3

1.1K 64 2
                                    


STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited

[Shine POV]

"Saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko.
"Sa langit, gusto mo?" nakangising sagot niya kaya biglang umakyat ang lahat ng init sa ulo ko at ipinukol ang matalim na tingin.
"Just kidding. Gusto lang kitang makausap," pagbawi niya at sumeryoso ang mukha.
"Saan? Sa ginawa mo kagabi?" naiinis na tanong ko.
"I saved you, baby. Wala bang thank you riyan?" tanong niya at iniliko ang sasakyan saka ipinarada sa mamahaling restaurant. "Treat mo na lang ako ng lunch bilang pasalamat."
"Wala akong pera," tugon ko. Tinanggal niya ang seatbelt niya saka bumaba at umikot sana pinagbuksan ako.
Napasulyap ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin. "Huwag kang mag-alala, safe ka rito. Isa pa, hindi ka ganoon kasikat para dumugin ng mayayamang tao."
Napasimangot ako. Ang presko niya. Guwapo sana kaso ang ugali, hindi makain ng aso.
Napilitan akong bumaba saka sumunod sa kaniya. Sinabayan niya ako sa paglalakad hanggang sa ginabayan kami ng waiter patungo sa bakanteng mesa.
Hinila ng waiter ang upuan.
"Thank you," pasalamat ko.
Binigyan niya kami ng menu list saka umalis na.
"Anong order mo?" tanong nito.
"Kahit ano," tipid na sagot ko.
"Okay. Ako ang oorder. Tutal, ikaw naman ang magbabayad," sabi nito kaya hindi na ako tumutol pa. Siya itomg susundo sa akin tapos ako pa ang maglilibre? Iginala ko ang mga mata sa paligid. Sa kabilang table, magpamilya ang kumakain. Sa pinakadulo, parehong magkasintahan o magkaibigan. Ang ganda ng ambiance lalo na kapag nagde-date ang customer. Kaso wala e. Itong preskong Villafuerte ang kasama ko.
Sino kaya sa kapatid ni Clouds ito? Ang alam ko, team galaxy ang tawag sa kanila. Kaso si Clouds lang talaga ang mas kilala dahil nasa showbiz industry 'yon.
Tinawag niya ang waiter at nag-order.
Tuscan turkey, broiled shrimp with buttermilk rémoulade, pumpkin pie with wallnut crust at hindi ko na narinig ang iba pa. Basta ang dami niyang in-order.
"Drinks, sir?" tanong ng waiter.
"Ikaw, sweetheart? Ano ang gusto mo?" nakangiting tanong niya kaya sarap sampalin. Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong sweetheart.
"Tubig," tipid na sagot ko. Sa dami niyang na-order, malamang tubig lang ang matitira sa pera ko mamaya. Ginto ang halaga e. Kaya ko namang bayaran pero sayang ang pera. Mas masarap pang magluto si Daddy kaysa rito.
"Fresh pineapple juice, please," sagot nito.
Umalis na ang waiter pero hindi pa rin ako nagsasalita. Naiinis ako sa kaniya.
"Bakit kayo naghiwalay ni Justin?" tanong nito.
"Kailangan ko ba talagang sagutin--"
"Okay, I got it. Boring ka sa kama," agad na sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa mukha niya. What the hell is he talking?
"The confirmation is written in your face," nakangising sabi niya kaya naikuyom ko ang kamao ko.
"Dinala mo ba ako rito para insultuhin ako?" tanong ko kaya napakunot ang noo niya.
"Just asking, sweetheart," wika nito na para bang wala lang sa kaniya na galit ako.
Pinasadahan niya ako ng tingin. "Sa tingin ko, mapagtiyagaan naman kita kahit na medyo boring. Hey, maingay ka ba sa kama?"
"Fuck you!" mahinang pagmumura ko nang hindi ko na matiis ang pambabastos niya.
Itinukod niya ang kanang kamay sa ibabaw ng meda at inilapit niya ang mukha sa akin.
"Right now?" bulong niya na para bang ingat na ingat na huwag marinig ng iba. "So? Ang wild pala? Gusto mong may thrill?"
Napatingin ang ibang customer sa amin nang hampasin ko ang ibabaw ng mesa dahil sa galit.
Sa halip na magalit, ngumiti ito.
"Just kidding," sabi niya saka sumeryoso ang mukha. "Gusto ko lang malaman ang ugali ng babaeng niluhudan ko kagabi."
Ang tagal ng pagkain. Hindi ko na kaya ang pagiging madaldal nitong lalaking hindi ko nga alam kung ano ang pangalan.
"Will you please shutup!" saway ko nang makitang palapit na ang waiter na may dalang tray ng pagkain.
Tumahimik na ito at napatingin sa pagkain na inilalapag ng dalawang waiter. Parang fiesta lang dahil napuno ang mesa pero kaming dalawa lang ang kakain.
"Kain ka nang marami, sweetheart. Treat mo 'to," alok niya nang umalis na ang dalawang waiter.
"Such a gentleman!" sarcastic na bulong ko at sinimulang kumain. Sayang lang ka
si ang pera ko kapag hindi ko mapuno ang stomach ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magsalita siya.
"Seryosong usapan, babae. Big trouble ang nangyari kagabi sa buhay ko," saad nito na nakatingin sa mukha ko.
"Hindi kita pinilit na gawin iyon. In a first place, hindi kita kilala," sabi ko.
"Psh! Pero kung hindi ako nakieksena, kawawa ka at pagtatawanan lang nila. I deserve something a prize," sabi nito.
"Treat na nga kita, 'di ba?" naiinis na sabi ko.
"Three hours tayo," sabi niya kaya napatingin ako sa relo ko.
"One hour pa lang tayo rito."
Napanganga siya at napakamot sa ulo.
"Shit! Ang slow!" sabi niya na para bang hindi ako ang kinakausap niya.
"Ano ba ang problema mo?" naiinis na tanong ko.
"Problema ko? Marami," sagot nito. "Mula kagabi, tinambakan mo ako ng problema. Alam mo bang mahigit lima na ang nakipag-break sa akin sa araw na ito? At hindi ko pa naikama ang dalawa."
"Ba't mo isisi sa akin ang lahat? Kasalanan ko ba kung paniwalain ang mga babae mo?" napipikon na tanong ko. Akala ko noon, haka-haka lang na babaero ang mga Villafuerte pero ngayon, napatunayan ko na totoo pala ang lahat ng iyon.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa nangyari sa atin. Hindi ko alam kung paano babawiin sa media ang lahat," sabi nito kaya napabuntonghininga ako.
"Sa tingin mo, hindi ako namomroblema?" tanong ko rin. Makaarte ito, akala mo siya lang ang biktima.
"Ba't ba kasi pinaagaw mo si Justin?" tanong nito.
"Kasalanan ko ba kung marami ang ahas sa mundo?" galit na sagot ko.
"Haist! Sana lumaban ka!"
"Ba't ako lalaban kung mas makamandag siya?" tanong ko. Ayaw ko nang mam-bully.
"Puta! Papaagawin mo lang sa mukhang bakla pa?" galit na sabi niya kaya mapasimangot ako. Maganda naman si Hailey at aminado ako roon.
"Kung ako ang lalaki, nunca na papatol ako sa kaniya. Mas kamukha niya si Johnny Bravo!" panlalait nito. Dinaig pa niya kaming mga babae sa pagiging laitero. Magaganda siguro ang girlfriends nito.
"Ano ba talaga ang dahilan kung ba't mo 'ko dinala rito?" tanong ko.
"Pag-usapan natin kung paano bawiin ang isyu at kung paano at kailan gaganapin ang breakup natin," sabi nito. "Mawawalan na ako ng sexlife dahil sa 'yo."
"Arte mo!" naiinis na sabi ko. Dinaig pa niya si Mr.Go sa pagiging madaldal.
Ipinagpatuloy ko ang lumalamig na pagkain. Narinig ko ang ilang beses na pagbuntonghininga niya na para bang pasan niya ang buong mundo.
"Kasalanan talaga 'to ni Red eh!" naiinis na sabi niya saka kumain ulit. Ganito ba ang mga Villafuerte? Masyadong madaldal?

[HIS POV]

-------------------------------
Napasulyap ako sa babaeng kaharap ko. Maputi siya, makinis ang balat, mahaba ang tuwid na buhok na bumagay sa bilugan at maamo niyang mukha. Simple lang pero maganda. Pasok na rin bilang artista. Ang problema, naiinis na ito sa akin.
She's a type of a woman na ang boring pakisamahan.
Tapos na akong kumain kaya pinagmasdan ko na lang siya habang ngumunguya ng kinakain.
Naalala ko kung paano ito namutla nang lumabas sa stage habang nakatingin sa magkasintahang hahandugan niya ng awit. Para siyang basang sisiw na iniwan sa gitna ng kalsada.
"Tapos na akong kumain, babalik na ako sa Arellano," sabi niya matapos uminom ng juice.
Tinawag nito ang waiter.
"Magkano ho?" tanong niya. Napatitig ako sa mukha niyang hindi maipinta.
"Bayad na po," sagot ng waiter.
"Huh?" nagtatakang tanong niya.
"Iwan mo na kami," sabi ko sa waiter kaya yumukod ito at tumalikod na.
"Binayaran mo na?" inosenteng tanong niya kaya gusto kong matawa.
"Sa tingin mo, magpapalibre ako sa babae?" tanong ko.
"Salamat. Babalik na ako sa Arellano," paalam niya.
"Ihatid na kita," sabi ko saka tumayo nang tumayo rin siya.
"Huwag na, salamat na lang," pasalamat niya ay nginitian ako nang mapansing may paparazzi.
"Mas malaki ang isyu kapag maghiwalay tayo," sabi ko at lumapit sa kaniya saka hinawakan ang kanang kamay niya. In fairness, ang lambot ng kamay niya.
Hindi siya umimik habang palabas na kami sa restaurant. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Nang makasakay siya ay umikot ako at sumakay sa driver's seat.
Habang nasa biyahe, busy siya sa kaka-text at ako naman ay nasa unahan ang mga mata.
Malapit na kami sa Arellano nang tumigil siya at humarap sa akin.
"Salamat sa lahat at sa pag-treat mo ng lunch," pasalamat niya kaya ngumisi ako.
"May bayad."
"Magkano?" tanong niya.
"Three hours," sagot ko kaya napakunot ang noo niya saka napatingin sa relo.
"Malapit na rin naman tayong magtatlong oras, ah," sabi nito kaya napabuntonghininga ako. Buwesit! Kailan kaya ito ipinanganak?
"Bumaba ka na nga!" naiinis na sabi ko. Matutuyuan ako ng dugo kapag tumagal pa ang pagsasama namin.
"Okay," sabi nito nang tumigil ang sasakyan ko sa tapat ng Arellano.
"Wait," pagpigil ko at hinawakan ang kanang kamay niya para pigilan aiyang bumaba.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ko. Nakalimutan ko e.
"Shine!" nakasimangot na sagot niya kaya napangisi ako.
"Shine," ulit ko habang nakatitig sa kaniya. "You are my sunshine, my only sunshine," pagkanta ko.
"Sintunado," pang-iinsulto niya. Palibahasa singer.
"I know," sabi ko.
"And you are?" nakataas ang kilay na tanong niya. Hindi pala niya ako kilala.
"Guess who?" sagot ko.
"Hindi kita kilala!"
"I need your shine to make this world so bright," nakangiting sagot ko at pinisil ang kamay niya kaya napanganga siya pero agad namang nakabawi.
"B-Baba na ako. Salamat," sabi niya saka nagmamadaling lumabas.

A/n:
'Pag may magkamali pa nito, ewan ko lang.😁😁😁

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now