1

3.7K 84 3
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

[Shine POV]
Mag-isang kumakain ako rito sa canteen. Graduating ko na ngayong taon at malaki ang ipinapasalamat ko sa Panginoon dahil dalawang semester na at lalayas na ako sa impyernong paaralang ito--Arellano University.
Twente two years old na ako. Isang sikat daw na singer/dancer pero hindi ko itinuturing na sikat ako. May fans lang. Pero sabi ng mga nakakausap ko, sikat daw ako. Maybe. Napupuno ko naman ang Araneta sa tuwing may concert ako e. After three days, sold out din ang ticket ng concert ko. Mataas na rin ang talent fee ko lalo na sa TV ads.
"Uy, malapit na ang kasal nila," tukso ni Marites na kakapasok lang. Kasama niya sina Justin at Hailey.
"Salamat," pasalamat ni Justin. Sigurado akong nakangiti ito. Masaya naman ito araw-araw kapag si Hailey ang kasama niya. Kahit sa social media, vocal ito sa pagmamahal niya kay Hailey.
Singer din si Justin pero sa ibang talent agency. Si Hailey? She's an actress kaya sikat ang dalawa. Marami rin ang sumusuporta sa kanila.
Engaged na silang dalawa at baka nextyear na ang kasal. Wala pa raw exact date. Si Justin ang anak ng may-ari nitong Arellano University. Mayaman ang pamilya nila.
Ako? May savings naman ako sa bangko mula sa raket ko at regular employee naman si Daddy sa isa sa pinakamalaking company sa bansa. Si Mommy naman ay may bakeshop sa tapat ng bahay kaya medyo may kaya rin kami at afford namin ang pagkain at damit na medyo may kamahalan.
"Sweetheart? Hanap na tayo ng magaling na mananahi para sa wedding gown mo," sabi ni Justin na naupo lang sa tabi ko.
"Sure, sweetheart," excited na sabi ni Hailey.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Ayaw ko na sanang marinig pero dito pa talaga sila pumuwesto.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog. Ang manager ko na naman ang tumatawag. Kahapon pa siya nagte-text at tawag pero hindi ko sinasagot.
"Akalain mo 'yon? Kayo pa talaga ang para sa isa't isa? Dati mag-bestfriends lang kayo, tapos ngayon engaged na? Ang cool," kinikilig na sabi ni Marites.
"Hindi ko rin inakala pero mahal ko na pala si Hailey," sabi ni Justin. "At hindi ko nai-imagine ang sarili ko kapag ikasal ako sa ibang babae," sabi ni Justin. Kinuha ko ang Gatorade at ininom dahil nauuhaw ako.
Puwede naman silang mag-usap nang mahina pero parang sinasadya talaga nito na lakasan para marinig ko.
Oh well, ex ko siya. Siya ang first boyfriend ko. Nagkahiwalay kami noong una pero after ng ilang taon, pinatawad ko siya. Umaasa kasi akong magiging okay na ang lahat. Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. But hell, no. Second chance is full of bitterness for us. Hindi maiwasang hindi ko isumbat ang panloloko niya. Naging agresibo rin siya kaya madalas kaming nagtatalo. At nitong nakaraang buwan, nahuli ko sila ni Hailey sa iisang kuwarto. Nasasaktan ako pero hindi ako nagsalita. Minsan, dinadaan ko na lang sa quote na nasa damit ko at madalas akong tumatawa kapag may camera. Gusto kong ipakita sa lahat na kahit niloko na ako, okay lang ang lahat sa akin at hindi kawalan si Justin. Pero masakit. Bakit kung sino pa ang nagmahal ng tapat, siya pa ang madalas na lokohin?
Sa panahon ngayon, third wheel na ang nagwawagi. Nawawalan na ng puwang sa mundo ang mga original. May fans na nagalit at may fans na lumipat pero wala akong karapatan para pigilan sila. Kung bagay sina Justin at Hailey, e di bagay. Pero iyong madalas na ipamukha ni Justin sa akin na mas mahal niya si Hailey, iyon ang nakakairita.
Tumayo na ako at lumabas para sagutin ang tawag ng manager ko.
"Hello?" tanong ko.
"Mabuti naman at sinagot mo na, bakla," sabi nito kaya natawa ako. Nakikita ko sa isip ko na nagpapadyak na naman ito.
"Naku, bakla. Sabi mo hindi kita sasagutin kahit anong mangyari?" paalala ko.
"May emergency lang kasi. May big offer sa 'yo na kakanta ka mamayang gabi sa Araneta. Concert ni Siwon ngayon at invited ka," sabi nito. Sikat na singer si Siwon kaya gusto mg baguhan na ma-invite sa concert nito.
"How much?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang talent fee ko.
"Eight hundred k," sagot nito kaya nanlaki ang mga mata ko. "One song lang, bakla."
"Really?" bulalas ko.
"Yes," sagot nito kaya napa-yes ako. Kailangan ko rin kasi ng pera para kapag tumigil na si Daddy sa pagtatrabaho, makapagsimula kami ng kaunting negosyo.
"Sure. Go ako," masayang sabi ko at tinapos na ang tawag. Mabait si Mister Go at maalaga. Kaya love ko 'yang manager ko e. Siya na ang naghahanap ng raket ko. Matalik kasi siyang kaibigan ni Mommy kaya alagang-alaga niya ako.
"That's my girl," sabi nito at tinapos ang tawag. Well, bisexual si Mister Go pero may asawa siya at mahal niya ang pamilya niya. Aware naman ang asawa niya na ganiyan ang kasarian niya pero tanggap siya nito at masaya ako para sa kaniya.
Dumiretso na ako sa classroom para sa next subject. Gusto ko nang lumayas sa paaralang ito pero kapag gagawin ko iyon, magmumukha akong kawawa kaya heto, tinitiis kong makikita ang mga ahas sa buhay ko. Minsan, pinag-initan pa ako ng teachers ko kaya napapaisip ako kung kasama pa ba sa teaching nila o pinepersonal na nila ako? Pasipsip kay Justin.
Wala akong gaanong kaibigan dito dahil natatakot ako na baka paplastikin lang ako ng mga estudyante rito. Marami ang natuwang fans nang magkabalikan kami ni Justin. Akala nga nila, papakasalan na niya ako. Marami rin ang nagsabing bakit daw ako nakipagbalikan? Lolokohin lanh niya ulit ako. At tama nga sila. Well, minahal ko kasi si Justin. Siya ang first love ko at wala namang masama na umasa ako sa second chance, 'di ba? Pero wala e. Hindi kami para sa isa't isa.
Pagkatapos ng klase, sa bahay ng manager ko ako dumiretso.
"Mabuti naman at pumayag ka," sabi ni Mr.Go.
"Go lang nang go," nakangiting sabi ko kaya ngumiti siya.
"Yes. Kaya naka-go na ako sa kanila bago kita tinawagan," sabi nito.
"May damit na ba ako?" tanong ko.
"Oo, nauna na sa PA mo pero kapag gusto mo ang naiwan, ito na lang ang isusuot mo," sagot nito. "Kumain muna tayo at dito ka na magpaganda."
"Sure," pagyapag ko. Masaya kaming kumain kasama ng asawa't dalawang anak niya. Mabait si Ate Belen at maganda. Pogi naman si Sir lalo na kapag magpakalalaki talaga. Ang dami ngang nagka-crush sa kaniya.
"Good luck sa guesting mo. Gusto ko sanang manood kaso may dalawa akong chikiting," nanghihinayang na sabi ni Ate Belen.
"Okay lang po. Live concert naman kaya manood ka na lang po Ate,"sabi ko.
"Kaya nga e," sabi ni Ate.
After ng kain, saktong dumating ang hair dresser kaya naghanda na kami.
"Ito na lang ang isusuot ko," sabi ko. Nagustuhan ko naman ang naiwan na black dress. Tinatamad na akong magpalit pa mamaya.
"Kahit saan. Boses at ganda mo lang naman ang kailangan ng fans. Kahit pasuotin pa kita ng basahan, dyosa ka pa rin," proud na sabi ni Mr.Go kaya natawa ako.
"Unfollowed ko na si Justin sa Insta," sabi ng baklang hairdresser ko. "Kakaloka post niya. Halatang nagpaparinig."
"Hayaan mo sila," tinatamad na sabi ko. Ayaw ko nang makarinig pa ng tungkol sa kanila dahil masasaktan lang ako.
"Kaya nga e. May fans pa rin na hindi matanggap ang nangyari at bina-bash sila," pagsang-ayon ni Ate Belen. Mas bitter pa sila kaysa sa akin.
"You deserve something better, girl. Iyong mamahalin ka talaga at hindi iinsultuhin," sabi ng hairdresser ko na si Kevin.
"Kala mo maganda," sabi ng makeup artist ko kaya natawa ako. "Mukhang kabayo naman. Haba ng nguso."
"Hey, huwag na tayong mag-comment para hindi na tayo lalabas na bitter. Hayaan natin silang maging masaya kasi bagay naman sila," saway ko. Sila ang dahilan kung bakit masaya pa rin ako kahit na sa pangalawang pagkakataon, niloko na naman ako ni Justin. Tama sila, may mas mabuting lalaki na darating sa akin 'cause I deserve someone na mapagmahal.
"Ready?" tanong ni Mr. Go.
"Ready!" taas noong sabi ko. Musika ang buhay ko at ito ang nakakapagpagaan ng loob ko.
Lumabas kami sa sumakay sa limo ni Mr.Go. Sa backstage kami dumaan para hindi dumugin ng fans.
May iilang nakaabang kaya nagpa-picture muna ako dahil may time pa naman.
Pagpasok namin sa backstage, nagsimula na ang concert.
"In five minutes, lalabas ka na," sabi ng organizer.
Nire-reherse ko ang kakantahin ko. Habang nasa bahay pa kami kanina, sinabi na nila ang kakantahin ko.
Mga bigating tao pala ang nandito at nakakakaba dahil nandito rin ang sikat na mag-asawang singer kasama ang may-ari ng agency ko pero audience sila.
"Ikaw na," sabi ng manager ko kaya huminga ako nang malalim bago lumabas sa stage.
Napanganga rin ang mga audience nang makita ako. It was a surprise guesting pero mukhang ako ang nasurpreso. There they are. Sitting on a couple chair at napatingin sa akin.
"Thank you at pinaunlakan mo ang invitation namin to sing a romantic song for Justin and Hailey," sabi ni Siwon kaya nanigas ako. Kahit ang fans ko, nagtataka rin. Napasulyap ako sa manager ko na nagwawala na sa backstage. Kahit ang makeup artist ko ay sumesenyas na umalis na sa center stage. Napahigpit ang pagkahawak ko ng mic at napatingin sa may-ari ng agency namin. Puzzled. Obviously, hindi nila alam ito. I feel betrayed. Pero sigurado akong wala ring kinalaman ang manager ko.
Iniangat ko ang mic. "I-It is an honor to sing a song sa inyo," nakangiting wika ko. Lahat ay tahimik. Kalahati sa audience pati mga kapwa singer ay naaawang nakatingin sa akin.
Pero professional ako. Hindi ako sinanay ng Bright Star agency para maging crying baby sa harap nang marami.
Ngumiti ako nang tumunog ang music. Bahala na kung ano ang kinalalabasan ng mga ngiti ko.
You got me sippin' on something
I can't compare to nothing
I've ever known, I'm hoping that after this fever I'll survive 🎶
I know I'm acting a bit crazy
Strung out a little bit hazy
Hand over heart I'm praying
That I'm gonna make it out alive 🎶
The bed's gettin'cold and you're not here. 🎶
Napangiti ako. Ito pa talaga ang kanta na pinakanta sa akin. Parang joke. Walang nakisabay sa akin. Napansin kong nakatutok sa buong mukha ko ang camera. Kahit ang mga tao, inaabangan ang bawat kilos ko. Naka-live pa naman ito. So, gusto talaga nilang makitang nagdurusa ako sa harap ng camera? So, heto na.
Biglang namatay ang music kaya napatingin ako sa nag-ooperate. Pati tao ay nagbubulungan kung ano ang nangyari pero mas marami ang nag-aabang kung ano ang susunod na mangyari.
I have no idea kung ano ang nangyayari. Kung part ito ng show nila, very good. Pero hindi ako lalabas sa stage para ipakitang talunan ako. Nag-aabang ako ng susunod na mangyayari nang may lumabas mula sa backstage na lalaki. Matangkad, maporma at may bitbit na microphone kaya lahat ay nakatutok sa kaniya.
Napabuntonghininga ako. Ano na naman kaya ang drama nila? Susulitin nila ang 800k na talent fee ko? Fine.
"Hi, baby," nakangiting sabi ng lalaki habang palapit sa akin kaya napakunot ang noo ko. Nakayuko siya na tila nag-iisip ng susunod na sasabihin. Familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Hello, guys. Actually, this is a surprise--wooh!" sabi nito na para bang tinataboy ang kaba sa dibdib. "B-Baby, alam mo naman na inlove na inlove ako sa 'yo mula pa noon. At hindi ko kayang titigan ka lang," sabi nito at kinuha ang kanang kamay ko saka pinisil. "I want you to be mine."
Nagulat ako sa ginawa niya nang lumuhod siya sa harapan ko habang nakatingala sa akin. Hala, ano 'to? Is this a part of the show.
"Will you marry me, baby?" tanong niya kaya natigilan ako. Napasulyap ako kina Justin at Hailey na mukhang hindi inaasahan ang nangyayari. Napatingin ako sa audience. Nagtama ang mga mata namin ni Sir Red. Sumenyas siya na mag-yes ako. They're trying to save me from this fuckin' situation.
"Puta! Mag-yes ka na kasi!" pagmumura ng lalaking nakaluhod sa harapan ko pero hindi niya ginamit ang microphone kaya ako lang ang nakakarinig.
"Y-Yes?" naguguluhang sagot ko kaya nagsimulang mag-ingay sa buong paligid.
Nabigla ako nang inilagay niya ang singsing sa mga daliri ko. Hindi siya engagement ring. Panlalaki pa ito na singsing na gawa sa Unisilver. Of course alam ko. Endorser ako ng jewelry shop na 'yon. Nasaan ang box? Galing lang ito sa kamay niya e.
"Yes!" masayang sabi niya na ginamit ang mic. Hindi ako nakakilos nang hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka masuyong hinalikan sa mga labi kaya naaamoy ko ang mainit na hininga niya. What the fuck! He's drunk!

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now