CHAPTER 47

921 36 1
                                    

+++++++++++++++++++++++++++++++


MASAMA ANG LOOB KO!!!. Bakit?. Dahil ang mga kumag na yun,lalo na ang hari nila ay tatlong araw hindi pumasok,

Alam nyo mas malala, akopa pinagawa ni sir at ma'am lahat ng activities nila saka performance. Hindi ko tuloy maiwasang nainis sa kada lakad ko sa room ng section A.

Hindi ako pumasok kaya nandito ako sa bahay namin.  Hindi naman sila papasok kaya ako din..... Ano to ako nalang palagi. Baka pag pumasok ako, ako na naman ang pagagawan ng lahat.

"Zen luto na oh!!" Sabi ni jane na nagluluto sa kusina namin.

Pumunta sya dito para samahan ako manood sa Netflix, hindi sya pumasok dahil nag tatampo daw sya kay nicko. Hindi daw nag chachat hahhaha.

"Anong ulam yan?" Tanong ko.

"Sinigang na tilapia, nagluto na rin ako ng lomi para masarap!"

^_^  lomi!!!!!!. Narinig nyo yun?. Naalala ko tuloy yung lomi namin ni Nicholas sa amusement park.

Nasan kabang hayup ka!!!!!!?

"Sa tingin mo asan ang mga yun?"
Tanong nya sakin habang nag hahain.

"Ewan ko sa mga yun!!, Huwag na sila mag pakita gumaganda na araw ko ngayon!!" Sabi ko with matching  palakpak pa.

Ang totoo parang hindi maganda eh. Feeling ko sarap kutusan ng mga yun kapag nagpakita sila sakin.

"Ewan ko ba kay nicko!! Ilang araw ko na syang tinatawag pero walang nasagot, pumunta rin ako sa kanila pero wala sya dun!!" May halong lungkot na sabi ni jane. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya.

"Wag ka mag-alala, baka may ginagawa lang silang importante, hindi mo ba kilala mga yun? Halos lahat ata ng away sinusubukan ng mga yun!!"

Pangpagaan ko sa kanya. Ngumiti sya sakin at  tumango nalang. Kahit si milan hindi ko ma contact, baka nangbabae na ang isang yun.

"Tara kain na tayo zen!"

"Tara, kuhanin ko lan-----"

Parehas kaming napatingin ni jane sa lamesa ng biglang tumunog ang phone ko. Nagkatinginan pa kami na may kunot sa mukha.

"RIINGGGG!!!!"

"zen sayong phone yan" sabi ni jane.

Lumapit ako doon sabay kuhain ang phone ko, nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni milan sa contact kaya mabilis na sinagot ko ito.

"Hello milan!!! HOY INAMO KA!! SAAN KA GALING? ASAN KAYO!! MGA HAYUP KAYO PAG KAYO NAKITA KO SINASABI KO SA INYO!"

"Z-zen kalma, kumalma ka" sabi ni jane. Hindi ko maiwasang magalit at sumigaw. Mga hayup nato, ngayon lang tunatawag.

[Zen huhuhu,zennn]  narinig kong umiiyak si Milan sa kabilang linya kaya kumunot agad noo ko.

"Milan? Ok ka lang? Nasan ba kayo?" Tanong ko pero naiyak parin sya sa kanilang linya. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala sa iyak nya.

"[Zen masakit ulo ko,punta ka dito huhu]" ano daw?. Masakit daw ulo nya. Lalong kumunot noo ko lalo si jane.

"Huh? Asan kaba puntahan kita"
Sabi ko.

Narinig kopa tong suminghot singhot at halatang meron nang sipon. Eww.
"[Nakina nicholas ako!! Zen huhu sakit ulo ko punta ka na]"

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now