8

1K 53 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Unedited...

[Sun POV]

"Oh? Ba't nandito ka?" tanong ni Daddy nang lumabas sa kuwarto. Nasa sitting room ako nakahilata at tinatamad na kumilos.
"Saan ho ba dapat?" tanong ko.
"Himalang wala ka yatang lakad ngayon," sabi niya.
"Kapag umalis ako, nagagalit kayo. Kapag pumirmi ako rito, nagtataka kayo," ani ko.
"Pinagloloko mo ba ako, Araw?" naiinis na tanong ni Daddy.
"Nope," tinatamad na sagot ko at itinakip ang cushion sa mukha ko. Kapag magkasama kami ni Daddy, parang nakakatandang kapatid lang namin siya. Minsan, napagkamalan ngang mas bata pa ito kaysa sa amin. Siguro dahil palangiti at palatawa siya. Iyong galit na ang lahat pero siya, nakatawa pa rin. Pero iba rin 'to kapag magalit. Nawawalan ng konsensiya kapag hinahamon.
"Hindi mo ba pupuntahan si Shine?" tanong ni Clouds nang lumabas sa kuwarto.
"Hindi," sagot ko habang nakapikit ang mga mata. Istorbo sila.
"Ang suwerte mo kay Shine. Mahinhin, mabait at sobrang ganda," sulsol ni Daddy kaya napabangon ako at hinarap sila ni Clouds na nakaupo na sa harapan ko.
"Oo nga. Huwag mo nang pakawalan pa," segunda ni Clouds.
"Basura ng iba," bulong ko.
"Naku! Huwag kang ganiyan! Dapat nirerespeto mo siya kagaya ng mommy mo," saway ni Daddy.
"Yeah. Gago kasi 'yon si Justin!" pagsang-ayon nitong si Clouds.
"Pareho lang kami ng taste ni Justin at kapag ako ang nauna kay Shine, iiwan ko rin siya. Believe me, for how many times na nagkasama kami, naging boring ang buhay ko," sabi ko. "And I cannot blame Justin na iniwan si Shine. Kapag hindi ka na masaya, iwan mo na. Mahirap magtiis ng tinapay kung ang hanap mo talaga ay kanin," dagdag ko.
"Bulag ninyo at hindi ninyo nakikita ang ganda at halaga niya!" sabi ni Daddy.
"Hindi naman kasi ganda ang basehan ng love, Dad," sabat ni Clouds na umiba na ang timpla. Well? Sa aming lahat, si Clouds ang naunang mag-asawa at well, medyo tagilid sa ganda si Seola pero ang sexy na nito at magaling magdala sa sarili. Isa pa, ang sarap nitong kausap dahil may sense of humour pero si Shine? Ganda lang talaga ang meron siya.
Hindi naman sa iniinsulto ko siya pero nagsasabi lang ako ng totoo. Siya ang tipo ng babaeng isang tanong, isang sagot. Magtititigan lang ako magdamag at wala siyang gagawin para mapasaya ka. Ganu'n 'yon.
"Daig pa rin ng babaeng kuwela ang babaeng maganda lang," sabat ko.
"Sabi mo dadalhin mo siya rito pero bakit hanggang ngayon, wala pa?" tanong ni Daddy. Hindi kami natuloy noong isang araw dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila kaya iniuwi ko na.
"Busy siya," sagot ko.
Tumayo ako.
"Makaligo na nga para gumala," sabi ko at tumungo na sa kuwarto.
Paunti-unting nawawalan na ako ng mga babae nang dahil kay Shine.
Pagkatapos kong maligo, bumaba ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mommy nang makasalubong ko. Kasama niya si Chummy na kumakain ng ice cream na nasa baso habang naglalakad.
"Lumulubo ka na," sabi ko kay Chummy kaya tumigil ito sa pagkain at pinandilatan ako.
"Saan ka pupunta?" ulit ni Mommy.
"Friends," tipid na sagot ko.
"May family dinner tayo mamaya kaya yayain mo si Shine," sabi ni Mommy.
"Mom? Hindi ko papakasalan si Shine," prangkang sagot ko.
"Hinahanap na siya nina Daddy Skyler at Daddy Tyron kaya isama mo siya," sagot ni Mommy.
"Anong family?" tanong ko.
"Villafuerte," sagot ni Mommy. Sa ngayon, hindi pa puwedeng magkasama ang mga Rodriguez at Villafuerte sa iisang mesa. Mahabang istorya pero umaasa kaming mga nasa gitna na maaayos din ang lahat. In God's perfect time. Well, okay naman ang grandparents namin. Casual lang. Pero ang parents namin, medyo tagilid lalo na sina Tita Jairah at Mommy Taira. Makaka-move on din ang lahat.
"Subukan ko," sabi ko dahil tinatamad na akong makipagtalo. "Alis na ho ako. Chummy? Kay Star 'yang kinakain mo kaya magtira ka."
Tumigil siya saka nanlaki ang mga mata.
"Alis na ho ako," paalam ko saka lumabas na.
Habang nagmamaneho, tinatawagan ko si Shine. Gumagawa raw sila ng music video kaya wala akong choice kundi puntahan siya sa kung nasaan siya.
"Bakit ka nandito?" tanong niya habang palapit sa akin.
"Tapos na ba kayo?" tanong ko at pinasadahan ng tingin. Okay. Maliban sa ganda, may sense of fashion din ang babaeng 'to. Magaling magdala ng damit dahil maganda at makinis ang kutis.
"Bakit ganiyan ka 'pag makatingin sa akin?" tanong niya.
"Wala naman," sagot ko. "Are you free tonight? May family dinner kami at imbitado ka."
"Busy ako," sagot niya.
"Palagi ka na lang bang iiwas?" tanong ko.
"Susubukan kong makapunta."
"Huwag mong subukan, gawin mo. Susunduin kita sa inyo. Ako ang magpapaalam sa parents mo," sabi ko at napasulyap sa papalapit sa amin.
"Tapos na ba kayong mag-usap? Baka puwede na nating ipagpatuloy ang shoot?" tanong ng babaeng mataba.
"Who's she?" bulong ko kay Shine.
"Director," tipid na sagot niya. "Sige na, umalis ka na."
"Alis na ako. Tatawagan na lang kita," sabi ko at humarap sa sinasabi niyang director. "Bawal ang overwork kaya ingatan ninyo ang girlfriend ko."
"Umalis ka na," bulong ni Shine.
"Psh! May usapan tayo at ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang boyfriend mo," depensa ko. "Huwag mong kalimutan, sharp seven, nasa tapat na ako ng gate ninyo."
-------------------

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now