pre!!bakla kaba!"

"Ang haharut nyo!!!"

"What's happening here?"

Pare parehas kaming napalingon sa gilid nang marinig namin ang boses ni Aliparot. Bakit ang gwapo nito? Ang gwapong ni kole!oo ni kole!. Bagay na bagay sa kanila yung suot nila, para silang tambay sa kanto.

"Bosspinagaagawansizen!"

Huh?.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni terry, mabilis na lumapit sa kanya si Tristan at milan halatang nerbyos na nerbyos, mabilis nilang tinakpan ang bibig ni terry.

"H-hehe, Hindi ah!, Sino n-nagsabi?" Kinakabahan na tanong ni Tristan. Napatingin ako kay nicholas na nakakunot ang noo sa ginagawa nang tatlo. Maski ako!.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now