11

996 55 3
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

[Shine POV]

"Shine? Puwede ba tayong mag-usap?" tawag ni Justin nang palabas na ako sa classroom namin.
"Bakit?" tanong ko. Pagod pa ako dahil kay Sun kagabi. Ayaw kasi niyang matulog at ako ang kinakausap niya sa telepono. Wala namang kuwenta ang pinag-uusapan namin.
"Mukhang inaantok ka pa. Nag-bar na naman ba kayo ni Sun?"tanong nito at sinabayan ako sa paglalakad.
"Hindi. Minsan lang naman kami pumupunta roon kapag may nag-invite lang sa kaniya," sagot ko. May mga napapatingin sa amin at makahulugang mga mata ang ipinapakita.
"Hindi ka naman mahilig sa ganoong lugar pero paano mo siya nasasabayan? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong nito. Hindi niya ako ini-invite noon dahil madalas akong tumatanggi kaya sila na lang ni Hailey ang nagba-bar.
"Kasama ko naman si Sun kaya okay lang," sagot ko.
"So? Seryoso ba talaga kayo? O gawa-gawa lang ninyo para pagtakpan ang nangyari sa atin?" tanong niya na halatang hindi natutuwa.
"Bakit? Ano ba ang nangyari sa atin?" tanong ko at nginitian siya. Sinusubukan kong dumistansiya sa kaniya habang naglalakad patungo sa next subject namin.
"Okay, sana 'wag kang saktan ni Sun and to be honest, inaabangan ko na ang paghihiwalay ninyo. I'm sure gawa-gawa lang 'yan ng Bright star agency," nakangising sabi niya na hindi ko ikinatuwa. Kinausap niya ako kasi absent ngayon si Hailey. Para lang ba sabihing hindi ko kayang mag-nightout?
"Masyado kang advance ka mag-isip," sabi ko at binilisan ang paglalakad pero napahinto nang makitang makakasalubong namin ang dalawang kapatid ni Sun.
"Ano ang ginagawa nila rito?" tanong ng kaklase ko.
Sina Star at Moon ang palapit sa akin.
"Shine ko!" bulalas ni Star.
"Shine ko rin!" tawag ni Moon na nakangiti.
"Shine namin!" ani Star kaya napangiti na lang ako. Halatang nakipaglokohan ang mga ito.
"Hi," bati ko nang makasalubong sila.
"Hey, Shine. Why so pretty?" pilyong tanong ni Star saka inakbayan ako.
"Bakit nandito kayo?" tanong ko.
"May hihilingin sana kaming kaunting pabor," sagot ni Moon. "May pasok ka pa ba?"
"Eleven thirty pa ang uwian namin," sagot ko.
"Ahm... Shine? Masyado talagang emergency 'to," sabi ni Star na tinanggal na ang kamay sa balikat ko. "Nasaan na ang teacher ninyo at kakausapin ko."
Ayun, kinausap nilang magkapatid ang guro ko at pumayag naman itong um-absent muna ako.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang malapit na kami sa mamahaling sasakyan nila.
"Kailangan ka ni Sun ngayon," seryosong sagot ni Star.
"H-Ha? Bakit? Ano ang nangyari sa kaniya?" Hindi ko maiwasang mag-alala. Si Sun kasi ang tipo ng taong kapag may kailangan sa akin, siya talaga ang lumalapit. Firstime na nangyari ito. Sa pagkakaalam ko,may family problem sila kaya madalas na isinasama ako nito sa bar.
"Ooperahan na siya after twenty minutes," sagot ni Moon na napatingin sa wristwatch. Binuksan ni Star ang backseat at pinasakay ako bago sumakay sa unahan.
"What? M-May sakit ba si Sun?" nag-aalalang tanong ko.
"Basta ooperahan siya ngayon at kailangan ka niya, Shine," seryosong sagot ni Moon na pinaandar na ang sasakyan.
Bigla akong natakot. May taning na ba ang buhay ni Sun? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kaya siguro parang mabigat ang pakiramdam nito dahil sa karamdaman.
"S-Saan siya ooperahan?" tanong ko.
"Sa pinakamahalagang bahagi ng katawan niya," sagot ni Star.
"M-May sakit sa puso si Sun?" usal ko. Paano nangyari iyon? Malakas pa naman siya tapos umiinom pa nga. Hindi ko nakitaan na may malubha siyang karamdaman.
"Kaya nga kailangan ka niya ngayon, Shine. Ikaw lang kasi ang kinakausap ni Sun," ani Moon.
Hindi ko mapigilang mag-alala. Sana sinabi sa akin ni Sun ang lahat dahil baka makatulong pa ako.
Hindi na kumibo pa ang dalawa. Basta pinabilisan lang ni Moon ang pagmaneho hanggang sa makarating kami sa isang hospital na pagmamay-ari ng pamilya ng mga Villafuerte.
Walang tao ang isang buong building maliban sa mga kapatid ni Sun.
"Fuck! Ayoko!" malakas na sigaw ni Sun sa loob ng isang kuwarto.
"K-Kumusta po siya?" tanong ko kay Tita Taira na nakaupo sa labas.
"Ayaw niyang pumayag. Kanina pa sila nag-aaway ng ama niya," sagot ni Tita Taira.
"Shine? Ikaw na lang ang pag-asa namin para mapapayag si Sun," malungkot na sabi ni Matter.
"Putang ina! Bitiwan ninyo ako! Ayaw ko sabi!" sigaw na naman ni Sun sa loob. "M-Mommy? Please, huwag ninyo akong patayin!"
Awang-awa ako sa boses niya. As in na nahihirapan talaga siya.
"Aaaah! P-Parang awa mo na po,Tito Zero. Huwag po. A-Ayaw ko talaga," umiiyak na pagmamakaawa ni Sun. Siguro ayaw niyang maramdaman na may sakit siya.
"P-Puwede po ba akong pumasok?" pakiusap ko. "Gusto ko po siyang tulungan."
"Sige," pagpayag ni Tita Taira.
Sabay na tumayo sina Star at Moon at agad na binuksan ang pinto para makapasok ako.
"S-Salamat," pasalamat ko at pumasok na ako.
Nakahiga si Sun sa operating table. Naka-brief na lang ito at itinatapon niya ang pantakip na inilalagay ng doctor sa kaniya.
"Relax lang! Puta! Kanina ka pa ah! Papatayin na talaga kita!" galit na sabi ni Tito Sky.
"Ayaw ko nga--" Sun.
Napatigil ito at nanlaki ang mga mata nang makita ako.
"S-Shine? Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya na biglang namula ang buong mukha.
Lumapit ako at hinawakan ang kanang kamay niya.
"Sun? Pumayag ka na. Para din naman ito sa kabutihan," malumanay na pakiusap ko.
"S-Sino ang nadala sa 'yo rito?" tanong niya at iniwas ang mga mata.
"Alam kong natatakot ka pero makakaya mo rin ito. Malalampasan mo rin ang sakit. Nandito lang kami ng pamilya mo para sumuporta sa 'yo. Please, pumayag ka na sa gusto nila," pakiusap ko at pinisil ang kamay niya. Mas lalong namula ang buong mukha niya. Nahihiya ba siya?
"Okay lang naman sa akin. Kailangan mong magpagaling kaya pumayag ka na," pangungumbinse ko.
"Pumayag ka na kasi," napapagod na sabi ni Tito Sky. "Si Zero naman ang mag-oopera sa 'yo at si Nat-Nat kaya huwag lang mag-alala."
"Umalis ka na, Shine. Lumabas ka na," pakiusap ni Sun.
"Papayag ka nang maoperahan?" tanong ko.
"Hindi," sagot nito.
"Huwag kang lumabas hanggat hindi tapos ang opera," pagpigil sa akin ni Tito Shine.
"Pesteng buhay 'to oh!" reklamo ni Sun na tatayo sana pero mahigpit na pinigilan siya ni Tito Sky.
"Kapag pumayag ka, kukunan kita ng condo basta kasama mo si Shine para may tumingin sa 'yo," sabi ni Tito Sky.
Napasulyap ako kay Sun. Alam kong matagal na nitong pangarap na makalayas sa bahay nila.
"S-Sige. Ako na po muna ang sasama sa kaniya kapag magpa-opera siya," pagpayag ko. Kakausapin ko na lang sina Mommy at Daddy. I'm sure maunawaan naman nila ako lalo na ang sitwasyon ni Sun.
"Oo na! Bilisan mo lang, Tito Zero at Tita Natty," pagpayag ni Sun. "And please, sa labas ka muna, Shine."
"Sure kang sasamahan mo si Sun sa condo niya habang hindi pa siya magaling?" paninigurado ni Tito Sky.
"Opo, magpapaalam po ako," sagot ko.
Ngumiti si Tito Sky. Ang pogi talaga nito.
"Good. Lumabas ka na muna, Shine. Mag-uumpisa na sila," pakiusap ni Tito Sky kaya lumabas na ako.
Nakaupo pa rin ang mga kapatid ni Sun sa tapat ng pinto at si Tita Taira ay pumasok naman sa kuwarto.
"Aaaah! Aw!" malakas na sigaw ni Sun kaya napalingon ako sa pinto. "Araaaay! Puta! Ayaw ko na!"
Napayuko ang magkapatid at napatakip sa mukha gamit ang kamay saka yumuyugyog ang balikat. Magkakambal daw sila kaya sigurado akong nasasaktan din sila para sa kapatid.
"M-Mommy! Please stop! Tama na pooooo!" sigaw ni Sun na lahat na yata ng buong building ng hospital ay nakakarinig sa sigaw niya kaya mas lalo akong nag-aalala. Paano kung hindi maging successful ang operasyon?
"Diyos ko! Masakit sabi eh! M-Mommy? S-Sobrang ugh! Sobrang s-sakit talaga!" sigaw ni Sun pero nasa paghihirap ang boses nito.
"H-Hindi ba siya papatulugin?" tanong ko nang hindi na makatiis.
Sabay na umiling sina Matter, Star at Moon pero nakayuko pa rin. Sa pagkakaalam mo, pinapatulog ang mga pasyente kapag inooperahan.
"Aaaaah! Ugh! T-Tama na! Diyos ko, enough! P-Papatayin b-ba ninyo--aaaah. Masakittttt!"
Ayun, ilang minuto na puro sigaw ang naririnig namin kay Sun mula sa loob ng operation room. Paminsan-minsan, napapatayo na ako. Gusto ko na siyang pasukin at tulungan pero bawal.
Bumukas ang pinto at lumabas si Tita Natty na nag-assist sa pag-opera.
"Tapos na po, Tita?" tanong ni Star saka lumapit sa pinto.
"Oo, puntahan na ninyo si Sun," sagot ni Tita Natty at bumalik sa loob. Ang bilis naman yata ng operasyon? Hindi nga umabot ng isang oras.
Nahuli akong sumunod sa kanila papasok sa silid.
Nakaupo na si Sun at pinapahidan ang mga luha habang ang isang kamay ay tinatanggalan ng posas ni Tito Sky.
"M-Mom? Believe me, masakit talaga. I swear," luhaang sabi ni Sun na ang itim na ng buong mukha. "I t-think I'm dying."
Lumapit ako. Awang-awa ako sa kaniya pero bakit may tshirt pa siya? Hindi ba sa puso siya inoperahan?
"Peste ka! Wala pang namamatay sa pagtutuli kaya tumahimik ka!" galit na saway ni Tito Sky habang pinapahidan ang pawis sa mukha.
"T-Tuli?" ulit ko at napatingin kay Sun na hiyang-hiya at hindi makatingin sa akin.
Sabay na tumawa ang mga kapatid nito. As in tawa talaga na para bang ipinagbawal sa kanila ng ilang taon.
"Duwag ka talaga, Araw. Parang circum lang eh, ang ingay mo," pang-aasar ni Star.
"Duwag. Akala mo kinakatay e, tinutuli lang naman," natatawang segunda ni Moon.
Gusto kong makisabay sa kanila sa pagtawa pero naaawa ako kay Sun. Alam kong mamamatay na ito sa hiya sa akin kaya pinigilan ko ang pagtawa.
"Tahimik!" malakas na saway ni Tito Sky.
Tumayo si Sun na may maluwag na shorts at paika-ikang lumalakad habang nakangiwi. Nasa mukha nito ang sakit pero ayaw na niyang magsalita pa dahil galit ito sa mga kapatid.
Ibig sabihin, supot talaga ito at ngayon lang nagpatuli? Akala ko talaga sakit sa puso.
"Z-Zero? Nakalimutan natin 'to," bulong ni Tita Natty at ipinakita ang isang syringe kay Tito Zero.
"The fuck!" bulalas ni Tito Zero.
"Ano 'yan?" tanong ni Tito Sky.
"Anesthesia," sagot ni Tito Zero.
Lahat kami ay napatingin kay Sun na paika-ikang naglalakad habang umiiyak palabas sa pintuan. Hala, kaya pala ang lakas ng sigaw niya, iyon pala masakit naman talaga. Siguro dahil sa pagpupumiglas ni Sun, nakalimutan na nilang turukan ng anesthesia. Aw! Kawawa naman si Sun.

A/n:
Credit sa Korean movie na napanood ko na nakalimutan nilang magturok ng anesthesia. Nakalimutan ko po ang title. Hahaha.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now