7

1K 46 1
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

Unedited...

[Shine POV]

"Ano ang kakainin mo?" tanong ni Sun.
"Kahit ano," sagot ko at inipit ang nahabang buhok ko sa kanang tainga. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko na naayos pa.
"May pagkain ba silang kahit na ano?" pamimilosopo nito.
"Bahala ka," sabi ko. "Ba't mo kasi ako dinala rito?"
"Wala lang. Normal lang naman na mag-date tayo," sagot niya at napabuga sa hangin. Tinawag niya ang waiter at sinabi ang order.
"Date? Ang dami mo namang babae kaya bakit ako pa ang kinulit mo?" mahinang tanong ko nang umalis na ang waiter.
"Nagpapakabait ako, sweetheart. Kaya huwag mong basagin ang kabaitan ko," sabi nito.
"Mabait ka na niyan?" panunuya ko.
"Oo," sagot nito at nginitian ako.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin, Araw?"naiinis na tanong ko. "Nagsasayang lang tayo ng oras sa isa't isa."
"Haist! Could you please pretend that we're lovers? Nauubos na ang pasensiya ko sa 'yo, Shine!" mahina pero nanggigigil na pakiusap niya. Pikon talaga.
"Puwede namang huwag ka nang makipagkita sa akin kung ayaw mo talaga," sabi ko.
"Alam mo, sweetheart?" mahinang sabi niya at inilapit ang mukha sa akin. "Ikaw ang magandang boring kasama lalo na sa kama."
"Palagi mo na lang sinasabing boring ako pero madalas mo akong tawagan para makipag-date sa 'yo!" sumbat ko.
"As if na gusto ko 'to. Aminin na lang natin sa madla na naghiwalay na tayo at friends naman tayo--good friends," sabi nito.
"Bahala ka," sagot ko.
Wala nang nagsalita pa sa amin at busy na sa pagkakalikot sa cellphone hanggang sa dumating ang order namin.
"Kain ka na," yaya niya at nilantakan ang malutong na lechon kaya nakisabay na ako sa pagkain.
"Uy, Sun!" sabi ng papalapit na babae. Naka-black dress ito na malalim ang V-neck. Hanggang pusod na yata ang hiwa ng damit nito kaya halos lumuwa na rin ang mga mata ng kalalakihan sa paligid.
"Hey! Savanna!" bulalas ni Sun na ikinasimangot ng babae.
"I'm not Savanna!" naiinis na sabi ng babae at hinila ang silyang nasa tabi ni Sun.
"Camella?" Napakamot sa ulo na sabi ni Sun. Hindi pa talaga ito sigurado sa sinasabi.
"Victoria," pagpakilala ng babae dahil mukhang walang pag-asang maalala ng mokong.
"Ah, nakalimutan ko," pag-amin nito. "Nakakalito kasi parang name ng pabahay."
"It's okay. Sanay na ako," nakalabing sabi ng babae at humarap sa akin at kinilatis ako mula ulo hanggang paa. "Who's she?"
"Friend niya," tinatamad na sabat ko.
"Fiancée ko," sagot ni Sun kaya pinandilatan ko siya.
"Oh? So? Totoo pala ang balita? You look prettier in TV," maarteng sabi nito.
"She looks pretty in my eyes," sabat ni Sun at nginitian ako. Ano na naman kaya ang drama nito?
"Seryoso ka na ba sa kaniya?"
Hindi ba sila nahiyang pag-usapan ako sa harapan ko pa mismo.
"Oo naman. Yayain ko ba siya ng kasal kung hindi?" sagot ni Sun at napasulyap sa akin. Kapag hindi ko kabisado ang ugali niya, parang malapit na akong maniwala sa drama nito.
"Oh, I see. You're so lucky, girl," naiinggit na sabi ng babae at tumayo. "Got to go."
"See you somewhere," pahabol ni Sun.
"Sino 'yon?" tanong ko nang malayo na ang babae.
"Savanna," tinatamad na sagot ni Sun.
"Parang hindi naman yata Savanna ang pangalan niya," sabi ko.
"Camella," sagot niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala na. Nakalimutan na naman niya.
Ipinagpatuloy ko ang naudlot na pagkain dahil sa pagdating ng babae kanina.
Pero kapagkuwa'y tumigil ako at napatingin kay Sun.
"Bakit ba ayaw mo pang aminin na wala naman talaga tayong relasyon?"
"Masarap kumain kapag mainit pa," sagot niya.
Hindi ako kumibo. Pinagmasdan ko lang siyang kumakain hanggang sa tumigil siya at nakipagtitigan sa akin.
"Do you believe in fairtales?" tanong nito at pinahidan ng tisyu ang bibig.
"Fairytales are for children, reality is for us adults," sagot ko kaya napailing siya.
"Sometimes, hindi natin kailangan maging bata para maniwala sa fairtlytales. Fairytales become reality when we believe," sagot nito at kumindat sa akin.
"What do you mean?"
"Let's give this a shot, Shine. Just for once," sagot nito kaya natigilan ako.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Totohanin natin ang relasyon natin. Kapag hindi mag-work, e di maghiwalay na tayo. Act as my girlfriend and I will act as your boyfriend," sabi nito kaya umarko ang kanang kilay ko.
"Ano ba ang trip mo?"  Uminom ako ng apple juice.
"Gusto kong magbago," sagot nito kaya bigla na lang ako napaubo nang mabilaukan ako.
Walang nagsalita sa amin. Pasimple siyang uminom ng juice na para bang walang nangyari.
"S-Seryoso ka?" nagdududang tanong ko. Baka mamaya, gino-goodtime lang ako nito.
"Tapatin na kita, sweetheart. Ayaw kong mapalayas sa bahay. Masyadong banal ang pamilya ko pagdating sa kasal. Against sila sa divorce at hate ng grandparents ko ang nagiging iresponsableng lalaki sa mapapangasawa nito. Kung puwede lang, unti-untiin muna natin sila at malay mo, mag-work pala tayo?" Lipad sa hangin na sabi niya.
"Hindi kita mahal," diretsahang sagot ko.
"Mas lalo na ako. Diyos ko naman, hindi tumatayo ang pagkalalaki ko sa 'yo," sabi nito. "You're a goddess at wala akong masabi but believe me, sweatheart. Hindi ka nakakalibog."
"Grabe ka mang-insulto ah!" daing ko. Nakikiusap na nga, mang-insulto pa.
"Well? Just stating the fact," depensa nito.
"Masyado kang insensitive sa pagiging prangka mo!"
"Ayaw ko lang magin sugar-coated--"
"Shutup!" saway ko at inirapan siya.
"So? Payag ka na, sweetheart?"
"Huwag mo nga akong tawaging sweetheart!" saway ko.
"Para masanay na ako," depensa niya.
"Ba't sweetheart? Corny mo!"
"Babe ang tawag naming mga Villafuerte sa mga babae namin kaya magpasalamat ka dahil hindi ka napabilang sa babe namin."
Inirapan ko siya.
"Sweetheart? Smile," sabi niya habang nakatuon sa akin ang cellphone niya.
"Hey! Delete mo 'yan!" Utos ko pero tinago na niya ang cellphone sa bulsa.
"Remembrance. Upload ko 'to sa Insta ko. Ang dami ko nang followers dahil sa 'yo," sabi nito.
"Private mo account mo," sabi ko.
"Ayaw ko nga. Sayang ang pag-upload ko kung naka-private lang ang account ko," tanggi niya.
"Ewan ko sa 'yo!" sabi ko.
Napasulyap ako sa papasok sa restaurant. Pinsan ni Hailey na kaibigan ni Justin.
"Hey, Shine. Kumusta ka na?" tanong ni Jewel at napasulyap kay Sun
"I'm fine," sagot ko.
"Ow? You're with him pala," sabi nito na ang tinutukoy ay si Sun.
Si Jewel ang unang nakaalam ng panloloko nina Justin at Hailey pero sa halip na sawayin ang pinsan, kinunsinti pa niya ito. At proud sa relasyon ng dalawa. Parang ang plastic lang ng dating dahil sa kabila ng lahat, nakikipagkaibigan pa rin siya sa akin at feeling close pa.
"Let's go, sweetheart?" tanong ni Sun. Tumango ako at tumayo.
"Pasensiya na, Jewel. May pupuntahan pa kami ni Sun," paumanhin ko.
"It's okay. Take care," sabi nito.
Hinawakan ni Sun ang kanang kamay ko saka hinila ako palabas sa restaurant.
"Women!" bulong nito nang makarating na kami sa nakaparada niyang sasakyan. Binitiwan niya ang kamay ko at binuksan ang pinto sa frontseat. "Sakay na."
Sumakay na ako. Umikot siya at pumasok sa driver's seat.
"Ayaw kong ma-inlove," sabi ni Sun habang nagmamaneho.
"Wala namang naniniwala na ma-inlove ka pa," sabi ko.
"And what if I do?" tanong nito.
"E di ikaw na. Walang pumipigil pero sa ugali mo, ang malas ng babaeng mamahalin mo," sagot ko.
"Psh! Huwag mong sabihin 'yan. Baka nakalimutan mo, isa ka na sa mga babae ko?" paalala nito na para bang may legal na kontrata kami.
"Hindi ako isa sa kanila," giit ko.
"Hmmm? Sige ka, baka sa 'yo ako ma-inlove."
"Solohin mo ang pagmamahal mo!" sagot ko kaya natawa siya.
"Mas okay kapag i-share ko sa 'yo, sweetheart."
"Teka. Hindi ito ang daan pauwi," sabi ko nang iba ang daang binabaybay namin.
"I know. Dumaan ka muna sa bahay," sagot nito.
"What?" tanong ko.
"Ang sabi ko, dumaan ka muna sa bahay dahil nandoon ang lolo ko. Gusto ka niyang makilala at makita nang personal," sagot nito at pinabilisan ang pagmaneho.
"Sun? Ayaw ko. Hindi pa ako handang makilala sila," tanggi ko. Hindi ako nakapaghanda at simple lang ang ayos ko.
"Puwes, sila handa na. Chill lang, mababait sila at wala kang maging problema sa grandparents ko," kampanteng sabi nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?"
"I forgot," sagot nito at iniliko ang sasakyan.
"Sun naman, nahihiya ako."
"Mawawala rin ang hiya mo kapag makilala mo sina Lolo Skyler at Lola Kimberly," anito kaya napasimangot ako habang nakatitig sa unahang kalsada.
Somehow, nagkaroon ako ng excitement. Sa wakas, makikilala at makaharap ko na ang mga Villafuerte.

A/n:
Habang nag-aupdate, isip muna ako ng plot neto. To be honest, susubukan kong magustuhan ang portrayers. Yeah, bini-build ko pa ang charac nila based sa pictures nila. Medyo tagilid, bes... Straight to the point, walang chemistry sa ngayon ang port. Hehehe. ✌ pero susubukan ko pa rin. Pipilitin ko. At kapag hindi talaga, papalitan ko sila.

Stupidly EngagedOnde histórias criam vida. Descubra agora