4

1.1K 64 1
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

[Shine POV]

"Dad? Hindi ko nga po alam kung bakit nangyari iyon," pagtatanggol ko sa sarili. "It was Mr. Red's idea para hindi ako mapahiya."
"But Shine, kilala sa lipunan ang mga Villafuerte. Alam mo namang ayaw kong masangkot sa ganiyang gulo," nag-aalalang sabi ni Daddy.
"Siya ang lumapit sa akin. Isa pa, kilala rin naman sina Justin a. Mas malaki pa nga ang kahihiyang dinulot niya sa akin," ani ko kaya napahilamos siya sa mukha. Si Daddy ang unang tutol nang pinasok ko ang showbiz. Tahimik at conservative siyang tao.
"Mabait naman yata ang mga Villafuerte," sabat ni Mommy.
Naging maugong ang pangalan namin ngayon ng fiancé ko kuno sa lahat ng pahayagan at nasapawan na ang engagement nina Justin at Hailey. Kesyo nabawasan na naman ang bachelor sa mga Villafuerte at kung anu-ano pa. Ang hirap na rin mamasyal sa mall dahil may mga fans na agresibo.
"Sa company," mahinang tugon ni Daddy. Isa pa 'tong problema ko dahil nasa company ng mga Villafuerte siya nagtatrabaho. Paano kung magalit sila sa nangyari at si Daddy ang pagdiskitahan?
May mga lumabas na speculations na lasing ang mokong nang mag-propose sa akin at may naglabasan ng litratong lasing na lasing ito at sumusuka bago pa dumalo sa concert. Same clothes pa nang lumuhod siya sa harapan ko.
At totoo naman talaga.
Sana hinayaan na lang nila akong mapahiya kaysa ganito na mas double pa ang pasanin ko.
"Hayaan mo na nga po. Bahala na ang agency. Tutal, pinsan naman 'yon ni Sir Red," sabi ko.
"Shine? Mag-quit ka na lang kaya sa pagkanta?" nag-aalalang sabi ni Mommy. "Magpatayo na lang tayo ng bagong branch ng bakeshop ko. Stable na rin naman tayo."
Bigla akong nalungkot. Musika na ang naging buhay at sandalan ko sa tuwing nalulungkot ako. Hindi ko kayang iwan ang fans ko.
"P-Puwede po bang huwag na po muna?" pakiusap ko. Hindi ko tatakasan ang problema.
"Bahala ka na nga sa buhay mo!" Pagsuko ni Daddy. "Siguraduhin lang ninyong magiging maayos ang lahat."
"Sana nga po maayos na," puno ng pag-asang sabi ko.
Ayun, kinuha ko na ang gamit ko at nagmaneho patungo sa paaralan. May sarili akong sasakyan. Bunga ng pinaghirapan ko bilang mang-aawit.
Hindi naman gaanong traffic kaya nakarating ako kaagad sa Arellano University.
Wala pa ang prof namin kaya sinubukan kong buksan ang social accounts ko.
"Haist," ani ko. Puro hate messages ang nababasa ko. May mga positibo naman at masaya para sa akin. Well? Ganoon na nga siguro ang buhay. May nagawa kang mali o wala kang nagawa, masama ka pa rin sa iba.
Napataas ang kilay ko nang may fan na nag-tag sa akin ng litrato. Kasama ng mokong ang isang babae na kakalabas lang sa Five Star hotel.
Napapikit ako. Heto na naman, niloloko na naman ako sa mga mata ng fans ko.
Agad na inactivate ko ang ang account ko nang magsimulang dumagsa ang messages sa inbox ko.
"Masakit siya sa ulo!" naiinis na sabi ko. Last day lang kami engaged tapos niloko na naman niya ako ang nakabalita. Sana hindi na lang niya ako sinalba. Mas matindi pa yata 'tong isyu na binabato sa akin ngayon e.
Mabuti na lang dahil dumating ang teacher namin pero lumilipad din sa hangin ang utak ko.
Buong maghapong iniisip ko kung paano iwasan ang mga mata ng mga estudyante pero wala e. Ang lakas pa rin nilang magparinig.
"Kapag mag-break kayo, isa sa inyo ang liligaya o magdurusa," sabi ni Hailey nang papasok sa music room. Pareho kaming tatlo na miyembro ng music club at dito ko na nga naging ka-close si Justin noon.
"Pero puwede rin naman na dalawa kayong magiging luhaan o sasaya," dagdag ng isang kasama namin.
"Ewan. Basta masaya kami ni Justin," sabi ni Hailey. E di sila na ang masaya. Dumiretso ako sa tabi ng drums at inilapag ang gamit ko sa sahig. Malinis naman at alaga ng tigalinis kaya madalas kaming nakahiga sa sahig kahit na walang sapin.
"Babe," tawag ni Justin kay Hailey nang pumasok at hinalikan ito sa mga labi. Nagtuksuhan ang iilan pero ang iba ay napapatingin sa akin. Patay-malisya naman ako. Gusto kong manumbat kung bakit parang wala lang ako sa paligid kapag magkasama sila o bakit kailangan nilang maging ganiyan sa harapan ko? Alam ba nilang malalim ang sugat na idinulot nila sa akin?
"Babe? May dala ka bang fries?" tanong ni Hailey at sumabak kay Justin nang maupo ang huli. Kung tutuusin, ang sweet nila. I can be their fan kung hindi lang ako ang ex.
"Yes," sagot ni Justin at napatingin sa dalawang estudyanteng papasok at may bitbit na maraming fries mula sa Jollibee.
"Yes. Libre na kaming lahat?" nakangiting tanong ng guitarist namin.
"Sure. Para talaga 'yan sa ating lahat," nakangiting sagot ni Justin. Lahat sila ay lumapit at kumuha.
"Ikaw, Shine? You want?" alok ng mataba sa grupo namin at inabot ang isang fries.
"Busog pa ako, salamat," tanggi ko at inayos ang mga gamit.
Nagsikainan na sila. Sina Hailey at Justin ay nagsusubuan kaya sinikap kong iiwas ang mga mata.
Dumating ang instructor namin kaya nag-formation na kami. May program sa Friday kaya kailangan naming mag-practice. Hindi naman kami magkatabing tatlo kaya nagpapasalamat ako.
Nang matapos, umuwi na kami. Bitbit ang bag, tumungo ako sa parking lot at nagmaneho pauwi pero kakalabas ko lang sa gate nang tumawag ang manager ko kaya dumiretso ako sa presscon.
"Akala ko sa Sunday pa," bungad ko habang palapit sa kanila ng makeup artist ko.
"Ngayon na raw sabi ni Red," naiinis na sagot ni Mr.Go. Kapag ang may-ari ng agency ang mag-request, wala kaming magagawa.
Dali-dali akong pumunta sa dressing room at nagpalit ng damit.
"Kaya ba ng thirty minutes?" tanong ni Mr.Go nang maupo ako sa tapat ng dresser.
"Mukhang hindi," sagot ni Cupcake at sinimulan na ang ritwal sa mukha ko.
"Make it light," sagot ko na ang tinutukoy ay ang makeup ko. "Huwag mo nang ayusin ang buhok ko. Suklayin na lang natin."
"Sure. Let's make it natural," pagsang-ayon ng makeup artist kaya after 30 minutes, ready na ako.
Pumunta na kami ni Mr.Go sa conference room. Pagbukas ng pinto, sumalubong sa akin nagkikislapang camera.
Napako ako sa kinatatayuan ko at napalis ang nakahanda kong mga ngiti nang makita ang mokong na nakaupo sa silyang nasa tabi ng uupuan ko.
"So? Shall we start?" tanong niya kaya bahagyang siniko ang ni Mr.Go.
Napilitan akong lumapit sa kaniya at naupo sa tabi niya.
Ang presko talaga nito at nginitian pa ako. Parang wala lang sa kaniya ang lahat e. Napapansin kong nitong mga nakaraang araw, nagiging malihim si Sir Red sa amin. Puro na lang biglaan ang lahat e.
"Miss Shine Gomez, totoo ba na set-up lang ang lahat? Lalo na ang proposal ninyo?" tanong ng isang blogger.
"No," sabat nitong katabi ko. "Ba't ko naman gagawing joke ang proposal ko kung nakasalalay rito ang pagkabinata at buong angkan ko?"
Gusto ko siyang palakpakan at bigyan ng best actor award. Galing umarte. Dinaig pa ang kapatid nitong si Clouds e.
"How about Mister Justin po?" segunda ng babaeng blogger.
"He's already engaged kaya huwag na natin siyang pag-usapan dahil hindi siya invited sa kasal namin," diretsahang sagot nito kaya paranf gusto ko nang magtago sa ilalim ng mesa. Nanlalamig ako.
"Pero sir, kaka-break lang po nila ni Miss Shine. Kailan ho naging kayo?" tanong ng baklang reporter.
"Matagal na silang break pero hindi nila inaamin sa publiko dahil masasaktan ang fans. Kailan naging kami?" ulit na tanong nito at napasulyap sa akin. Bahala siya. Wala ako sa mood na sumagot. "Hmm... Secret na lang namin iyon."
See? Wala siyang maisagot.
"Pero may nakakita sa inyo kagabi na galing sa Five Star Hotel kasama ang isang starlet. Is it true na--"
"Kung ano man ang nakita ninyo, huwag ninyo bigyan ng ibang kahulugan. Purely business lang ang usapan namin ng babaeng iyon kagabi kaya wala kayong dapat na ikabahala," kampanteng sabi nito. Kailan kaya ito nag-acting workshop? Dinaig pa si Coco Martin sa pagdrama e.
"Miss Shine? Ano ang masasabi mo tungkol sa engagement nina Justin at Hailey?" tanong ng babaeng reporter sa akin.
Napilitan akong sagutin sila. "Well, masaya ako para sa kanila," tipid na sagot ko kabaliktaran ng nasa kaloob-looban ko.
"Kailan mo nalamang mahal mo na si Miss Shine?" tanong ng blogger sa katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Personal questions na 'to pero wala namang isasagot ang mokong.
"Noong nakita ko ang sarili kong naghihintay sa kaniya sa altar," diretsahang sagot niya kaya inabot ko ang mineral water at uminom. Nanunuyo ang lalamunan ko sa mga nangyayari.
Lahat sila ay napangiti maliban sa amin ni Mr.Go at Sir Red na nasa likod ng pinto. Alam naman kasi namin na hindi totoo ang lahat.
"Kailan po ang kasal?" pahabol na tanong nila.
"Kapag okay na ang lahat, magpapatawag kami ng conference," sagot ng katabi ko na alam ko namang hindi mangyayari iyon.
"So? Okay lang po ba na ikasal sina Justin at Hailey?" tanong ng baklang reporter kaya natigilan ako. Bakit ba napaka-insensitive nila? Or baka kinakagat nga nila ang tungkol sa amin nitong katabi ko at akala nila, balewala na sa akin ang lahat. Na hindi na ako masasaktan pa.
Naramdaman ko ang mainit na mga palad na pumatong sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Napatingin ako sa fiancé ko raw. Pinisil niya ang kamay ko kaya napabuntonghininga ako.
"D-Desisyon nila iyon at kung iyon ang makapagpasaya sa kanila, susuportahan ko sila. May sarili na rin po akong buhay at pareho lang kaming masaya," plastic na sagot ko. Paano ako sasaya kung preskong lalaki naman ang napunta sa akin?
Natapos na ang interview kaya lumabas na kami. Nakabuntot pa rin itong mokong sa akin.
"Mr.Go, ako na po ang maghahatid kay Shine," nakangiting sabi nito at inakbayan ako.
"May kotse ako," bulong ko dahil nandito pa ang mga tsismoso't tsismosa sa paligid namin.
"Si Mr.Go na lang ang magmaneho. Ako na ang maghahatid sa 'yo," sagot niya kaya napilitan akong ibigay sa manager ko ang susi ng kotse ko.
Walang imik na naglakad kami patungo sa parking lot. Binuksan niya ang pinto ng mamahaling sasakyan niya.
"Sakay na. Ituro mo na lang ang daan ng bahay ninyo," sabi niya na hinintay akong sumakay.
"Okay," napapagod na sagot ko at pumasok.
Nang makasakay na siya, nagmaneho na siya palabas sa agency building.
"Psh! Ang hirap naman kapag maraming nagtatanong. Sarap sapakin isa-isa!" reklamo niya na nakasalubong ang kilay.
"Sino ba kasi ang nagsabing magpa-presscon ka?" naiinis na tanong ko. Agaran e.
"Pamilya ko," madilim ang mukhang sagot niya at napansin kong madidiin ang pagkakahawak nito sa manibela.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Itanong mo pa? Lintik! Nasusuka na ako sa pinagsasagot ko kanina!" sagot niya. Okay, galit na nga siya kaya quiet na ako.
Napasulyap siya sa akin nang tumigil ang kotse dahil red light.
Pasimpleng hinatak ko ang blusa ko para pagtakpan ang cleavage ko.
"Wala na akong privacy nang dahil sa 'yo. Lahat na lang may CCTV," reklamo nito. "Eh, kung gampanan mo rin kaya ang tungkuling ninakaw mo sa mga babae ko?"
"Mag-drive ka na, go signal na," sabi ko kaya ipinagpatuloy niya ang pagmaneho.
"Wala na, goodbye liwanag na ako," naiiritang sabi nito.
"Huwag mo akong sisihin sa nangyari dahil biktima lang din ako!" naiinis na sabi ko.
"Psh! Pareho lang tayo," sabi niya at pinabilisan ang pagpatakbo ng sasakyan.
"Thank you for saving me sa kahihiyan," pasalamat ko.
"Ninakaw mo ang pagkabinata ng araw sa team galaxy," sumbat nito kaya hindi na ako umimik. Sila naman ang may pasimuno nitong lahat.
Ano ang magagawa ko? Of all the members ng team galaxy, itong lasenggong si Sun ang nabingwit ko.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now