24

1K 50 1
                                    



STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

Unedited...

"She's not answering her phone," malungkot na sabi ni Sun habang dina-dial na naman ang number ni Shine. Matapos nitong umiyak, tumakbo ang dalaga palabas ng unit ni Sun at hindi na niya naabutan pa sa parking lot.
"Ano ba kasi ang problema?" naguguluhang tanong ni Sky sa anak. Kanina nang dumating ito, halos binagsakan ng langit at lupa ang mukha.
"D-Daddy? Si Shine. Nag-away yata kami," parang natataeng sumbong ni Sun sa ama.
"Anong parang? Hindi mo alam?" nakataas ang kilay ni Sky at naupo sa sofang katapat ng inuupuan ng anak. Nasa sitting room sila ng second floor ng kanilang mansion.
"Kasi po--ano..." Hindi niya kayang ipaliwanag sa ama ang sitwasyon dahil naguguluhan din siya.
"Nag-break kayo? Na-realize niya na weak ka pala sa kama?" biro ni Sky para mawala ang tension ni Sun pero mas lalong namutla ang anak.
"K-Kagabi kasi, niyaya ako nina Star na mag-bar," panimula ni Sun kaya napataas ang kanang kilay ni Sky.
"Lintik! Huwag mong sabihing hindi ka nagpaalam kay Shine at nahuli ka niya?" Tumaas ang boses ni Sky. Yan naman ang madalas nilang problemang triplets noong kabataan pa nila.
"G-Gano'n na nga po," ani Sun kaya napakamot sa ulo si Sky.
"Tarantado ka!" hiyaw ni Sky at malakas na sinapak si Sun.
"Aw!" hiyaw ng binata.
"Lintik! Ba't ka nagpahuli? Gago ka pala e!" ani Sky. "Pero normal lang naman na magbisyo ka paminsan-minsan. Mauunawaan naman ni Shine iyon."
"K-Kasi dad--"
"Ano na naman, Araw?"
"D-Dad? N-Nahuli ako ni Shine na ano--" Napalunok siya ng laway. Hindi naman dahil sa natatakot siya sa ama pero alam niyang may kasalanan siya.
"Ano?" Hinintay ni Sky ang susunod na sasabihin ng anak.
"N-Na may kasamang iba sa ibabaw ng kama," nakangiwing pag-amin ni Sun.
"What?" bulalas ni Sky. "Gago ka pala e! Ba't ka pa naghanap ng iba?"
"Daddy kasi lasing--"
"Anak ba talaga kita?" Tumayo si Sky at hinawakan sa kuwelyo ang anak. "Isinusumpa kita! Hindi talaga kita anak!"
"D-Daddy, h-hindi ako m-makahinga," nahihirapang sabi ni Sun kaya pinakawalan siya ni Sky at namewang ito.
"Puta! Shit! Nakakapagmura na tuloy ako. Hayop ka talaga!" sabi ni Sky na hilong-hilo sa nalaman.
"D-Daddy kasi--"
"Ang alak, nilalagay sa tiyan hindi sa utak! Puta! Gaano ba kakati 'yang titi mo at nagawa mong makipagchukchakan sa iba, ha?" Napangiwi si Sun. Kapag ganitong galit ang ama, wala nang preno ang bunganga.
"D-Dad? Hindi mo lang kasi alam ang pinagdadaanan ko. Mahal ko si Shine at maniwala kayo, hindi ko sinasadya ang nangyari. Wala akong maalala at baka set-up lang ng barkada ang nangyari," paliwanag ni Sun.
"Paano maging set-up kung kasama mo ang mga kapatid mo?" tanong ni Sky kaya napabuga sa hangin si Sun.
"Kasi naman e!" Napipikon na sabi ng binata at mahinang sinipa ang center table para mailabas ang pagiging desperado. "Dad? Help me naman oh."
"Huwag ako! Ayusin mo 'yang problema mong mag-isa!" Tinalikuran ni Sky ang anak at nagmartsa pababa ng bahay kaya naiwang tulala si Sun. Nahihiya siyang puntahan si Shine sa bahay nila.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang binabayaran niya sa Arellano para alamin kung nandoon si Shine na kinumpirma naman ng huli na nasa school nga.
Tumayo siya at dinampot ang jacket saka mabilis na bumaba at dumiretso sa garahe. Pupuntahan niya si Shine at kumbinsihin na hindi niya talaga sinasadya ang nangyari.
Ang black honda civic ang gamit niya.
"Psh! Ano ba!" naiinip na sabi niya nang maipit sa traffic saka sunod-sunod na bumusina pero hindi pa rin gumagalaw ang motorista sa unahan niya.
Napasulyap siya sa mamahaling fastfood sa right side niya.
"Siya iyon!" bulalas niya nang mamukhaan ang babaeng kakababa lang sa kotse matapos mag-park. "Magkakilala sila?" hindi makapaniwalang tanong niya nang sinalubong ito ni Justin at humalik sa kanang pisngi. Close sila.
"Sinasabi ko na nga ba eh! Set-up lang ang lahat!"
Mabilis na kinuha niya ang cellphone at kinuhaan ng litrato ang dalawa para ebidensiya.
"Tingnan natin kung masisira mo kami ni Shine!" nakangising sabi niya. May silbi rin pala ang traffic sa buhay niya.
Pagdating sa school, patakbo siyang tumungo sa classroom ng kasintahan. Kabisado na nga niya ang buong Arellano campus dahil araw-araw niyang sinusundo si Shine.
"Sweetheart!" malakas na tawag niya nang makita ang kasintahang naglalakad. Lumapit siya kay Shine na hindi tumalikod. Sa halip ay sinalubong siya. "We need to talk," mahinang sabi ni Sun dahil baka kung ano na naman ang isipin ng schoolmates ng dalaga. Hanggat maaari, ayaw niyang ipahalatang may problema sa kanila.
Tumango si Shine at sumunod sa kaniya. Sa kotse niya sila dumiretso at nang maisara ang pinto, agad niyang hinarap ang dalaga.
"Look, sweetheart. Set-up lang ang lahat ng nangyari, maniwala ka naman," paliwanag niya. "Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari nang gabing iyon. I swear to God na hindi ko ginusto ang nangyari."
"Tapos ka na?" walang ganang tanong ni Shine.
"Sweetheart naman. Makinig ka muna sa mga paliwanag ko," pakiusap niya at dinukot ang cellphone sa bulsa para ipakita ang ebidensiya pero nagulat siya nang marinig ang pagsara ng pinto. Nakalabas na si Shine.
"Anak ng!" bulalas niya nang bababa na sana siya pero nakasakay na si Shine sa dumaang taxi. "Puta!" pagmumura niya at nagmaneho. Gusto niyang sundan ang dalaga pero mas mainam na bigyan niya muna ito ng time.
-------------------
Two days nang walang usap ang dalawa. Ne hindi rin nagre-reply si Shine sa text messages ni Sun. Kahit sa social media, hindi rin nagbubukas ang dalaga.
"Kausapin mo nga ang anak mo," utos ni Taira kay Sky. Nasa hardin si Sun at nagkakape pero sa malayo nakatingin.
"Ikaw na lang kaya," sabi ni Sky.
"Ikaw na. Kapag kinausap niyan ang mga halaman at bulaklak, patay ka talaga, Sky. Magkakaroon tayo ng anak na dadalawin sa mental," ani Taira na naaawa na sa anak. Wala pa iton kain at kaunti lang ang tulog at sobrang nanlalalim na ang mga mata. Panay ang check lang nito sa cellphone.
"Haist! Ako na lang ba palagi, babymine?" naiinis na sabi ni Sky. Kapag magkaproblema ang mga anak, siya ang tigaayos.
Nilapitan nila si Sun at naupo sa tabi nito. Bale napagitnaan nilang mag-asawa ang anak.
"Anak?" malumanay na sabi ni Taira.
"K-Kausapin natin si Shine," naiiyak na pakiusap ni Sun. "Sige na po."
"Gagawa-gawa ng--" Sky.
"Set-up ang lahat, Dad. Si Justin ang may kagagawan ng lahat. Kilala niya ang babaeng iyon," sumbong ni Sun.
"Oh? Siya naman pala! Ipaalam natin kay Shine!" ani Sky na nangangati ang mga kamaong suntukin ang Justin na iyon.
"Hindi niya binabasa ang messages ko sa Insta at Facebook," ani Sun at hinarap ang ama. "Dad? Tulungan mo naman po akong makausap nang masinsinan si Shine."
"Ayaw ka ngang makausap," sabat ni Taira. "Just give her a little more time."
"P-Paano naman po ako?" malungkot na tanong ni Shine.
"Huwag kang mag-alala," sabi ni Sky at tinapik sa kanang balikat ang anak. "Ako ang bahala. Teka, nasaan na ba ang mga kapatid mo at hindi ko pa sila nakikita? Mananagot talaga ang tatlong iyon sa akin!" Na ang tinutukoy niya ay mga kasama ni Sun ng gabing iyon sa bar: Star, Moon at Matter.
Tumayo si Sun at hinarap ang mga magulang. "Sana po matulungan ninyo ako. Babalik lang po ako sa kuwarto."
"Naku, Sun. Huwag kang magbigti, hindi pa ako nagkakaapo sa 'yo," bilin ni Sky. Marahang tumango si Sun at pumasok na sa loob ng bahay. Sana lang talaga ay makagawa ng paraan ang ama niya para kausapin siya ni Shine. Miss na niya ang kasintahan. Sobrang pagtitikis na ang ginagawa nito sa kaniya.
Siguro dahil gutom at pagod, siningil na siya ng antok kaya nakatulog siya ng ilang oras.
"Kuya Sun?" tawag ni Ash na niyuyogyog ang binata para magising.
"Hmmm? Ash? Anong ginagawa mo rito?" inaantok na tanong niya habang nakatunghay sa magandang batang nasa harapan niya. "Pinapatawag ka raw po sa baba sabi ni Kuya Clouds," sagot ng bata.
"Susunod na ako," sabi niya.
"Ahmm? Kuya? Nasa baba po si Ate Shine," sumbong ni Ash kaya nanlaki ang mga mata ni Sun na tila binuhusan ng malamig na tubig.
"Really?"
Tumango-tango ang bata at tumakbo na palabas ng kuwarto niya. Agad na tumayo siya at inayos ang sarili bago bumaba. Habang pababa ng hagdan, ang lakas ng kalabog ng dibdib niya. Ne wala siyang maisip na sasabihin kay Shine kapag magkaharap na sila.
"Bilisan mo nga! Para kang pagong!" reklamo ng ama niya nang makita siya.
"S-Shine," mahinang sambit ni Sun at naupo sa tabi ng dalagang walang emosyon.
"Shine? Hija? Pasensiya na kung naistorbo ka namin, ha," malumanay na sabi ni Sky na nasa harapan ng magkasintahan.
"Okay lang po, Tito Sky," sagot ni Shine.
"Ahm... Alam kong wala sana kaming karapatang manghimasok sa problema ninyong dalawa pero bilang ama, hindi ko matiis na nahihirapan ang anak ko. Nakikiusap ako na pakinggan mo naman muna ang side ni Sun kung may explanation man siya," pakiusap ni Sky at napasulyap kay Sun na namamawis na ang noo.
Hindi umimik si Shine at inabangan ang susunod na galaw ng magpamilya.
"Uy, Shine. Nandito ka pala," masiglang bati ni Moon nang papasok kasama ni Star.
"Ba't ngayon lang kayong dalawa, ha?" galit na tanong ni Sky kaya sabay na napaatras ang magkapatid.
"Dad naman." Napakamot si Star sa ulo.
"Shine? Maniwala ka, hindi ko talaga sinasadya ang nangyari ng gabing iyon, I was drunk," paliwanag ni Sun na walang pakialam kung naririnig man siya ng pamilya.
"Ano ang nangyari?" curious na tanong ni Star.
"Gago! Magkasama kayo, hindi ninyo alam?" galit na sabi ni Sky.
"Lasing na lasing ako kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko," pagpatuloy ni Sun.
"Ah, ang tungkol sa inuman sa bar," bulong ni Moon kay Star. Tiyak nag-away ang dalawa. Kung anu-ano na kasi ang lumalabas sa bibig ni Sun nang gabing iyon.
"I hope and I swear to God na hindi ko ginusto iyon. H-Hindi ako nag-enjoy sa sex at lasing ako. Believe me, Shine. Nangangako ako sa Diyos na hindi ko talaga alam ang pinaggagawa ko," panunumpa nito at itinaas pa ang kanang kamay.
"Kilala ko siya, Shine," sabat ni Sky. "Kapag sinabi ng anak ko na wala,wala naman talaga. Alam mo bang hindi 'yan nakakatulog at sobrang na-guilty dahil sa nagawa niya nang gabing iyon? Ne hindi nga siya makakain sa kakaisip kung bakit niya nagawa iyon," segunda ni Sky bilang moral support sa anak para magbati na ang dalawa.
"M-Mahirap po kasing magsalita," nahihiyang sagot ni Shine. Ikaw ba naman na makipag-usap sa kasintahan tapos suportado pa ito ng buong pamilya.
"Hindi ko ma-gets ang usapan," naguguluhang sabi ni Star.
"Shine, si Justin talaga ang may kasalanan. Magkakilala sila ng babaeng iyon kaya set-up ang nangyari. Look, baka nilagyan nila ng gamot ang inumin ko kaya wala akong maalala sa nangyari. Isa pa, kung nadatnan mo man kami sa unit ko, hindi ko iyon sinasadya. Kung nagtalik man kami, hindi ko na iyon maalala. But believe me, sweetheart, hindi ko talaga ginusto na makipag-sex sa kaniya, mamatay pa ako," mahabang paliwang ni Sun. Umaasa talaga siya na magiging okay sila ni Shine.
"So? From bar, pumunta si Jane sa unit mo at nag-sex kayo? Tama ba ang pagkakaintindi ko?" sabat ni Moon nang makuha ang sitwasyon.
"Kasalanan n'yo 'to eh! Pinabayaan ninyo ako!" nanggigigil na sabi ni Sun. "Hindi ko ginustong makatalik siya! Fuck you kayo!" singhal niya kaya nagkatinginan sina Star at Moon.
"Akyat lang po ako, pagod na ako," paalam ni Moon saka tumayo.
"Me too. Pagod na ako sa kakahabol sa taong pilit namang lumalayo sa akin," may hugot na sabi ni Star at sumunod kay Moon.
"P-Puwede bang nextime na lang nating pag-usapan?" pakiusap ni Shine na namumula ang mukha. Ngayon na lumiwanag sa utak niya ang nangyari at kung wala lang ang pamilya ni Sun, masasampal na naman niya ito.
"Sweetheart? Bati na tayo," sabi ni Sun at hinawakan ang kanang kamay ni Shine pero agad namang binitiwan nang masamang tinitigan siya ng dalaga.
"Give her time, Sun," sabat ni Taira na kanina pa nakikinig sa usapan ng mga ito. Tumayo siya. "Sundan ko lang sina Moon," paalam niya.
"Hatid mo na lang si Shine," sabi ni Sky na wala ring magawa.
"Huwag na po," tanggi ni Shine at tumayo na pero sinundan siya ni Sun.
"Shine? Mabuti at napasyal ka," bati ni Matter na papasok ng bahay nang makasalubong nila.
"Hi," tipid na bati ni Shine.
"Matter? Ikaw nga magpaliwanag kay Shine noong nasa bar tayo," pakiusap ni Sun. Baka maniniwala si Shine kay Matter.
"Bahala ka. Magpasalamat ka na lang dahil may concern pa sa 'yo kapag nalalasing ka," sabi ni Matter at nilagpasan sila.
"Wala ka talagang kuwenta!" naiinis na sabi ni Sun at hinawakan ang kanang kamay ni Shine. "Basta sweetheart, mahal kita at walang puwedeng makapaghiwalay sa atin."
Napabuntonghininga si Shine at hinayaan na lang si Sun na magdaldal at paulit-ulit na bigkasin ang salitang "hindi ko sinasadya at hindi ko ginusto kahit mamatay pa ako".

A/n;
Next chap ang flashback. Bahala ang hindi naka-gets.😂😂

Stupidly Engagedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن