17

1K 51 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

UNEDITED...

[Shine POV]

"Bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" tanong ko nang maupo sa front seat. Sinundo na naman niya ako. Araw-araw, ganito ang routine namin.
"Nanliligaw ako, 'di ba?" sagot niya at napasulyap sa bulaklak na hawak ko na.
"Nanliligaw ka ba?" inosenteng tanong ko.
"Huwag mo na nga akong pahirapan!" reklamo niya na nakakunot ang noo.
"Paano kung bawal manligaw?"
"Huwag kang ano! Tuli na ako kaya puwede nang manligaw!" depensa niya kaya napangiti ako. Loko siya. Naalala ko tuloy noong tinuli siya. Sino ba ang mag-aakalang supot pa siya?
"Magaling ka na ba, Araw? Hindi na ba masakit?"
"Bakit? Gusto mong diretso sex na tayo?" nakangising tanong niya at pinaandar ang sasakyan. "Naku, Shine, magpakipot ka naman? Mapapaaga na namang apo si Sky Villafuerte."
Napa-poker face ako. Yabang talaga nito.
"Baliw! Gusto ko na kasing umuwi," pagtatama ko kaya biglang umiba ang timpla ng mukha niya.
"Psh! Hindi puwede. Nakausap ko na parents mo, sabi nila, sa akin ka na raw kasi ibabahay na kita," sabi niya at pinausad na ang sasakyan.
"Seryoso, Araw, miss ko na ang parents ko. Gusto ko nang umuwi," pakiusap ko. Dalawang linggo na akong hindi nakakauwi.
"Bahala ka. Basta hindi ka uuwi," pagtutol niya kaya hindi na ako umimik. Galit ako sa kaniya.
"Galit ka na naman diyan?" sabi niya pero sa labas pa rin ako tumitingin.
Nakakaantok kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Bahala siyang gisingin ako kapag nasa bahay na.
"Shine, wake up!"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
"We're here," anunsiyo niya.
"Gusto ko pang matulog," inaantok na sagot ko at umayos sa pagkakaupo saka sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Sun!" bulalas ko nang mapansin ang nasa labas. "Iuuwi mo na ako?"
"Pinagsasabi mo? Bumaba ka na nga! Bibisita lang tayo," sabi niya saka bumaba na kaya napasimangot ako.
"Maiwan na ako," pakiusap ko nang bumaba ako pero tinaasan lang ako ng mokong ng kilay. "Sige na, please."
Nag-doorbell siya. Sana ganitong oras, alam kong nasa bahay na sina Mommy at Daddy.
"Sun, please, dito na ako."
"Sa akin ka pa rin, Shine," tinatamad na sagot niya. Bumukas ang gate at pinagbuksan kami ng katulong.
"Ma'am Shine, good afternoon po," bati ni Manang na kay Sun nakatingin.
"Magandang hapon po, sina Mommy?" masiglang tanong ko.
"Sa loob. Pasok po kayo," masayang sagot niya na hindi pa rin inaalis sa mukha ni Sun ang mga mata. Na-amaze siya.
Sabay kaming pumasok ni Manang at nasa likuran lang namin si Sun na nakabuntot.
"Shine! Hija!" bulalas ni Mommy nang makita kaming papasok sa sala. Tumayo siya at sinalubong kami.
"Good afternoon po," magalang na bati ni Sun at nauna pang humalik sa mommy ko.
"Hello, hijo. Kumusta? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Medyo po," nakangiwing sagot ni Sun. "Pero kailangan ko pa rin ho ang anak ninyo."
Pinandilatan ko siya.
"Magaling ka na," sabat ko.
"Pero sumasakit pa rin ang operasyon ko. Alam mo naman na nahihirapan ako, 'di ba?" pag-iinarte niya. Sa pagkakaalam nina Mommy, na-operahan siya at tinanggal ang appendix.
"Ganoon ba? Sana hindi na kayo dumaan dito," sabi ni Mommy at napatingin sa akin.
"Na-miss ka po ni Shine kaya idinaan ko siya rito. Alam ko naman ho ang pakiramdam na mawalay sa mga magulang," concern sabi niya. Artista ang loko.
"Mabuti naman. Dito na kayo kumain, ipinaghanda ko kayo," sabi ni Mommy kaya napatingin ako kay Sun. Na-miss ko talaga ang luto ni Mommy.
"Sure po. Basta iuuwi ko pa rin po si Shine, tita," pagpayag ni Sun.
"Sige. Basta ingatan mo si Shine at huwag mong saktan ang anak ko, Sun!"
Napalingon kami nang sumabat si Daddy mula sa kusina.
"Daddy!" bulalas ko at patakbong lumapit sa kaniya at niyakap siya. "I miss you, Dad."
"I miss you too. Kumusta? Inaalagaan ka naman ba ng mga Villafuerte?"tanong ni Dad.
"Y-Yes po," alanganing sagot ko dahil nakikinig si Sun. Gusto ko nang magsumbong pero wala naman akong magagawa dahil mas magaling umarte si Sun.
"Mabuti naman," ani Dad na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Huwag po kayong mag-alala, ako ho ang bahala sa anak ninyo," sabat ni Sun at lumapit sa amin saka inakbayan ako. "Aalagaan ko po si Shine."
Pasimpleng siniko ko siya pero patay-malisya lang ito.
"Siguraduhin mo lang dahil mahal namin si Shine. Kahit na mayaman kayo, handa akong pumatay ng tao kapag sinaktan mo siya!" pagbabanta ni Daddy. As if na masindak niya si Sun.
"Handa rin po akong pumatay ng tao kapag may mang-agaw sa akin ng anak ninyo," seryosong sagot ni Sun na sinalubong ang mga mata ni Daddy.
"Alam kong isa kang Villafuerte, Sun, at wala kaming magagawa kapag niloko mo ang anak ko."
"Wala ho akong balak na lokohin si Shine at kahit isa akong Villafuerte, handa akong bumaba sa level ninyo para lang makamit ang matamis niyang I do," sagot ni Sun saka napasulyap sa akin na para bang ako ang kinakausap niya.
Napalunok ako ng laway saka pinuntahan si Mommy sa kusina. Bakit ba ang gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa mga banat ni Sun? Napakagat ako sa ibabang labi.
"Masaya ka yata?" puna ni Mommy na naghihiwa na ng karne ng baboy.
"Ako ho?" patay-malisya kong tanong sabay turo sa sarili ko.
"Oo," sagot niya saka ngumiti at tumigil sa ginagawa. "Sana maging masaya ka kay Sun."
"Mom?" pinandilatan ko siya. "Wala kaming relasyon ni Sun!"
Alam niya ang lahat tungkol sa amin ni Sun pero natawa lang siya.
"Mas masaya kapag hayaan mo ang sarili mong maging malaya at magmahal ulit ng iba," seryosong sabi niya at mapait na ngumiti sa akin. "Wala na kayo ni Justin at kahit anong mangyari, ayaw ko na ring magbalikan pa kayo. Anak--" Hinawakan niya ang kanang kamay ko. "Sana maging masaya ka na."
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.
"Isa pa rin siyang Villafuerte, Mom."
"So what? Wala na ba siyang karapatang sumeryoso?" ani Mommy.
"Pero--"
"Kapag mahal mo, handa kang sumugal dapat. Nakakatakot pero paano kung papabor sa 'yo at sitwasyon at pagkakataon?"
"Mom? Ayoko nang pag-usapan," sabi ko at kinuha ang isa pang kutsilyo. "Magluto na lang tayo para masaya."
Tumawa si Mommy at ipinagpatuloy ang ginagawa kanina. Kung seryoso man si Sun, wala naman sigurong masama kung subukan kong mahalin siya? Basta ayoko nang maulit pa ang nangyaring niloloko lang ako ng taong pinagkatiwalaan ko.
----------------------

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now