6

1.1K 55 1
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Unedited....

[SUN POV]

Isang pahayagan ang isinampal sa mukha ko.
"Ano 'to?"
Pinipilit kong dumilat pero hindi ko pa kaya. Ang sakit pa ng ulo ko.
"I-Inaantok pa 'ko," mahinang sabi ko at nagpahila na naman sa antok nang wala nang magsalita. Salamat naman dahil mamaya pa niya ako istorbohin. Ito ang maganda sa magulang ko eh, maunawain kapag masama ang pakiramdam ko.
"Fuck!" Bulalas ko at agad na napabangon nang buhusan ako ni Daddy ng tubig. "What's the matter with you, Dad?"
"Puta ka!" pamumura niya saka binato sa akin ang hawak na batya.
"Basa na ang kama ko," daing ko. Ang dami pa naman ng binuhos niya at may yelo pa.
"Hanggang kailan ka magkakaganito, ha?" singhal ni Daddy na sobrang pula na ng mukha.
"Dad naman, bakit ba?" naiinis na tanong ko.
Dinampot niya ang diyaro at muling itinapon sa akin.
"Kailan ka ba titino, ha?"
Napabasa ako sa headline. Bad influence raw akong fiancé kay Shine dahil dinala ko ito sa bar. Suot pa niya ang damit niya noong concert kaya napabuntonghininga ako.
"Walang masama na isama ko siya sa mga gimik ko," sagot ko at hinubad ang basang tshirt ko.
"Siya pa ang nagmaneho sa 'yo pauwi? Hindi ka na nahiya?" sumbat ni Daddy kaya napakamot ako sa batok. Eh, sa hindi ko na matandaan ang nangyari. Basta ang alam ko, sumakay kami at siya ang nagmaneho. Hinatid pala niya ako? Pero wala na akong maalala.
"Nahihiya rin," walang ganang sagot ko.
"Isa pa at malilintikan ka sa akin, Sun!Baka gusto mo, magaya kay Clouds?"
Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Pinalayas niya si Clouds at hindi binigyan ng kahit na piso sa loob ng ilang buwan.
"Dad naman. Singer si Clouds. Kaya niyang mabuhay nang walang tulong mula sa inyo pero ako, paano?" tanong ko.
"Bahala ka sa buhay mo! Ang lakas mong mambabae at uminom pero hindi mo naman kayang buhayin ang sarili mo!" sabi niya.
"Kapag palayasin mo ako, gasgas na po ang ganiyang eksena, Dad. Hindi na 'yan papatok sa masa. Walang originality ang buhay ko," sabi ko. Damn! Gawin lang talaga niya ang lahat pero huwag lang ang palayasin ako. "At kapag itigil mo ang allowance ko, common na plot na po iyon," dagdag ko.
"Biro lang!" mabilis na sabi ko nang buhatin niya ang upuan. "Aw--motherfucker!" daing ko at napahawak sa kanang kamay ko na sumalag sa upuan. Akala ko talaga, hindi niya itutuloy ang paghagis.
"C-Child abuse na 'yan, Daddy," naiiyak na daing ko. Sobrang sakit. Nabali yata ang buto ko sa kamay. Wasak talaga ang bakal na upuan eh.
"Child abuse sa pagkagago mo, Sun! Oras na hindi ka pa tumino at puro negatibo ang mababasa ko araw-araw sa newspaper tungkol sa 'yo, mag-alsa balutan ka na!" Umuusok ang ilong na sabi niya saka lumabas.
"Gumawa lang ng anak para saktan," bulong ko nang isinara niya ang pinto. Nawala ang hangover ko at ang sakit ng ulo ay lumipat sa kamay ko.
Wala na. Tuluyan nang nasira ng showbiz ang buhay ko.
"I feel you now, Ulap," bulong ko. Kaya ayaw ko talagang mag-aartista dahil sisirain lang nito ang tahimik na mundo ko e. Nawawalan ako ng privacy. Hindi nga ako artista, pero bantay sarado naman ang buhay ko ng media dahil kay Shine.
"Malas!"
Pumasok ako sa shower room at binabad ang hubad na katawan sa ilalim ng shower hanggang sa lumamig ang ulo ko.
Napasulyap ako sa salamin. Hubo't hubad ako. Napahawak ako sa natutulog kong alaga. Mukhang ilang linggo siyang mananahimik ngayon gawa nga ng pagkasangkot ko sa gulo. Sana hindi na lang pala ako uminom ng gabing iyon o hindi pumunta sa concert.
Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para kumain. Alas diyes na pala kaya hindi na ako aabot sa last subject namin ngayong umaga.
"Oh? Kain na yaya," sabi ni Mommy nang maupo ako sa harapan niya rito sa sala.
"Mom? Wala akong matandaan kagabi. Paano ako nakapasok?" tanong ko.
"Hinatid ka ni Shine. Binuhat ka ni Sky dahil kahit anong gawin niya, hindi ka na magigising," sagot ni Mommy.
"Si Shine po?" tanong ko.
"Pinahatid ko kay Moon kagabi," sagot niya kaya napabuntonghininga na lang ako at napahilot sa ulo.
"Sun? Tigilan mo na kasi ang pag-inom. Masama sa katawan 'yan," pakiusap ni Mommy.
"Minsan lang naman ako umiinom," depensa ko.
"Minsan lang pero bagsak naman palagi ang katawan mo," ani Mommy.
"Sorry, Mom," paumanhin ko. Alam kong labis itong nag-aalala pero kapag kasama ko na ang barkada, nawawala na ako sa wisyo.
"Gawin mo. Tumino ka na. Maawa ka naman kay Shine, Sun."
"Mom? Madali lang namang takasan ang lahat. Babawiin na namin sa publiko ang engagement."
"Hindi ka ba naaawa kay Shine? Iniwan na nga siya ng ex niya, tapos iiwan mo na naman siya? Does she deserve it, Sun?"
"Mom? Huwag mo akong tingnan ng ganiyan," sabi ko. Parang ako pa yata ang magiging masama ah.
"I think, mabuti siyang tao. Huwag mo na siyang ipapahiya, Sun. Kung hindi mo kayang panindigan ang nangyari, at least give her some respect. That's what she deserves."
"How about me, Mom? Magpapatali na ba ako sa taong hindi ko naman mahal?" tanong ko.
"Just try. Magpakabait ka, Sun. Napag-usapan na namin ito kagabi ng ama mo, seryoso siya. Oras na may marinig pa kaming hindi mabuti sa pinaggagawa mo, wala kang mamamana mula sa kaniya."
"What?" bulalas ko.
"Yes, Sun. Kaya magpakatino ka na dahil kahit ganoon ang daddy ninyo, masama siyang magalit," sabi ni Mommy. "At hindi natin alam kung ano pa ang gagawin niya sa 'yo."
"Huwag mo 'kong takutin, Mom!"" naiinis na sabi ko.
-------------------------

Stupidly EngagedKde žijí příběhy. Začni objevovat