16

1K 53 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited...
"Gaano katotoo ang relasyon ninyo ni Sun?"
Napalingon ako sa nagsalita. Nasa rooftop ako ngayon dahil vacant namin. Isa pa, ayokong makita ang mga estudyante ng Arellano.
Muling humarap ako sa open field ng school campus at pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad. Apat na taon na ako rito at sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong mahalin ang paaralang ito dahil dito ako nalinlang, naloko, naging masaya at higit sa lahat, natutong tumayo sa sarili kong mga paa.
"Shine? Alam kong nasaktan kita," wika niya habang palapit sa akin pero hindi ako lumingon, pinakiramdaman ko lang siya. "Pero hindi ba't mali na gamitin mo ang ibang tao--"
"Isa siyang Villafuerte at kahit kailan, walang puwedeng makakagamit sa kanila, Justin!" madiing sabat ko. "Sa tingin mo, kaya ko siya? Sila? Ang paggamit sa kaniya ay isang kahangalan!"
"So? Sa tingin mo, seryoso siya sa 'yo?"
"Wala akong sinabing ganiyan!"
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya na yumakap sa bewang ko.
"Alam kong mahal mo pa rin ako, Shine," bulong niya na malapit sa tainga ko. "Minahal naman kita pero ang boring mo. Hindi ko kayang magtiis habambuhay. Lalaki lang ako at kailangan ko ng sexlife."
Napalunok ako ng laway at naikuyom ko ang kamao ko.
"Kaya ipinagpalit mo ako kay Hailey?" tanong ko. Siguro ito na rin ang panahon para pag-usapan namin ang lahat. Naramdaman ko ang pagluwag ng mga kamay niya hanggang sa tuluyan na niya akong pinakawalan.
"Mahal ko si Hailey," mahinang sabi niya kaya mapait na napangiti ako. "Minahal naman kita pero masaya ako kapag kasama ko siya."
Hindi ako sumagot. Tumingala ako sa langit at sinubukang pakiramdaman ang puso ko. May pait pa rin pero kaunti na lang. Gusto kong umiyak pero hindi ko magagawa.
"M-Mahal mo pa ba ako, Justin?" tanong ko.
Tumayo siya sa tabi ko at dumungaw sa baba.
"Minahal kita, Shine. Alam mo 'yon," mahinang sagot niya saka humarap sa akin. "Pero ngayon, aaminin ko, hindi ko na kayang iwan si Hailey."
Hinarap ko siya at sinalubong ang mga mata. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya na para bang tinatanong ko ang sarili ko kung bakit minahal ko siya?
"Ikaw Shine, mahal mo pa rin ba ako?" tanong niya.
"Hindi ko alam," naguguluhang sagot ko at bigla na lang pumasok si Sun sa balintataw ko.
"Ngayon, wala na akong feelings para sa 'yo," wika ni Justin. Kung tutuusin, sampal iyon sa akin. Sino ba ang babaeng matutuwa kapag marinig na wala na siyang feelings sa akin? Napasulyap ako sa mga daliri niya na may engagement ring.
"Okay lang. Salamat sa lahat, Justin. Salamat sa pagiging honest," pasalamat ko at matamis na ngumiti. Masakit pero para akong ibong nakulong sa maliit na hawla at ngayon ay nakalaya na. Sinaksak na nila ako ni Hailey sa likuran, ngayon pa ba ako masasaktan kung maging tapat siya sa akin harapan?
"Pasensiya ka na, Shine. Oo, aaminin kong nitong mga huli, ginagamit na lang kita para mas lalong sumikat. Pero naisip ko na magpakatotoo at hindi ko kayang iwan si Hailey dahil ang dami na naming pinagsamahan. Ang dami na naming pinagdaanan para i-giveup ko pa. Sinubukan ko naman eh, pero wala na talaga. Dana huwag mong husgahan ang pagkatao niya dahil siya naman talaga ang gustong mag-giveup, kaso ako ang habol nang habol. Ako ang ayaw bumitiw kahit na mali."
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Okay lang, basta nagpakatotoo ka," mahinang sabi ko. Gusto kong masaktan pero sa halip na lumuha, napangiti na lang ako. Ako lang siguro ang naiinsulto na natutuwa pa. "Sa totoo lang, gusto kong masaktan, Justin, pero ewan ko ba, natutuwa pa ako. Parang ang gaan sa pakiramdam."
"Sige, mauna na ako, Shine. Pasensiya ka na. Alam kong may Sun ka na at sana, maging masaya kayo at huwag ka niyang sasaktan," sabi niya at tinapik ako sa balikat.
"Salamat din, Justin," pasalamat ko.
Ilang minuto na siyang nakaalis pero wala pa rin akong ganang umalis. Gusto kong mapag-isa at magmuni-muni. Para akong baliw na nakangiti. Ito na siguro ang hinihintay ko, ang formal breakup namin para makalaya na rin ako sa maling paniniwala.
Napukaw ang diwa ko nang tumunog ang cellphone ko.
"Oh?" bungad ko nang makita kung sino ang tumatawag.
"Gawa mo, sweetheart?"
"Wala," tipid na sagot ko.
"Anong wala? Nasa paaralan ka pa ba?" Sa himig niya, mukhang malapit na siyang mairita.
"Oo."
"Kumain ka na ng lunch mo?"
"Alas tres na, Sun. Kanina pa ako kumain," sagot ko at napasulyap sa relo.
"Five pa ang uwian namin. Hintayin mo 'ko, ha," sabi niya.
"Four thirty naman ang sa akin kaya mauna na ako," sagot ko.
"Hintayin mo 'ko," giit niya.
"Ayoko!" parang batang tanggi ko.
"Mauna ka sa bahay at puputulan kita ng paa!" pagbabanta niya kaya napangiti ako.
"Talaga lang, ha?"
"Oo! Kaya diyan ka lang hanggat hindi pa kita dinadaanan, maliwanag?"
------------------------

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now