19

1.1K 49 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

Unedited...
"Alam ko namang galit ka sa akin," nagtatampong sabi niya.
"Ba't ako magagalit sa 'yo?" tanong ko.
"Kasi hindi pa kita pauuwiin," sagot niya kaya napailing ako. Gusto ko nang umuwi. One week na ang relasyon namin kaya alam kong nanganganib na ang pagkatao ko. Marahas pa naman 'to minsan.
"Bakit ba ayaw mo akong pauwiin, Sun?"
"Kailangan pa bang itanong 'yon? Siyempre mahal kita at ayaw kong may ibang kaagaw. Gusto kong palagi kang nasa tabi ko at gusto kong nakikita ka palagi," sagot niya.
"Hindi ka nagsasawa sa akin?"
"Ba't naman ako magsasawa?" tanong niya na para bang may mali sa sinabi ko.
"Kasi nga palagi tayong nagkikita," sagot ko.
"Hala," anito. "Magkasintahan tayo kaya normal lang na madalas tayong nagkikita. Siyempre gusto kitang mayakap palagi."
"Sun naman! Delikado. Alam mo na," sabi ko na ikinasimangot niya.
"Alam naman ng lahat at aaminin mo man o hindi, hindi sila maniniwalang walang nangyayari sa atin. At ano naman kung may mangyari nga?Pananagutan naman kita!" naiinis na sabi niya.
"Hindi mo ako naiintindihan, Sun eh!" Napipikon na ako.
"Hindi mo rin naman ako maintindihan," pakikipagtalo niya. Wala na. Kapag ganitong usapan, ayaw niyang padadaig sa akin.
"Bahala ka na nga!" Pagsuko ko.
"Sama ka na kasi sa swimming namin. Wala namang masama dahil nandoon sina Star. Hindi ka ma-o-OP. Hahayaan na lang ba kitang malungkot doon?" pangungimbinse niya. Kagabi pa siya nag-aalburuto dahil gusto niyang sumama sa bakasyon ng barakada sa Batangas.
"Oo na, pero pag-uwi natin, sa bahay na ako didiretso," pakikipag-bargain ko. "Sige na. Na-miss ko na sina Mommy at Daddy."
Narinig ko ang pagkawala niya ng malalim na buntonghininga.
"Fine," pagpayag niya. "Mag-ayos ka na para makasunod na tayo sa kanila." Kaninang madaling araw pa umalis ang mga kasama nito para iwas traffic.
"Gusto mo talagang sumama sa kanila e di sana ikaw na lang mag-isa."
"Hindi nga puwede. Hindi kita iiwan. Alam mo namang ikaw lang ang nagpapasaya sa akin e," sabi niya. Minsan, napapaisip ako kung binobola lang ba niya ako o seryoso na siya? Masyadong cliche ang mga banat niya e.
"Oo na po. Sasama na nga, 'di ba?"
Pumasok ako sa kuwarto and pack my things. Konti lang ang dinala ko since one night lang naman kami roon. Kinabukasan ng hapon, babalik din daw kami.
"Ready ka na?" tanong niya nang pumasok sa kuwarto.
"Oo. Kaunti lang ang dala ko," sagot ko saka nilingon siya. Backpack din ang dala niya.
"Akin na 'yan, sweetheart," sabi niya at kinuha ang itim na bag sa ibabaw ng kama. "May nakalimutan ka na?"
"Wala na," sagot ko nang masiguradong sapat na ang undies na dala ko.
"Good. Tara," yaya niya kaya sumama ako sa kaniya palabas ng unit ko.
"Ipapaayos ko kina Yaya ang mga gamit ko para hindi na ako mahirapang--"
"Iwan mo na ang mga gamit mo," sabat niya kaya napatingala ako sa kaniyang nakatunghay sa akin habang nag-aabang ng elevator.
"Sun naman," ani ko. Bumukas ang pinto at medyo marami na ang taong nasa loob pero hinila pa rin niya akong pumasok.
"Dito lang ang mga gamit mo dahil uuwian mo rin naman ako," mahinang sabi niya nang makapasok na kami.
"Sun--"
"Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa pamamahay ko, Shine," determinadong sabi niya kaya napalingon ang dalawang babaeng nasa unahan namin. Nagulat pa nga sila nang mamukhaan si Sun.
Inakbayan ako ng mokong. "Basta sweetheart, bumalik ka ha. Kapag magkaproblema kayo o may mang-away sa 'yo, tawagan mo lang ako."
Tumango ako bilang tugon. Pinisil niya ang braso ko saka dinampihan ng halik sa noo.
Bumukas ang elevator kaya lumabas na rin kami.
"Ang tagal ng biyahe natin dahil traffic sa NLEX" sabi nito.
"Ipagdasal na lang natin na uusad pa tayo," sabi ko.
"Mas uusad ang relasyon natin kaysa sa trapiko, pangako," nakangiting sabi niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aw! Masakit kang mangurot," daing niya pero tinawanan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
Habang nasa biyahe, panay ang patugtog niya sa mga kanta ko. Minsan, sinasabayan ko ito.
"Ubos mo na ang fries, sweetheart?" tanong niya at napasulyap sa akin. Sa awa ng Diyos, nakausad naman kami sa traffic sa NLEX.
"Gusto mo? Konti na lang," sagot ko. Dumaan kami sa drive tru kanina at nag-order ng makakain.
"Sige," aniya kaya kumuha ako ng ilang pirasong fries at sinubuan siya habang nagmamaneho. Ayun, nagkukuwentuhan lang kami habang nagmamaneho siya. Paminsan-minsan, sinusubuan ko siya ng food.
"Nandito na tayo,"anunsiyo niya matapos ihimpil ang sasakyan sa tabi ng mamahaling sasakyan ng mga kapatid.
Saktong natanggal ko angs seatbelt nang buksan niya ang pintuan.
"Kuya!" tili ni Ash habang palapit sa amin.
"Hey, baby!" masiglang bati ni Sun saka binuhat ang bata habang ang isang kamay ay bitbit ang dalawa naming bag.
"Akin na 'yan, Sun," sabi ko at kinuha ang backpack ko.
"Ang ganda mo po, Ate Shine," puri ni Ash kaya napangiti ako.
"Mas maganda ka," puri ko. Maganda naman talaga siya. Habang tumatagal, mas lalong gumaganda ang bata.
"Thank you," pasalamat ni Ash. "Ate Seola!" tawag niya nang makita sina Seola at Clouds na patungo sa dagat.
"Gusto mong sumama sa kanila?" tanong ni Sun at ibinaba si Ash.
"Si Kuya Moon ang gusto kong makasama!" sagot ni Ash na nakatingala sa amin nang makitang may kasamang babae si Moon.
"Sige. Huwag kang lalayo ha," pagpayag ni Sun kaya patakbong lumapit si Ash kina Moon.
Dumiretso kami ni Sun sa kuwartong para sa amin.
"Tayong dalawa lang ang nandito?" tanong ko habang nakaharap sa bintana at aliw na aliw sa tanawing nasa harapan ko. Kay tahimik ng dagat.
"Bakit parang ayaw mo? Ah, natatakot ka na baka gahasain kita," sabi niya saka niyakap ang bewang ko mula sa likuran. "Hindi ko iyon gagawin, sweetheart. Unless, you ask me to."
"Sun naman. Wala iyon sa isip ko," tanggi ko pero iyon talaga ang unang pumasok sa isipan ko.
"Nasa iisang bubong tayo, Shine. Kung gustuhin kong galawin ka, matagal na sana," sabi niya. May point siya kaya guminhawa ang pakiramdam ko.
"Ang dumi kasi ng isip mo," sabi niya saka hinalikan ang balikat ko. Ang init ng malambot na mga labi nitong sumisipsip sa balat ko sa balikat.
"Sun?"
"Hmm?" Tumigil siya saka ipinatong ang baba sa likuran ng balikat ko habang nakatingin kami sa malawak na karagatan.
"Bakit mo ako mahal?"
"Hindi ko rin alam," sagot niya. "Basta masaya ako sa tuwing kasama kita. Parang kumpleto ang pagkatao ko kapag nandiyan ka," sagot niya.
Nanayo ang maliit kong balahibo nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na hininga ni Sun sa balat ko.
"Ligo na tayo, sweetheart? Papalubog na ang araw," bulong niya at isinubsob ang ulo sa likod ng ulo ko.
"Ang dami naman ninyong bisita," puna ko nang makita ang mga babaeng tumatakbo palapit sa tabing-dagat.
"Yaan mo sila. Basta ako, ikaw lang ang bisita ko," sabi nito at lumayo sa akin. "Magpalit ka na bago pa tayo matukso rito," nakangiting sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Puro kahalayan ang nasa utak mo," sabi ko saka kumuha bg simpleng blue bikini sa backpack. Pumasok ako sa bathroom at doon na nagpalit.
Paglabas ko, biglang sumimangot si Sun.
"Bakit ganiyan ang suot mo? Magsuot ka nga ng iba pa!" saway niya kaya nakaramdam ako ng hiya.
"H-Hindi ba maganda?" nag-aalinlangang tanong ko. Siguro hindi bagay sa akin. Minsan lang akong nagsusuot ng ganito dahil minsan lang din kaming nagswi-swimming.
"Bagay sa 'yo pero ayaw kong nakikita nila ang magandang tanawing nakalaan lang para sa mga mata ko," sagot niya at nginitian ako habang hinahagod ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Aminin mo na na hindi bagay sa akin," naiinis na sabi ko. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Wala kang isusuot na hindi bagay sa 'yo. Pero mas bagay sa 'yo ang maghubad sa ibabaw ng kama ko," pilyong sabi niya na ikinasimangot ko.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Sun!"
"Fine. Ayaw ko talaga ng ganiyan dahil ayaw kong pagpiyestahan ka nila. Sweetheart naman, magsuot ka ng iba," pakiusap niya at naghalungkat sa bag ko. "Heto oh. Isuot mo 'to."
Inabot niya sa akin ang seethrough na pantaas na kulay blue rin kaya wala akong nagawa kundi isuot iyon.
"Puwede na ang ganiyan," pag-apruba niya matapos kong isuot ang seethrough na inabot niya.
"Ang daming arte!" reklamo ko at nagmartsa palabas ng kuwartong tutuluyan namin.
"Halika, doon tayo," yaya niya sabay turo sa isang bahagi ng dagat na walang tao. Private resort ng pamilya namin ito na ipinamana pa nina Lolo Tyron sa amin.
"Sun!" tawag ng babaeng palapit sa amin kasama ang mga barkada nito. "Sabay ka na sa amin mag-swimming."
"Kayo na lang, may kasama na ako," tanggi ni Sun.
"Join us na lang," giit ng babaeng may katabaan pero yakang-yaka naman ang pagtwo-twopiece.
"Gusto naming magsolo ni Shine," kalmadong sagot ni Sun. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga babae. Magaling din naman silang magdala ng swimsuit nila at hindi rin naman pahuhuli ang ganda at mga katawan.
"Hayaan na ninyo, guys. Let's go. Swimming na tayo," yaya ng naka-pink bikini at tumakbo na palusong sa dagat. Nagsitakbuhan na rin ang mga kasama nito na para bang nga batang naghahabulan.
"Bakit hindi ka sumama?" tanong ko.
"Gusto kong masolo kita," sagot niya.
"Sus, kunwari ka pa."
Tumawa siya saka inakbayan ako at niyakap saka hinalikan sa noo. "Hindi na ako tumitingin sa iba, Shine."
"Sinong niloko mo?" tanong ko na hindi naniniwala sa sinasabi niya. Siyempre, siya pa.
"Wala akong niloloko dahil mula nang maging tayo, seryoso na ang lahat sa buhay ko," sagot niya. Nakaramdam ako ng tuwa pero pilit kong ikinubli.
"Maligo na tayo, Sun," yaya ko at mahigpit na hinawakan ang kanang kamay niya saka hinila patakbo sa tubig.
"Kyaah!" Tili ko nang bigla na lang niya akong buhatin na parang isang sako ng bigas.
"Sun--kyah!" Pabagsak na binitiwan niya ako sa tubig kaya napapaubo ako dahil sa nainom kong tubig-dagat. Sobrang alat kaya sumakit ang ilong ko.
"Ang sama mo talaga, Araw!" singhal ko habang napapahilamos sa mukha.
"Ang cute mo, sweetheart," puri niya saka niyakap ako. Napasubsob ako sa malapad at mainit niyang dibdib. Topless siya at naka-swimming trunks lang kaya wala siyang naitatago. Kahit nga ang natatakpan, bumubukol e.
"Ang sama mo," pabulong na sabi ko. Medyo nawala na ang pait sa mga mata ko.
"Hmm? Mahal kita, Shine," bulong niya at hinigpitan ang pagkakayakap. "Sana huwag ka nang mawala pa sa akin."
Ganito ba talaga siya? Araw-araw na nagdadrama? Araw-araw niyang ipagsigawan at iparamdam sa 'yo na mahal ka niya?
"Shine?" tawag niya kaya napatingala ako. Nag-uusap ang aming mga mata hanggang sa unti-unti niyang ibinaba ang mukha sa akin.
"S-Sun..." usal ko. Ngumiti siya. Oh my, ang guwapo.
"I said I love you," ulit niya bago maglapat ang mga labi namin. Mahal ko si Sun at wala na akong alinlangang mahalin siya.
"I love you too, Araw," sagot ko nang magkahiwalay ang aming mga labi saka niyakap siya.
"Halika, langoy pa tayo," yaya niya at dinala ako sa medyo malalim na parte ng dagat.
"Kapag kasal na tayo, gusto kong magkasama pa rin tayong naliligo rito sa pagtanda natin," sabi niya kaya napangiti ako.
"Kasal?" ulit ko.
"Oo, di ba ikakasal naman tayo?" sagot niya saka muling hinapit sa bewang. "At kapag kasal na tayo, bibigyan mo ako ng cute na mga anak."
Doon na ako natawa. Paano kaya kapag magkaanak kami ni Sun? Kanino kaya magmana ang mukha? Hay Sun, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon.
Naligo kami hanggang sa magsawa na kami at umahon na para mag-dinner dahil kanina pa tumatawag sina Star at Earth.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now