13

1K 54 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

[Sun POV]

"Aw!" daing ko.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Shine.
"Huwag na. Papasok ka rin ba?" tanong ko dahil nakabihis na rin siya.
"Oo, ihahatid na kita," sabi niya.
"Marunong akong mag-drive," sagot ko.
"Pero baka hindi mo pa kaya," naaawang sabi niya kaya naikuyom ko ang kamao.
"Ano ang ginagamit ko sa pagmaneho, titi ko?" naiinis na tanong ko na ikinangiti niya. "Walang nakakatawa, Shine!"
"Kasi naman e. Sige na, ipagmaneho kita. Bumawi ka na lang kapag magaling ka na," giit nito. Two days na kaming nagsasama sa bahay at pangatlong araw na namin ito ngayon. Masakit pa rin pero medyo okay na ngayon. Natitiis ko na. Unlike noong firstday na sobrang hapdi talaga.
"Psh! Bahala ka," pagsuko ko at napasulyap sa kaniya. "Shine? Huwag mong pagupitan ang buhok mo."
"Bakit?"
"Kasi bagay sa 'yo ang mahaba at straight na buhok," sagot ko. Ngumiti siya at tumango.
"Kakain ka pa ba? Magluluto ako," tanong niya.
"Huwag na. Sa school na lang," tanggi ko. "Baka ma-late ka pa."
Napatingin siya sa relo.
"Hindi naman. Pero sige, sa school na lang ako kakain."
Kinuha niya ang shoulder bag sa mesa kaya tumayo na rin ako para sumunod sa kaniya palabas. Buti na lang dahil may maluwag akong pantalon. Huwag lang talaga dumikit sa balat ko mamaya. Pero may dressing naman kaya okay lang. Maayos naman yata ang pagkakagalay ni Shine.
Hinihintay ko nga na pagtawanan o pandirihan niya ako pero wala. Baka kapag mag-isa na lang siya.
Nauna ako sa kaniya kaya ako na ang pumindot sa elevator.
"Idadaan muna kita," sabi ko.
"Huwag na. Ako na ang magdadaan sa 'yo. Kotse ko na ang gagamitin natin," tanggi niya.
"Fine. Ako ang mauuna pero kotse ko ang gamitin mo," sabi ko.
"Pero--"
"Papayag lang ako kapag kotse ko ang gagamitin natin. Huwag kang mag-alala, hindi kita kakasuhan ng carnapping," sabi ko at isinara na ang elevator.
Tumabi siya sa akin kaya hinawakan ko ang kanang kamay niya saka hinila palapit sa akin nang bumukas ang elevator dahil may sasakay.
"Baka masagi nila ako," bulong ko at ipinuwesto siya sa unahan ko saka inakbayan bilang panangga. Hindi siya tumanggi. Idinikit ko ang mukha ko sa buhok niya. Ang bango.
"Huwag kang magpalit ng shampoo," bulong ko. Ang iingay pa naman nitong magbarkadang pumasok.
"Mabango ba?" tanong niya na nakatingala sa akin.
"Oo," sagot ko habang nakatitig sa inosente niyang mukha.
Bumukas na ang pinto kaya pinauna muna namin ang kasabayan naming lumabas saka lumabas din kami na hawak ko pa rin ang kamay niya.
Pagdating sa parking lot, pinagbuksan ko siya ng pinto bago pumasok sa tabi ng driver's seat.
"Baka magasgasan ko ang sasakyan mo," nag-alalang sabi niya habang pinapaandar ang sasakyan.
"Huwag mo lang ibangga, wala tayong problema," sagot ko. Magaling naman siyang magmaneho kaya kampante akong ipagtiwala sa kaniya itong sports car ko.
"Mahal pa naman nito. Wala akong pambayad," sabi niya.
"Ingatan mo lang ang buhay mo para wala kang babayaran sa akin," sabi ko at pinatugtog ang stereo. Saktong kanta niya ang pinapatugtog.
"Nag-uusap pa ba kayo ni Justin?"
"Bakit mo natanong?" tanong niya nang makalabas na kami sa parking lot.
"Wala lang. Kasi magkaklase kayo."
"Hindi," tipid na sagot niya.
"Gago siya," ani ko.
"Hayaan mo siya. Di siya kawalan."
"Naka-move on ka na?" curious na tanong ko. Napasulyap siya sa akin pero agad namang ibinalik sa unahan ang mga mata.
"Isa ka rin ba sa mga nag-iisip na kawawa ako dahil ikakasal na sila ni Hailey? Na akala e, luging-lugi ako dahil iniwan niya ako at magpapakasal sa iba?" tanong niya.
"Hmm?" Napaisip ako at napatingin sa kaniya. "Hindi ko alam. Pero hindi nakakabawas sa ganda mo ang nangyari. Ikaw pa rin ang Shine na hinahangaan ng karamihan."
"I know," pagsang-ayon niya at nginitian ako. "Pero ang boring ko pa rin."
"Yeah," pagsang-ayon ko rin. "Hindi ka nagna-nightout, wala kang sense of humor at killjoy kang kasama. For short, ang boring mo."
Sumama ang mukha niya kaya napangiti ako.
"Pasalamat ka at pinagtitiyagaan nga kita," aniya.
"As if may choice ako. Alam mo na sikreto ko eh," sabi ko at napailing na lang. Kasalanan talaga 'to ng mga kapatid ko.
"Hindi ko na kasalanan kung ba't ngayon ka lang pumayag na magpatuli," sabi nito at inirapan ako bago mag-U-turn.
"Ayaw ko kasing makapag-asawa ka ng hindi pa natutuli," sabi ko.
"Hindi naman tayo ikakasal," sabi nito. "Hanggang engaged lang tayo."
"Wala na e. Nakapatuli na ako kaya itutuloy natin ang kasal."
Masamang tinitigan niya ako.
"Walang kasal na magaganap."
"Okay," pagsuko ko. As if na makapagdesisyon pa kami ng para sa amin. Pamilya ko pa. Kapag ginusto nila, wala akong magagawa. Isa pa, nakita na ni Shine ang lahat sa akin. Nahawakan pa nga e.
Pagdating sa paaralan, bumaba rin siya.
"Ba't ka pa bumaba?" tanong ko.
Inabot niya sa akin ang susi.
"Magta-taxi na lang ako."
"Shine naman. Ito na ang gamitin mo. Ako na lang ang magta-taxi mamaya o magpapahatid sa mga kapatid ko," tanggi ko. "Hindi kita ipapahiya. Lahat ng gamit ko ay gamit mo na rin lalo na't nasa iisang bubong na lang tayo nakatira."
"Sure ka?"
"Oo naman. Ingat ka sa pagmaneho," sabi ko at napatitig sa kaniya.
"Kapag mabunggo ko, huwag mo akong patayin ha," nakangiting sabi niya.
"Oo nga. Alis na," sabi ko at nginitian siya.
"Shine ko!" tawag ni Star.
"Moonshie ko," segunda ni Moon.
"Umalis ka na, sweetheart. Sasapakin ko lang ang dalawang 'to," pagtataboy ko at tinulak na siya papasok sa loob ng kotse. "Ingat."
Bago pa siya nakapagsalita, isinara ko na ang pinto.
"Uy, pinagamit mo kay Shine ang sports car mo?" tanong ni Star nang makalapit habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan.
"She's my fiancée," ani ko at tinalikuran sila. Galit pa ako sa mga ito.
"Congrats pala--"
"Shutup, Moon!" agarang saway ko at tinalikuran sila saka sinubukang maglakad ng normal.
-------------------------------

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now