18

1K 51 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

Unedited...
"See you bukas, Shine," paalam ni Carlo nang palabas na kami sa gate.
"Sige. Salamat, Carlo," pasalamat ko at nag-wave sa kaniya na papalayo.
"Sino siya?"
Muntik na akong mapatalon nang magsalita si Sun sa likuran ko.
"Sun. Kanina ka pa ba?"
"Ba't parang nakakita ka ng multo?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Wala. Hindi ko lang inaasahan na nandito ka na pala," ani ko.
"Busy ka kasi kay Carlo mo!"
"Ah, bagong alaga ng manager ko," sabi ko at lumapit sa sasakyan niyang nakaparada. Uwian ngayon at medyo madami-dami na rin ang mga estudyante rito sa labas ng gate.
"Psh! Pakialam ko? Kailangan ba talagang close kayo?"
"Siyempre iisang manager lang kami kaya kailangan kong makisama," depensa ko.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan pero hindi pa rin ako pumapasok.
"Really? Baka nanliligaw rin sa 'yo?" nagdududang sabi niya.
"Ligaw agad? Alam naman ng lahat na fiancè kita," depensa ko.
"Psh! Marami ang lalaking walang pakialam kung may jowa o asawa na ang isang babae basta makatira lang sila!"
Tinaasan ko siya ng kanang kilay. "Isa ka rin ba sa mga lalaking iyon, Sun?"
"Ba't napunta sa akin ang usapan? Nililihis mo ba para pagtakpan si Carlo mo, Shine?" Medyo tumaas na ang boses kaya pumasok na ako bago pa siya gumawa ng eskandalo na naman. Isinara niya ang pinto at umikot sa kabilang side.
"What? Ayaw mong aminin?" pangungulit niya nang makapasok at naglalagay ng seatbelt.
"Tama na nga! Nagseselos ka na naman ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kahit na lalabas na napaka-feelingera ko.
"Alam mo naman pala! Itatanong mo pa!" naiinis na sabi niya. "Nagseselos ako. Malamang, mahal kita!" Walang pakundangang wika niya.
"S-Sorry," paumanhin ko. "Kasi magkaibigan lang talaga kami ni Carlo. Iisang manager lang kami kaya kailangan ko ring makisama. Alam mo naman ang nature ng trabaho ko, 'di ba?"
Hindi siya nagsalita. Umusad na ang sasakyan namin kaya hindi na ako nakipagtalo pa dahil hahaba lang ang usapan. Napupuna ko sa pamilyang 'to, hindi talaga magpapatalo. Kapag may gusto, sila talaga ang masusunod at wala kang magawa kundi paniwalaan na lang ang baluktot nilang paniniwala.
Pagdating sa unit, dumiretso siya sa kuwarto kaya ganoon na rin ang ginawa ko.
"Napaka-immature!" naiinis na sabi ko habang nagsho-shower. "Parang 'yon lang e!"
Pinatay ko na ang shower at pinulupot ng tuwalya ang katawan saka lumabas.
Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas ako para makapaghanda na ng hapunan dahil mukhang wala akong aasahan kay Sun.
Nakatalumbaba na nakaupo si Sun na tila lungkot na lungkot.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat pero hindi siya lumingon.
"Galit ka pa rin ba sa akin, Sun?" tanong ko.
Malungkot na tumingala siya sa akin pero hindi nagsasalita.
"Alam kong--"
"Huwag ka ngang maingay! Nag-iisip ako ng gagawin e!" saway niya sa akin tapos salubong pa ang mga kilay.
"S-Sorry," paumanhin ko saka tumalikod. Baka gusto nga niyang mapag-isa.
Malapit na ako sa kusina nang marinig kong kumanta siya.
Rain gently falls whenever we'd say goodnight.🎶
Falling when you're out of sight
Rain follows me even in my bed
And rain is the tears that I shed 🎶
Lumapit siya sa akin habang nakatutok ang malamlam na mga mata sa akin.
There'll be no shunshine in my life
Until you say you're mine oh mine
There'll be no summer, spring or fall
Each day is like winter time
But I can never say I care 🎶
But I know it won't be smart
Somebody owns your heart
It can never be mine 🎶
Hindi ko na napigilang ngumiti.
"Anong drama 'to?" tanong ko.
"Kanta 'to!" sagot niya.
"Oh siya. Anong kanta 'to, Araw?" tanong ko.
"Rain," tipid na sagot niya at hinawakan ang kanang kamay ko. "Corny ko ba dahil kinakantahan kita?"
Pinag-aralan ko ang mukha niya pero seryoso siya.
"Hindi," sagot ko. "Sweet nga e."
"Hmm? Puwede ka na bang ma-inlove?" tanong niya kaya hindi ko na napigilan ang ngumiti.
"Sa kanta? Oo. Sa boses, hindi," sagot ko kaya napasimangot siya. Ang cute niya kapag nagtatampo kaya kinurot ko ang kanang pisngi niya. "Ang cute mo kapag magtampo ka."
"Hindi kasi ako singer katulad ng mga lalaki mo!" nagtatampo pa ring sabi niya.
"Pogi ka naman," ani ko pero nakabusangot pa rin siya.
"Huwag na! Wala rin palang kuwenta ang pagkanta ko!"
Bibitiwan na sana niya ang kamay ko pero pinisil ko.
"Sun? Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo sa bagay na hindi mo gusto. Magpakatotoo ka lang para sasaya ka."
"Nagpakatotoo ako pero hindi ako masaya kasi hindi mo ako sinasagot!"
Napabuntonghininga ako at tiningala siya. Pogi siya. Mahal daw niya ako kahit na nakakapagduda. Gusto ko ang pamilya niya. Wala raw siyang syota. Ipinagtatanggol pa niya ako. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko?
"S-Sinasagot na kita," mahinang sabi ko. Sapat lang na marinig niya.
"Anong--"
Nag-tiptoe ako at hinalikan siya sa mga labi kaya nanlaki ang mga mata niya hanggang sa lumayo ako sa kaniya.
"Sinasagot na kita, Araw. Mula ngayon, tayo na," nakangiting sabi ko.
Tulala pa rin siya habang nakatitig sa akin kaya natawa ako. Hinintay ko na ma-absorb ng utak nito ang sinabi ko.
"T-Tayo na?" nauutal na tanong niya kaya tumango ako. "S-Sure ka?" paninigurado niya.
"Ayaw mo?" mataray na tanong ko.
"No! Gusto ko! Oh my!" sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Sure ka ba? T-Tayo na?"
"Oo nga," pagpayag ko.
"Shine!" sigaw niya saka binuhat ako at inikot na para bang bagong kasal. "Tayo na, sweetheart! Tayo na!" sabi niya saka patakbong lumapit sa kuwarto niya habang buhat ako.
"Hey, ano ba! Ibaba mo 'ko!" sabi ko saka hinampas siya sa balikat.
"Shine! Tayo na!" manghang sabi niya saka binuksan ang pinto at ibinaba ako sa kama niya.
"Hey! Ba't mo ba ako dinala rito?" natatawang tanong ko saka tumayo.
"Tayo na, 'di ba?" tanong niya.
"Oo nga. Ang kulit. Bakit ba?"
"E di, puwede na tayong mag-boom boom paw?" namumula ang pisnging tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko. Napalunok ako ng laway. Pakiramdam ko, nanunuyo ang lalamunan ko sa narinig.
"S-Sun! Hindi puwede!" sabi ko.
"Meron ka?" nanghihinayang na tanong niya kaya malakas na tinulak ko siya.
"Gano'n ka ba talaga? Kakasagot ko lang sa 'yo, sex na agad ang iniisip mo?" singhal ko.
"Hala ka. Boom boom paw na lang, pangit pakinggan ng sex," saway niya sa akin.
"Isa pa, Sun! Umayos ka!"
"S-Sorry na. Basta maupo ka nga muna," natarantang sabi niya at tinulak ako paupo sa kama. "Huwag kang tumayo!" Kinuha niya ang telepono sa bedside table at may tinawagan kaya hinayaan ko na siya.
"D-Dad?" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. "M-May sasabihin ako."
Nakikinig lang ako sa usapan nilang mag-ama.
"Okay naman si Shine. Actually, tumawag ako para sabihing kami na," pagbalita niya rito kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya. "Ngayon lang. Sinagot niya ako pero dad? Galit yata siya sa akin e." Naupo siya sa upuang nakaharap sa akin habang nakikinig sa sinasabi ng ama.
"K-Kasi Dad, ahm... N-Niyaya ko kasi siyang magboom boom--" Agad na inilayo niya ang telepono sa tainga. "G-Ganoon ba? Sorry naman. Hindi ko kasi alam."
Namula ang magkabilang pisngi niya na hindi na makatingin sa akin. Never pa nga 'to nakaranas ng seryosong relasyon.
"Oo na. Sige na, babye na."
Ibinaba niya ang telepono at lumapit sa akin saka naupo sa tabi ko.
"S-Sorry pala kanina. M-Mali pala ang ginawa ko," paumanhin niya.
"Wala iyon," sagot ko.
"Bawal pala 'yon? Puwede bang kiss na lang, sweetheart?" hirit niya.
"Hindi--" Ayun, hindi ko na siya napigilan nang inangkin niya ang mga labi ko. Ito ang first kiss namin bilang opisyal na magkasintahan.
"October 26 anniversary natin," sabi niya nang magkahiwalay ang mga labi namin.
"Okay," sagot ko nang yakapin niya ako.
"Isa pang kiss," hirit niya na hindi na hinintay ang sagot ko. Sana lang makaya kong pigilan ang sarili ko gayong magkasama kami sa iisang bubong.
Fast forward....
Two days na kami ni Sun. Araw-araw, hinahatid pa rin niya ako sa school at sabay rin kaming umuwi. Wala akong masabi dahil palagi siyang may gift sa akin. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang paghalikan namin. Kahit sa kotse, hinahalikan niya ako kapag nasa stoplight kami. Kahit sa sala o nagluluto ako, halik pa rin siya nang halik. Kagabi nga, tinawagan pa ako para lumabas ng kuwarto para lang maghalikan. Ang sabi niya, kiss lang naman daw. Kiss lang pero minsan, nadadala na ako at gusto ko nang bumigay.
Napahawak ako sa mga labi ko.
"Okay na ba 'yang lipstick mo? O kapalan ko pa?" tanong ng makeup artist ko kaya napasulyap ako sa salamin.
"Okay na 'to. Bet ko," sagot ko at nginitian siya. Nasa backstage ako ngayon dahil debut concert ni Carlo at isa ako sa mga guests.
"Ang ganda mo talaga," puri nito kaya nginitian ko siya.
"Salamat," pasalamat ko at nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga.
"Miss Gomez? May nagpabigay sa 'yo nito," sabi ng babaeng kakapasok lang.
"Salamat," pasalamat ko at inabot ang bouquet ng white roses at binasa ang card.
Goodluck, sweetheart. I love you.
Napangiti ako. Ano ba 'yan, nakikita ko sa bulaklak ang mukha niya lalo na ang mapupulang mga labi. Haist, Sun.
"In five minutes, ikaw na," sabi ng babaeng kumatok sa pinto.
"Okay, ready na 'ko," sagot ko at pumunta na sa gilid ng stage.
Matapos ng saglit na paghintay, lumabas na ako sa stage nang sumenyas ang organizer sa akin. Naghiyawan ang mga tao. Napangiti ako nang makita ko si Sun sa guest chairs na nakatingin sa akin.
Itinaas ko ang kanang kamay na may hawak na mic at sinimulan nang kumanta.
When I feel so sad and lonely,
When my life seems pale and blue
How I wish you're here beside me
Here to stay my whole life through
You're the only one believe me 🎶
You can make my dreams come true
Come my darling and embrace me
This is what you'll gonna do 🎶
A kiss me, kiss me in the morning 🎶
A kiss me, kiss me in the night
Kiss me, kiss me in the daytime 🎶
Kiss me, kiss me all the time
Hold me, hold me darlin'
Hold, hold me real tight 🎶
Kiss me, hold me, hug me darlin'
With all your might
A kiss, a kiss, a kiss me in the morning
A kiss, a kiss, a kiss me in the night
A kiss, a kiss, a kiss me in the day time
A kiss, a kiss me all the time
Hold me, hold me, hold me darlin'
Hold, hold me real tight 🎶
Kiss me, hold me, hug me darlin'
With all your might 🎶
Nag-ienjoy ako sa kanta kaya napapaindak ako. Kahit ang medyo may edad nang madlang people ay napapagalaw rin ng balikat na tila aliw na aliw sa kanta ko.
Natapos ko ang kanta at nag-usap muna kami ni Carlo sa harap ng mga bisita.
Nagpaalam na ako at lumabas sa stage.
"Sweetheart!" tawag ni Sun nang buksan ko na sana ang dressing room.
"Hi," bati ko nang nasa tapat ko na siya.
"Congrats," sabi niya at hinalikan ako sa mga labi.
"S-Sun," usal ko nang magkahiwalay kami. Marami ang taong nakatingin sa amin at ang iba ay reporters pa.
"Sorry, kanina ko pa gustong gawin 'to," nakangiting sabi niya at hinawakan ako sa bewang. "Halika, sa loob tayo ng dressing room mo."
Pumasok kami sa dressing room. Ang makeup artist at hair dresser ang nandito.
" A kiss, a kiss, a kiss me in the morning
A kiss, a kiss, a kiss me in the night
A kiss, a kiss, a kiss me in the day time
A kiss, a kiss me all the tim e
Pagkanta ni Sun at inakbayan ako kaya natawa ako.
" Hold me, hold me, hold me darlin'
Hold, hold me real tight 🎶
Kiss me, hold me, hug me darlin'
With all your might." K anta ko rin.
"Sabi ko nga, ikaw lang ang singer at ako naman ang kisser," sabi niya at hinalikan ako sa kanang pisngi. "I love you, Shine."
"I love you too, Sun," bulong ko.
Dedma lang ang dalawang bakla pero alam kong nakikinig din ang mga 'to. Hay naku. Sana lang ay hindi kami magsasawa sa isa't isa.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now