12

1K 56 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

[Shine POV]

Kanina pa kami nakaupo rito sa sala pero wala man lang ganang kumibo itong kaharap ko.
"Okay ka lang?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Mukha ba akong okay?" pabarang sagot nito at ngumiwi na naman. Sa tuwing gagalaw siya, napapadaing siya sa sakit.
"Masakit pa ba?" tanong ko.
Isang matalim na titig ang ipinukol niya sa akin.
"Ikaw kaya ang ma-circum nang walang anesthesia? Try mong magpahiwa sa balat at magpatahi na walang pampamanhid? Try mo kaya, Shine?" Umuusok na ang ilong nito. "Ilang besed kong sinabing masakit pero walang nakikinig sa akin. Ano pa ang ginawa nila? Itinali nila ako at inoperahan na parang baboy!"
Ramdam ko ang hinanakit sa boses nito.
"S-Sun? Wala akong kinalaman," sabi ko.
"Kaya nga sana wala ka na lang alam!" sabi nito. "Bakit ka pa kasi sinundo?"
"Malay ko. Akala ko, ooperahan ka sa puso. Malay ko ba na magpapatuli ka lang pala?" sabi ko. Akala ko talaga nagbibiro lang ang mga kapatid niya na supot siya. As in si Sun? Ang fuckboy ng Villafuerte galaxy ay supot? Sino ang maniniwala?
"Sige lang. Pagtawanan mo rin ako!" sabi niya.
"Ba't kita pagtatawanan? Proud nga ako kasi nakaya mo. Akalain mong ikaw lang ang nagpatuli sa doctor ng walang anesthesia? Grabe, ang tapang mo, Sun," sabi ko. Ang sama ko man pero natatawa na talaga ako sa isipan ko. Pero may part naman na naaawa ako pero mas lamang ang natatawa.
"Alam mo 'yong mahapdi tapos nakakangilo, Shine? Iyon ang nararamdaman ko habang nagtatahi sila. Isinusumpa ko talaga sila!" sumbong niya na naiiyak na naman. Masugatan ka pa nga lang ng blade, masakit na. Paano pa kaya ang sa kaniya na matagal nilang ginawa iyon?
"Akala kasi nila, natatakot ka lang. Psychologically dahil nga takot ka sa circumcision kaya hindi na nila naisip ang anesthesia," sabi ko kaya mas lalong naningkit ang mga mata niya.
"Kumain ka na, Sun, para makainom ka ng painkiller," pangungumbinsi ko.
"Wow! Naalala ninyo ang painkiller? Salamat, huh," sarcastic na sabi niya. Ako kasi ang naatasang mag-alaga sa kaniya. Ewan ko kung ano ang sinabi ni Tito Sky pero napapayag niya si Daddy na pansamantalang samahan ko muna si Sun sa condo na ito.
Well, wala naman sigurong may mangyari sa amin dahil kakatuli nga lang ni Sun kaya safe pa rin ako.
Tumayo siya at parang sakang na naglakad habang hinahawakan ang maluwag na pajama para hindi sumayad sa pitotoy nito.
"Aw!" daing niya at napaupo sa silya saka isinubsob ang ulo sa mesa. "Kailan pa matatapos ang kalbaryo ko?"
"Sabi nila, mga one week pa raw 'yan kasi binata ka na," sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
"Umuwi ka na, Shine. Salamat na lang sa concern pero kaya ko na ang sarili ko."
Umiling ako.
"Hindi mo pa kaya. Tutulungan muna kita. Isa pa, kailangan mong uminom ng gamot sa tamang oras. Kailangan mo rin 'yang linisin habang hindi pa naghihilom," sabi ko. "Ba't ba kasi ngayon ka lang nagpatuli? Nahihirapan ka tuloy."
"Fuck! Alam mo bang ginawa ko ito para sa 'yo kasi ikakasal daw tayo? Na baka hindi mo ako pakasalan kapag malaman mong supot ako? Ano ba ang pinagkaiba? Pareho lang naman 'yon!" reklamo niya.
"Madumi raw sabi nila," sagot ko. Nakaka-touch naman ang sinabi niya. Nang dahil lang ba sa akin kaya siya nagpatuli?
"Psh! Malinis ako sa katawan! Lakas makapanghusga!" depensa niya at pinagmasdan ako. "Masakit na nga ang pagkalalaki ko, ikaw pa ang kasama ko. Umuwi ka na nga."
"Nandito ako para tulungan ka kaya sa halip na magreklamo, makiisa ka na lang kaya para wala na tayong problema?" sabi ko at lumapit sa kusina para maghanda ng makakain. Mabuti na lang dahil Sabado ngayon. May two days pa kaming magkulong sa condo na ito. Dalawa naman ang kuwarto kaya sa kabila ako matutulog.
"Talagang itinakwil na ako ng mga magulang ko." Narinig kong reklamo niya sa dining room.
Ito siguro ang rason kung bakit ayaw niyang umuwi sa kanila. Dahil pini-pressure siya noon na magpatuli. Hmp! Daming naikama pero supot pala. Kung siya ang mapapangasawa ko, ayaw ko rin namang supot siya. Pero ang harsh nila kay Sun. Naaawa ako sa tuwing maalala kong wala pala siyang anesthesia noong tinuli siya. Hindi ko talaga makalimutan ang mga luha niya habang nagmamakaawang itigil na dahil nasasaktan ito.
"Nagugutom na ako. Pakibiklisan naman, please," pakiusap nito. At least may 'please' kaya okay lang.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now