22

1.1K 51 0
                                    


STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...
"Hey, girls. Kain muna kayo."
Napatingin ako kay Sun na may mga kasamang tauhang may bitbit na mga supot.
"Taray, may pakain si Mayor," sabi ng kasama ko. Nasa studio kami at may rehearsal para sa nalalapit na anniversary ng aming agency.
"If I were you, hindi ko na siya pakawalan pa," nakangiting sabi ni Chandie.
"Kain na tayo, Shine," yaya ni Seola.
"Alam nyo? Ang suwerte ninyong dalawa at nakabingwit kayo ng mga Villafuerte," kinikilig na sabi ni Chandie kaya natawa kami ni Seola.
"Siya lang," sabi ko na ang tinutukoy ay si Seola.
"Hindi ako. Siya lang," sabi ni Seola at natawa.
"Kayong dalawa," ani Chandie.
"Hindi mo lang alam kung gaano kahirap maging kasintahan ng mga Villafuerte," ani Seola. Ang iba naming kasama ay lumapit na sa table ma inihanda nina Sun at Clouds.
"Suwerte. Ang guwapo nila, hot, mapagmahal at maalaga," sabi ni Chandie. "Sana mapansin ako ng isa sa team galaxy."
Napakamot si Seola sa ulo. "Basta. Mahirap ipaliwanag," sabi ni Seola.
Tama siya. Mahirap ipaliwanag. Nandoon naman ang todo kilig pero hindi maiwasang mabuwesit ka sa kanila. Basta. Ang kulit kasi. Isip bata pa.
"Sweetheart? Kain ka na," tawag ni Sun na palapit sa akin.
"Akala ko may pasok ka pa?" tanong ko.
"Wala na," sagot niya pero hindi ako naniniwala.
"Ayaw ko ng sinungaling, Araw!" sabi ko kaya napakamot siya sa ulo.
"Minor lang naman, sweetheart," agad na depensa nito.
"Kahit na. Nagdala ka pa ng pagkain," sabi ko.
"Kesa naman magutom ka," pagtatanggol na naman nito sa sarili.
"Kumain ka na ba?" pag-iiba ko bago pa humaba ang usapan. Tutal wala na rin naman akong magawa dahil nandito na ito.
"Hindi pa. Sabay na tayo," masiglang sabi niya habang inaabot ang bitbit na platong puno ng pagkain.
"Maupo ka na nga sa tabi ko, share na tayo," sabi ko kaya agad naman itong naupo at inilapag sa mini-table ang pagkain.
"May allowance ka pa ba niyan?" tanong ko. Sa dami ng binibigay niya, baka mauubos ang pera nito. Hindi naman ako nagtatanong kung may pinagkakakitaan ito.
"Oo naman. Maraming pera si Sky Villafuerte," nakangising pagmamalaki nito.
"Uy, huwag mo namang abusuhin ang daddy ninyo," saway ko. Ako ang naaawa sa ama nila. Anim kaya sila tapos puro lalaki pa at ang gastos.
"Ganu'n din naman siya noong kabataan kay Lola Skyler kaya ganti-ganti lang," depensa nito.
"Kahit na. Dapat alagaan ninyo ang daddy ninyo at magtipid na dahil tumatanda na siya," suhestiyon ko kaya napaismid siya.
"Huwag mong iparinig sa kaniya na tumatanda na siya dahil magagalit 'yon. Isa pa, may pera ako. I have my own business kaya kaya kitang buhayin kapag magpakasal na tayo," proud na sabi niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Madalas niyang bigkasin ang tungkol sa kasal na mas nagpa-pressure sa akin. Natatakot akong umasa.
"Malungkot ka na naman," puna niya.
"Hindi a. Masaya kaya ako," depensa ko at sinimulang kumain. Ang sarap naman ng luto ng restaurant na in-order-an nila.
"Nakikita ko sa mga mata mo kaya huwag mo nang i-deny," sabi niya saka inakbayan ako.
"Kamain ka na lang kaya?" alok ko.
"Shine? Ano ba ang bumabagabag sa isipan mo? Puwede ko bang malaman?" sersyosong tanong niya pero hindi ako kumibo. "Lalaki ba? May iba ka na bang mahal? Ayaw mo na ba sa akin?"
"Pinagsasabi mo, Sun?"
"Hirap kasing basahin ang isip mo. Ayaw ko lang na dumating ang araw na basta mo na lang akong iiwan nang hindi ko alam ang dahilan."
"Huwag ka ngang ganiyan. Napakakanegatibo mo," saway ko.
"Mahal mo ba ako, Shine?" seryosong tanong niya kaya hinarap ko siya at tinitigan sa mukha. Guwapo talaga nito.
"Oo naman. Mahal na mahal kita," mula sa pusong sagot ko. Lahat na yata na hanap ng isang babae, nasa kaniya. Maliban sa pagiging makulit.
"Kiss mo nga 'ko," parang batang sabi niya kaya pinandilatan ko siya. "Joke lang," pagbawi niya. "Mamaya na lang da bahaya. Baka magalit pa ang kerido mo rito."
"Bawas-bawasan mo nga ang pagiging seloso mo," saway ko.
"Bakit? Maraming Jade sa mundo kaya dapat na matakot ako. Baka mamaya, galawang Jade ka na rin," depensa niya kaya napabuntonghininga ako. Apektado talaga siya sa teleseryeng 'Halik'. Kapag nasa condo niya ako, ako ang madalas niyang awayin at sumbatan. Minsan, binabantayan ko siya dahil baka mabasag ang TV.
"Kumain ka na! Ba't kita lolokohin? Eh, guwapo ka na, daks ka pa?" mahinang sabi ko na ikinangisi ng mokong. As expected, lumapad na naman ang ngiti nito.
"Daks naman talaga ako. Thanks to my dad," pagmamalaki nito at sinabayan na ako sa pagkain. Hindi na ako ko nakipagtalo pa. May maipagmalaki naman talaga siya. Nakita ko na e.
Ang iingay nina Clouds pero hindi na namin sinabayan. Tahimik nga rin itong katabi ko na tila ang layo na ng narating ng isip.
"Ano ang iniisip mo, Sun?"
"Future natin," walang pakundangang sagot niya at humarap sa akin. "Kapag magka-baby na tayo, titigil ka na sa pagiging singer mo tapos sa bahay ka na lang para alagaan ang mga anak natin."
"Ayaw ko nga," tanggi ko.
"Bakit?" nakakunot ang noong tanong niya.
"Gusto kong magtrabaho. Isa pa, malayo pa 'yon. Huwag mo ngang isipin 'yon."
"Pero gusto ko sa bahay ka lang para alagaan kami," giit niya.
"Ayaw ko nga," tanggi ko. "Gusto ko may trabaho. Sayang ang pinag-aralan ko."
"Ako na lang ang magtrabaho."
"Oo na lang," pagsuko ko. Ang kulit.
Pagkatapos naming kumain, nag-rehearsal kami. Sina Seola at Clouds ay naunang magpaalam sa amin.
"Uwi na tayo?" tanong niya nang lapitan ko.
"Oo, hatid mo 'ko sa bahay," sagot ko.
"Wala akong dalang kotse," sagot niya.
"E di ikaw na lang ang ihahatid ko," sabi ko. Dala ko naman ang niregalo niyang sasakyan.
"Sige. Doon ka na rin matulog, sweetheart," nakangiting sabi nito.
"Ayaw ko," tanggi ko.
"Puro ka na lang ayaw ko," reklamo niya.
Nang lumabas kami sa parking lot, nakasalubong namin ang pinsan niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Sun.
"Maghahanap ng kerida!" salubong ang kilay na sagot ni Revolver.
"Nag-away na naman kayo ni Marion?" tanong ni Sun.
"Huwag mong sambitin ang pangalan niya dahil makakapatay ako ng tao!" nanggigigil na sagot nito kaya napahawak ako sa braso ni Sun. Ang guwapo naman nito pero sa mukha niya ngayon, kinikilabutan ako.
"Psh! Psycho!" ani Sun kaya sinamaan siya ng tingin ni Revolver.
"Isa ka pa!" singhal nito kaya napadikit na talaga ako kay Sun pero ang mokong, tinawanan lang ang pinsan.
"I will never hurt my Shine," sabi ni Sun na hindi ko maintindihan. Bakit niya nasabi iyon? Anong konek? Wala namang sinabing ganoon si Revolver. Ang slow ko na ba?
"Mind your own business!" ani Revolver at pumasok na sa loob ng agency. Iginiya ako ni Sun papasok sa kotse.
"S-Sun? Anong problema ni Revolver?" tanong ko nang pumasok na rin siya at inayos ang seatbelt ko.
"Wala. Gano'n lang talaga sila ni Riffle, dugong Bautista ang nanalaytay sa ugat nila," sagot niya na nagpalito sa utak ko. I know Bautista sila pero magkapatid pa rin ang Mommy Erika nina Revolver at Daddy Sky nina Sun.
"May dugong Villafuerte pa rin naman sila, hati lang," depensa ko.
Pinaandar niya ang sasakyan.
"Iba magmahal ang mga Villafuerte at iba rin ang Bautista," seryosong sagot nito at itinuon na ang mga mata sa unahan.
"Anong pinagkaiba?" curious na tanong ko.
"Huwag mo nang alamin. Basta isipin mo na lang, masuwerte ka kasi sa Villafuerte ka napunta. Malaki ang puso at malaki ang kargada," pagmamalaki nito kaya napasimangot ako.
"Ikaw na!" sabi ko na ikinatawa niya.
Pagdating sa condo niya, sumama ako sa kaniya para ipagluto siya ng dinner.
"Gusto ko sinigang," sabi niya habang nasa elevator kami. Inakbayan niya ako at hinalikan sa noo. Mabuti na lang dahil kaming dalawa lang ang sumakay.
"Anong sinigang?" tanong ko.
"Tilapia mo," pilyong sabi niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Isa pa, Araw! 'Yang ano mo talaga ang isisigang ko!" Kunwari ay naiinis na ako sa kaniya.
"Hmm? Ako lang ang pinakamahina sa amin. Akalain mo 'yon? Hanggang ngayon, 'di pa tayo naka-boom boom paw?"sabi niya kaya napailing ako.
"Behave ka," ani ko.
"Pero sure naman ako na virgin pa si Red kaya okay lang," nakangising sabi niya.
"Wala ba siyang girlfriend?" tanong ko.
"Di ko alam. Akala ko nga, sila ni Clarissa noon," sabi niya na ang tinutukoy ay ang dating singer ng Bright Star agency. Sikat si Clarissa na bestfriend ni Clouds pero nagkaroon lang ng gulo at sa pagkakatanda ko, nangibang bansa na ito. Marami pa rin ang katangungang naiwan sa madla lalo na fans niya pero hindi na nasagot iyon.
"Kumusta si Clarissa? Wala na akong balita sa kaniya," tanong ko. Senior ko si Clarissa at magaling naman talaga siya. Kaso nasapawan lang ni Seola lalo na noong nawala na ito sa spotlight. Magkaiba naman kasi ang genre ng dalawa.
"Nasa ibang bansa raw. Ewan. Huwag na nga natin siyang pag-usapan!" sagot nito na may galit sa boses.
Bumukas ang elevator kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Dire-diretso kami sa unit niya. Pagpasok, naghubad siya ng tshirt.
"Magsho-shower lang ako. Sabay na tayo, sweetheart?" tanong niya.
"Sa bahay na ako," sagot ko na sinusubukang huwag mapasulyap sa kaniya.
"Dito ka na matulog," sabi niya.
"Hahanapin ako-"
"Alam na nina Tita na nandito ka. Tatawagan ko sila," sabi niya at lumapit sa akin. Ang bango niya. Minsan, nakakalimot ako sa sarili lalo na kapag makulit siya.
"Sun naman, alam mong--"
"Gusto lang kitang mayakap at makatabi," sabi niya pero inirapan ko.
"Mag-shower ka habang nagluluto ako para kapag tapos ka na, kakain na lang tayo," sabi ko.
"Killjoy naman neto," reklamo niya at tinalikuran ako. "Huwag mo 'kong pagnasaan dahil hindi talaga kita hahalikan!" pagbabanta nito na ikinangiti ko. Ganiyan naman siya palagi kapag hindi napagbigyan ang gusto.
Dumiretso na ako sa kusina para magsimulang magluto. Namalengke siguro ang surrogate mother niya dahil marami ang gulay rito sa ref.
Sinigang na tilapia ang niluto ko. Habang naghihintay na kumulo, naupo muna ako sa sala at nanood ng TV.
Napatitig ako sa cellphone ni Sun na nasa center table kaya natukso akong buksan. Wala namang password kaya mabilis lang akong naka-access sa social media niya. Hindi niya kasi nila-logout.
"Ang dami namang messages," sabi ko nang makita ang inbox ng official facebook niya at Instagram.
Out of curiousity, isa-isa kong binuksan ang mga nag-ppm sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Kainis ka!" naiinis na sabi ko nang makitang isa-isa niyang nire-reply-an ang mga nagme-message.
"Akin na nga!"
Nagulat ako nang hablutin niya ang cellphone na hawak ko. Nakabihis na siya at basa pa ang buhok.
"Tss. Solohin mo!" sabi ko.
"Nakikialam ka sa account ko e!" sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Oh? Binabasa mo talaga ang messages ko!"
"May masama ba?" taas noong tanong ko.
"Ba't ka nakikialam?"
"E di huwag!" pagsisinuplada ko saka tumayo para tingnan ang niluluto ko.
"Wala talaga 'tong alam sa privacy!" reklamo nito. Tinalikuran ko siya at bumalik sa kusina. Si Sun ang tipo ng lalaking papakiligin ka nang hindi mo nalalaman. Sweet photos lang naman namin ang reply niya sa lahat ng nagme-message sa kaniya.
"Gamit ko 'to eh!" narinig kong reklamo niya sa sala. Nakakatuwa siya. Sarap niyang yakapin kapag ganitong lumalabas ang pagkaingot niya.
"Hoy babae! Bubuksan-buksan mo ang messages ko tapos kung ano ang makita mo, magagalit ka?" sigaw niya.
"Hindi ako galit," sabi ko. Sakto lang para marinig niya.
Nakangiting nilingon ko siya pero nakasimangit siya habang nakatitig sa cellphone nito. Na-scan ko rin ang Gallery niya, puro stolen shots ko at ako rin ang wallpaper niya.
Ayun, hindi na siya lumapit dahil akala niya, galit ako sa nakita ko. Bahala siya kung ano ang iisipin niya. Basta loyal siya sa akin, sapat na iyon para mahalin ko siya nang buo at walang pag-alinlangan.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now