26

1.1K 50 0
                                    


STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

[Shine POV]

"May concert pala kayo nextweek?" Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko.
"Star. Bakit nandito kayo?" tanong ko. Kasama niya si Matter na may bitbit na milktea.
"Wala lang, binibisita ka," sagot ni Star at naupo sa tabi ko.
"Here," ani Matter at inabot ang isang milktea. Bihira lang silang pumasok dito sa Arellano kaya lahat ng estudyanteng nakapansin sa kanila ay sa amin nakatutok ang mga mata. Eye-catcher talaga ang team galaxy at dapat na akong masanay kapag kasama ko sila.
"Thanks," pasalamat ko. Nasa mini-park ako ng school campus at pansalamantalang nagbabasa ng bagong kantang ginawa ng isang sikat na composer. "Ba't nandito kayo?"
Lumipat si Matter sa harapan ko kaya kaharap ko na silang magkapatid.
"Hindi pa rin ba naalala ni Sun ang nangyari ng gabing iyon sa bar?" usisa ni Star.
"Hindi niya naalalang ikaw ang nakaboom-boom paw niya?" segunda ni Matter kaya nakaramdam ako ng hiya. Gosh, alam na nila ang nangyari dahil sa katangahan ng kapatid nila.
"Kawawang Sun," naiiling na sabi ni Matter.
"B-Bakit nandito kayo?" usisa ko. How I wish na sana hindi na lang nila ako dinalaw. Ano kaya ang sadya ng dalawang 'to?
"Wala lang. Na-miss ka lang namin," sagot ni Star.
"Sino ang niloko ninyo?" tanong ko kaya sabay na tumawa ang dalawa.
"Let's give him a dose of his own medicine," suhestiyon ni Matter na tila nakaisip ng bright idea.
"Oo nga, Shine. Para mabigyan siya ng leksyon dahil nakalimutan niya ang mga nangyari," nagliliwanag ang mga mata ni Star kaya mas lalong hindi ko nagustuhan ang presensiya nila.
"Hayaan na--" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang mabilis na kinuha ni Star ang cellphone ko na nakapatong sa table na nasa kanang bahagi ko. "Ano ang gagawin ninyo?"
"Let us handle this," nakangising sabi ni Star habang binubuksan ang cellphone ko. "No password, huh?"
"S-Star? Akin na 'yan," kinakabahang sabi ko saka inagaw ang cellphone pero pinigilan ako ni Matter.
"Chill lang, Shine. Kami ang bahala. Everything's under control," pagpakalma ni Matter saka uminom ng milktea.
"Ano ba ang gagawin ninyo? Huwag naman ninyong awayin si Sun," pakiusap ko pero tila nakikipag-usap ako sa mga bingi.
"There you go." Ibinalik ni Star ang cellphone ko. "Salamat, sister-in-law."
"Ano na naman ba ang ginawa ninyo?"nakasimangot na tanong ko.
"Game," sagot ni Matter at kinindatan ako saka tumayo. "Alis na kami ni Star. Marami pa kaming trabaho."
Nang makalayo na sila, binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung ano ang ginawa ni Star pero wala naman akong nakita. Naglagay ba sila ng tracker?
"Ano na naman kaya ang kalokohan ng dalawang 'yon?" tanong ko sa sarili at ipinagpatuloy ang pagbasa ng new song ko.

[Moon POV]

"Sun? Hindi ka na yata mahal ni Shine e, mukhang may bago na siya," sabi ko habang naglalaro kami ng billiard.
"Mahal ako ni Shine kaya huwag kang ano!" depensa niya at masamang tinitigan ako. "Isa pang sabi na hindi niya ako mahal at ipapakain ko sa 'yo ang lahat ng bola rito sa billiard table."
"Fine!" itinaas ko ang kanang kamay ko. "Napapansin lang kasi namin na nanlamig na siya sa 'yo. Unlike dati na ang sweet ninyo pero mula nang makipag-boom boom paw ka sa--"
"Puta!" hiyaw niya sabay hagis ng bola pero maagap kong nasalo gamit ang kanang kamay ko pero masakit pa rin ang impak. "Isa pa, Moon at hindi ka na sisikatan ng araw!" pagbabanta niya kaya napatingin ang mga kasama naming taga Westbridge.
"Just kidding. Observation lang naman namin," sagot ko sa malungkot na mukha.
"Huwag mo 'kong pestehin!" anito saka agad na dinukot ang cellphone sa bulsa.
"Pang galaxy ang ringtone ah," ani ko. Text message lang naman pero abot yata hanggang sa kalawakan ang lakas.
"Nilaruan ni Ash kagabi," aniya. Sa bahay kasi siya natulog kagabi.
Habang binabasa ang text messages, paunti-unting kumunot ang noo niya at umiiba na rin ang awra.
"The fuck!" bulalas nito at inilagay ang cellphone sa tainga na mukhang may tinatawagan.
"Oh shit!" nagda-dial siya ulit. "Bakit hindi ko na siya makontak?" tanong niya na hindi naman sa akin nagtatanong.
"Anyare?" inosenteng tanong ko at nilapitan siya.
"Fuck!" pagmumura niya na namumula na ang mukha sa galit dahil hindi makontak ang tinatawagan.
"Ano ba ang problema ng mga babae?" bulong niya saka sinipa ang upuan sa isang sulok at lumabas.
Agad ko siyang sinundan.
"Huwag mo akong sundan, Buwan!"
Pero hindi ko siya sinunod. Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa loob ng school campus at dumiretso sa tambayan.
"Ano ba ang problema, Araw? Care to share?"
"Share mo mukha mo!" galit na sabi niya at pabalyang isinara ang pinto ng kuwarto kaya sa sala na lang ako naupo at pinakiramdaman siya.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at nakangiting binasa ang text message ni Matter.
Nag-reply ako. "Success!"
Walang ingay sa loob ng kuwarto ni Sun. Kahit kaluskos, wala akong naririnig pero sigurado akong humihinga pa naman siya.
Kalahating oras na yata akong nakaupo sa sofa nang dumating sina Matter at Star.
"Saan na siya?" pabulong na tanong ni Star nang maupo sa tabi ko. Ngumuso ako sa kuwarto ni Sun.
"Look, bru!" ani Matter at ipinakita ang cellphone sa amin.
"Wait!" ani ko at inagaw dahil hindi ko mabasa.
Nasa Instagram account siya ni Sun.
My Sunshine.
I know it's hard to decide 'cause these past few days, naging pasakit ako ng ulo sa 'yo. I just wanna let you know that my life would not be complete without you. I kept on shining because of you. I kept on smiling everyday because I know I'm gonna see your smile when I open my eyes. I kept on loving because I know you're mine. I kept on moving because someday, I wanna marry you and be with you for the rest of my life. I may not a perfect boyfriend but I am giving my best to keep our relationship stronger and undestructable. Pero sweetheart, you gave up. God knows how much I love you. He knows na sobrang nagbago ako at nagsisisi sa mga pinaggagawa ko pero bakit? Bakit kailangang iwan mo ako? Bakit ngayon, sumuko ka na? But if ever na magbago ang isip mo, I am always here na naghihintay sa pagbabalik mo. Pero kapag buo na talaga ang desisyon mo, nandito pa rin ako, nagmamahal at tapat pa rin sa 'yo. Kung hindi ikaw, ayaw ko nang magmahal pa. Iisa lang ang puso ko at pagmamay-ari mo na ito. I will always love you kahit na sinusuka mo na ako. You're my only sunshine at walang sinuman ang puwedeng pumalit sa 'yo dito sa puso ko."
Masyadong mahaba ang post niya kaya medyo hinihingal ako sa pagbasa. I can't believe na nasabi ito ni Sun sa social media. Kaya pala tahimik siya sa kuwarto. Ngayon lang siya nag-post ng ganito kahaba and I must admit na naaawa ako sa kaniya.
"Do you think, okay pa ba ang ginawa natin?" nakangiwing tanong ni Matter.
"It's too much," sagot ko.
"It wasn't my idea," depensa ni Star at napatingin sa akin.
"Mas lalo na sa akin," tanggi ko rin.
"Alangan naman sa akin," ani Matter. Actually, nadamay lang siya rito. Natalo kasi sila sa pusoy kaya ang utos ko ay paniwalain si Sun na nakipag-break si Shine rito at effective nga ang plano ng dalawa na hindi ko alam kung paano nila nagawa.
Sabay kaming napatayo nang bumukas ang pinto at iniluwa si Sun na laylay ang balikat at sobrang tamlay.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Star. Tumigil siya at isa-isa kaming tinitigan pero wala namang sinasabi.
"Araw!" tawag ko nang naglakad siya palapit sa pintuan pero ne hindi man lang niya nagawang lumingon.

[SUN POV]

Para akong robot. Walang pakiramdam kahit na pagod na sa kakalakad. Pero hindi naman ako totally na walang pakialam. Alam kong sinusundan ako ng tatlo kong kapatid. Saan nga ba ako pupunta? Bahala na. Basta gusto kong magpakalayo muna. Ayaw kong mag-isip. Ayaw kong magsalita.
"Shine," hiyaw ng isip ko. Kanina pa siya isinisigaw ng isip ko. She brokeup with me. Ang sabi niya, pagod na raw siya. Who am I para pilitin siya? Malaki ang kasalanang nagawa ko sa kaniya. I know I hurt her so badly lalo na nang wala akong maalala ng gabing iyon. I was drunk. And I know na hindi iyon excuse. Damn! How can I forget those memories? Dapat nga pinatay na lang niya ako. I thought kasi na ibang babae talaga ang naghatid sa akin sa condo ko.
Out of curiousity, nilakasan ko ang loob kong panoorin ang CCTV na nasa main lobby at elevator ng condo ko and to my surprise, si Shine ang kasama ko ng gabing iyon.
"Ang stupid mo, Sun!" naiinis na sabi ko na kulang na lang ay magpasagasa ako sa mga sasakyang dumadaan. Masakit sa part niya iyon at hindi ko alam kung papaano humingi ng tawad sa kaniya.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng Arellano University.
Naupo ako sa malaking bato na nasa tapat ng gate ng paaralan nina Shine.
"Haist! Tumayo ka nga riyan! Para kang timang!" sabi ni Moon na nakatayo sa harapan ko kasama sina Star at Matter.
"Umalis na nga kayo!" mahinang sabi ko. Ang pinakaayaw ko pa naman ay ang binabantayan ang bawat kilos ko.
"Uwi na tayo," yaya ni Star pero hindi ko sila sinagot. Sa halip, napatingin ako sa gate ng paaralan.
"Shine!" bulalas ko nang makita siya.
Tumayo ako para lapitan siya pero tila napako ako sa kinatatayuan ko nang makita kong nilapitan siya ni Justin.
Nag-uusap sila at nginitian niya si Justin. Okay na ba sila? Hindi na ba masama ang loob ni Shine? Nagkamabutihan na naman ba sila ulit? Paano na ako? Paano na ang pag-ibig ko? Naging tapat naman ako sa kaniya ah.
Naramdaman ko ang pagtapik ng mga kamay sa magkabilang balikat ko. Kamay ni Star sa kanan at kamay nina Matter at Moon sa kaliwa.
"Lapitan mo na," sabi ni Moon.
Muling pinagmasdan ko sila. Masaya si Shine at nakikita ko iyon sa mga mata niya. Siguro si Justin pa rin ang mahal niya at hindi naman talaga niya ako minahal.
"Huwag na," sabi ko na sigurado akong hindi ko naitago ang lungkot sa boses ko. "Hayaan na natin siyang maging masaya sa piling ng iba."
Tumalikod ako. Para ano pa na pagmasdan ko ang eksenang pumapatay sa puso ko? Mahal ko siya pero I think, kailangan ko na siyang pakawalan.
"Psh! Hanggang mamayang gabi lang 'yan." Narinig kong sabi ng isa sa mga kapatid ko pero hindi ko na matukoy kung kaninong boses dahil sobrang lungkot ko.

Stupidly EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon