5

1.1K 61 0
                                    


STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

[Sun POV]

Ako si Sun Villafuerte. Guwapo ako. Matangkad. Malakas ang sex appeal sa lahat ng magkapatid. Magaling sa kama. Literal na niluluhudan ng mga babae maliban sa bakla. Mas malaki ang kargada kaysa sa mga kapatid ko. Mas marami ang babae kaysa sa kanila. Mas matagal sa sisiran para sa perlas ng kababaihan. Pero sa isang iglap, naglaho ang lahat.
"Tapos ka na sa pantasya mo?" tanong ni Star na nasa harapan ko.
"Bakit? Totoo namang mas pogi ako sa inyo," pagmamayabang ko. Kung bilang lang ng babae ang basehan, wala ang mga 'to. Anim kaming magkapatid. Kambal kaming anim na lalaki pero paiba-iba ang surrogate mother. May sakit kasi ang mommy namin at hindi na puwedeng mabuntis kaya naghanap sila noon ng mga babaeng may kapasidad na magsilang sa amin. Pero biologically, iisa lang ang parents namin. Ama namin si Sky Villafuerte at ina namin si Taira Rodriguez. Basta mahabang istorya.
"Pogi ka nga. Kita mo, mauuna kang mag-asawa," sabi ni Star.
"Nauna si Clouds at Dust," sabi ko. Fourth year college na kami at dalawa na sa amin ang naunang mag-asawa kaya nag-aagawan ang mga babae sa aming apat. Pero nitong nakaraang araw, tuluyan nang namaalam ang pagiging binata ko dahil sa lintik na proposal.
"Kaya ikaw na ang next," giit ni Star.
"Shut up! Hahanap ako ng paraan. Kesa naman sa 'yo, excited kang makasal pero hindi alam ng bride mo," panlalait ko kaya sumama ang mukha nito.
"Walang kuwentang kausap!" bulong niya saka tumayo. Napipikon na naman ito kaya natawa ako.
"Bituing walang ningning," pang-aasar ko.
"Araw na walang kinang!" wika niya.
"I have my Shine. My only, only sunshine," nakangising paalala ko.
"So? Gusto mo na siya?" tanong niya na ikinasimangot ko.
"Boring na fiancèe," sabi ko. Maganda nga siya, sexy pero sa pagkamalas, walang alam sa mundo. Iba ang hilig ko sa babae. Iyong alam lahat at kayang sabayan ang trip ko sa kama pero siya, wala. Pabebe type. Masyadong mahinhin na ewan. Kaya siguro iniwan ng Justin na iyon dahil walang kabuhay-buhay. Madalas pa niyang kasama ang manager niyang bakla.
"Boring kasi hindi mo lang makuha," nakangising sabi niya. "Alis na nga ako. Natutuyo ang utak ko kapag ikaw ang kasama ko."
"Kaysa naman sa iba ka sumama," sabi ko.
"Hindi kayo mabuting kausap ni Moon," sabi nito at umalis na. Napatingin ako sa relo ko sa kanang kamay. Alas sais na pala kaya umakyat ako sa kuwarto at naligo.
Pagbaba ko, nasa sala sina Daddy at Mommy.
"At saan ka naman pupunta, Araw?" madilim ang mukhanh tanong ni Daddy.
"May bibilhin lang po sa seven eleven," palusot ko.
"Huwag mo akong pinagloloko, Sun! Kakain na tayo ng hapunan," sabi ni Daddy. "Hindi ka pa ba nadala? Ikakasal ka na."
"Dad naman, joke lang 'yon. Hahanapan ko ng paraan para makaalis sa ganitong problema,"sabi ko.
"Para ano? Ipapahiya mo ang angkan natin?" galit na sabi ni Daddy. "Hindi pa ako naka-recover kay Dust, dadagdagan mo na naman?"
"Haist! Magkaiba si Dust. Ano ang masama kung tinulungan ko ang babaeng iyon? Concern lang ako. Paano kung ikaw ang nasa kalagayan ko? Hahayaan mo na lang bang mangyari iyon sa isang babae?" pagdadrama ko.
"Tigilan mo ako, Sun! Balik at kakain na tayo!" sabi ni Daddy. Wala talagang epekto ang drama ko. Buwesit.
"Okay, fine. Susunduin ko ang fiancée ko dahil may concert siya ngayon," palusot ko. Nabasa ko lang sa Instagram niya na may concert nga siya. Follower niya ako kahapon lang.
"Tumigil ka," ayaw pa ring maniwala ni Daddy.
"You can check her Insta account," sabi ko.
"Umalis ka na nga!" pagtataboy ni Daddy kaya matamis na ngumiti ako.
"Kaya nga idol kita, Dad e. Ang laki ng respeto mo sa mga babae," puri ko. Magna-nightout kami ng barkada ko at naka-oo na ako sa kanila.
"Kapag malaman kong walang Sun na sumundo sa kaniya ngayong gabi, grounded ka ng dalawang linggo," sabi ni Daddy kaya napalis ang ngiti sa mga labi ko.
"P-Pero Dad--"
"What? Ba't takot na takot ka? Hindi ba't iyan ang paalam mo?" patay-malisyang tanong niya. Anak ng tinapa! Gumagana ang utak ni Daddy ngayong gabi. Naka-iskor na naman siguro 'to kay Mommy kanina lang.
"Sabi ko nga, susunduin ko si Shine sa concert niya," napilitang sabi ko at lumabas na.
Habang nagmamaneho, panay ang pagmumura ko. Ba't ganito ang naging buhay ko? Madali lang naman solusyunan ang problema. After three months, sabihin lang namin ni Shine na hindi kami magkasundo kaya napagdesisyunan namin na maghiwalay. Ganoon lang kadali iyon. Pero itong pamilya ko talaga ang pasakit sa ulo ko e.
Pagdating sa Araneta, dumiretso ako sa backstage.
"Tapos na ba si Shine?" tanong ko sa baklang kasama niya parati sa post niya sa Insta. Makeup artist yata niya ito.
"Last na lang song na lang," sagot nito.
"Tagal," reklamo ko at naupo. Concert ito ng mga Bright Star artists kaya nasa gitna yata nila si Shine inilagay.
"Okay lang ba ang performance ko?" nag-aalalang tanong ni Shine nang lumapit sa amin. Natigilan ito nang makita ako.
"Pak na pak, girl," puri ng bakla. Pinasadahan ko siya ng tingin. Matangkad siya. Siguro 5'6" ang height nito pero pandak pa rin kapag itabi sa akin. Kung sa ganda lang, wala akong maireklamo. Puwede mo siyang ipagmalaki kahit kanino kung mukha ang labanan. Pero hindi pa rin pasok sa tipo kong babae. Ang pinakaayaw ko ay ang inosente at pabebe na babae. Mas okay sa akin ang medyo wild at kayang sabayan ang trip ko. Pero itong kaharap ko, sigurado akong mabo-bored lang ako. Therefore, daig pa rin ng babaeng medyo magaslaw ang babaeng may pagka-Maria Clara. Lalaki ako at nabubuhay sa kasalukuyan kaya iyon ang tipo ko. Iyong matuwa ka naman dahil sa pagiging horny nila. Hindi iyong corny at Maria Clara.
"B-Bakit ka nandito?" tanong niya.
"Sinusundo kita," sagot ko at muling napasulyap sa relo. Alas nuwebe na at babiyahe pa ako.
"Bakit?" mahinang tanong niya habang hawak na ang shoulder bag.
"Fiancée kita kaya normal lang na sunduin kita. Let's go?" tanong ko at bago pa siya makatanggi, inakay ko na palabas ng Araneta. Kagaya ng inaasahan, marami ang kumuha sa amin ng litrato. Good. Ang mga tsismoso na mismo ang pagpaparating kay Daddy na sinundo ko itong si Shine.
Pinasakay ko siya sa kotse. Nagdadalawang isip pa ito kaya tinulak ko na papasok at isinara ang pinto.
Wala na akong choice kundi dalhin siya sa gimikan dahil late na ako.
------------------------------
Shine POV
"Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin," sabi ko.
"Alam ko," sagot ni Sun at pinabilisan ang pagmaneho nang makaluwag na kami sa kalsada.
"M-May pupuntahan pa ba tayo?" kinakabahang tanong ko.
"Biyaheng langit," sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Huwag mo akong bigyan ng ganiyang tingin, umiinit ang ulo ko."
"Ibaba mo na lang ako, uuwi ako," sabi ko.
"Later," tipid na sagot nito na walang balak na tumigil.
"Saan ba tayo pupunta?" pangungulit ko.
"Bar," tipid na sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"A-Ano ang gagawin natin doon?"
"Magsisimba," walang ganang sagot niya kaya napaismid ako. "Puwede bang huwag kang magtanong kung hindi ko lang naman ikatuwa ang tanong mo?"
"Nagtatanong ako nang maayos!" naiinis na sabi ko. Ngayon lang ako nakapunta sa bar na hindi kasama ang makeup artist o manager ko. Usually, may gig kami pero hanggang alas otso lang dahil bawal sabi ni Daddy.
"Kaya iniiwan ka dahil ang boring mong kasama! Walang thrill!" sabi nito kaya uminit bigla ang ulo ko.
"Ibaba mo 'ko!" galit na sabi ko pero tila bingi siya at pinaharurot ang sasakyan.
"Tigil sabi!" malakas na sabi ko.
"Late na ako kaya tumahimik ka nga. Makiisa ka naman minsan!" salubong ang kilay na sabi niya.
Hindi na ako umimik. Sa isang sikat na bar kami pumarada. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako.
"Halika na," yaya niya.
"Dito lang ako," sabi ko.
"Kakaladkarin kita kapag hindi ka pa bumaba," pananakot niya. Nakipagtitigan ako sa kaniya hanggang sa ako na lang ang sumuko at bumaba.
Sumalubong sa amin ang ingay, disco light at amoy ng usok.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila papasok sa VIP room.
"Sun!"
"Araw!"
Hiyaw ng mga barkada niya nang pumasok kami.
"Uh oh. Kaya pala late ka, kasama mo pala ang maganda mong fiancée," nakangising sabi ng lalaking may hikaw sa kanang tainga.
Marami na ang bote ng alak sa mesa nila at ang kalat ng pulutan sa mesa.
"Sorry, guys." Paumanhin ni Sun at pinaupo ako sa sofa katabi niya. Lima ang lalaki at pito ang babaeng mukhang mga syota ng iba.
"Hi, Sun," nakangising bati ng babaeng kaharap namin at tinaasan ako ng kilay.
"Hello, Jackie," bati ni Sun at inabot ang isang bote ng alak na bigay ng kaibigan niya. Kilala sa lipunan ang mga nandito kaya medyo nanliit ako.
"So? Ikakasal ka na pala?" tanong nitong babaeng si Jackie raw.
"Well?" ani Sun at napakamot sa batok. "That doesn't stop me from bar hopping."
"Good. Nice to hear that," sabi ni Jackie na nilalaro ng mga daliri ang ulo ng bote habang nakatitig kay Sun.
Gusto ko nang umuwi.  Ang iingay nila at nasusuka pa ako sa amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo.
Ang bilis naman maubos ng alak ni Sun kaya kumuha pa ito ng isa pa.
"Anong iniinom mo?" tanong ng isang barkada ni Sun.
"May pineapple juice?" tanong ko.
"Hindi ka umiinom?" bulalas ni Jackie.
"Ng alak? Hin--"
"Bawal siyang uminom," sabat ni Sun at inakbayan ako. "Malalagot ako sa parents niya kapag pinainom ko siya." Gusto ko sana siyang itulak palayo pero nakakahiya naman sa mga kasama namin kaya hinayaan ko na lang siya.
"I see," tatango-tango na sabi ni Jackie.
"Si Jackie sana ang partner ko ngayon pero kasama kita," bulong nito na malapit sa tainga ko kaya naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa balat ko.
"Sinisisi mo ba ako?" pabulong na tanong ko.
"Oo. Nang dahil sa 'yo, nawawala ako ng sexlife," prangkang sagot niya at inisang lagok ang alak.
"Huwag mo akong sisihin sa katarantaduhan mo!" naiinis na bulong ko. Sarap sikuhin.
"Psh! Miss Boring!" naiinis na bulong niya. "Hindi ako nalilibugan sa 'yo."
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Paano siya naging prangka ng ganito?
"Hindi rin naman kita gusto!" sagot ko kaya ngumisi siya at kumuha pa ng isang bote ng alak.
Nag-inuman pa sila at nagtatawanan habang nagkukuwentuhan kaya na-out-of-place na ako.
Mukhang lasing na itong nagdala rito sa akin dahil namumula na ang mukha niya at nakailang bote na rin siya.
"Sun? Magmamaneho ka pa pauwi," paalala ng kaibigan nila. Parang tubig lang ang alak kay Sun e.
"Kaya ko pa," sagot ni Sun at malagkit na nakipagtitigan kay Jackie.
Uwing-uwi na ako dahil tinatawagan ako ni Daddy pero hindi ko masasagot kaya tinext ko na lang na nasa bahay ako ng makeup artist ko. Alam naman nilang magkasama kami kanina.
Pasado ala una na kaya inaantok na ako.
Nagpasya silang uuwi na kami kaya laking pasalamat ko.
"Sun!" tawag ko at niyugyog siya nang isinubsob niya ang mukha sa kanang braso ko. "Uuwi na tayo."
Namumula ang mga matang tumingala siya sa akin.
"Kaya mo pa ba?" tanong ko.
Tumayo siya kaya tumayo na rin ako para gabayan siya sa paglabas ng bar. Dinala lang ba niya ako para maging alalay niya? Paika-ika na kasi ang paglakad niya at kung hindi ko siya alalayan, matutumba na talaga siya.
"Ako na ang magmaneho," sabi ko nang malapit na kami sa kotse.
"Kaya ko pa," sabi nito at binuksan ang pinto. "Pasok na."
"Ako ang magmaneho kaya ikaw ang pumasok," sabi ko.
"Ihahatid kita sa inyo," sabi nito na namumungay ang mga mata.
"Ako ang magmaneho dahil baka maaksidente tayo!" giit ko at tinulak siya papasok sa kotse. Matapos kong isara, umikot ako at sumakay sa driver's seat. Napailing ako nang humihilik na ito kaya dahan-dahan kong kinuha ang susi ng sasakyan sa bulsa niya at nagmaneho pauwi.
Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now