9

1.3K 65 3
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited....

[Sun POV 🌞]

"Magpapakasal ka na pala pero supot ka pa?" bungad ni Daddy nang lumapit sa akin. Nagkakape kasi ako at nilapitan niya ako.
"Hindi ba't maaga pa para sirain mo ang araw ko?" tanong ko at inubos ang kapeng nasa tasa bago pa ako mawalan ng gana.
"Ilang taon ka na nga, Sun? Bente tres? Pero hanggang ngayon, supot ka pa? Ano ba ang mga pinagsasabi ng mga babaeng naikama mo?" tanong niya kaya naikuyom ko ang kamao.
"Hindi ako supot! At puwede ba, huwag mong pakialaman ang buhay ko!" naiinis na sabi ko saka tumayo.
Narinig ko ang tawa niya nang nasa malayo na ako. Ba't ba madalas nila akong asarin na supot? Kainis!
"Ba't ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Star nang makasalubong ko.
"Huwag mong dagdagan ang problema ko, Bituin!" sabi ko at napatingin sa wristwatch. "Umalis na ba ang iba?"
"Si Moon mukhang hindi papasok. Sina Matter at Clouds, hindi ko lang alam," sagot niya. "Pasabay naman ako. Tinatamad akong mag-drive."
"Gagawin mo akong driver?" naiinis na tanong ko at lumabas na.
"Ganun din naman 'yon. Magmamaneho ka rin. Isipin mo na lang na wala ako sa loob ng kotse mo," sabi ni Star na nakabuntot pa rin sa akin.
Hinayaan ko na siyang makisakay. Ang hirap pa naman makipagtalo rito dahil sanay ito sa asaran.
"After ba ng graduation natin ang kasal ninyo ni Shine? Isabay na lang kaya ninyo sa graduation natin para isang handa na lang?" tanong nito nang palabas na kami sa gate na parang boss ko lang.
"Walang kasalang magaganap!" sagot ko.
"Bakit wala? Ang suwerte mo kay Shine. Maganda, sexy at singer. Ano pa ba ang hanap mo sa isang babae?" tanong niya.
"Nagagandahan ka? Ba't 'di mo na lang kaya siya ligawan?" sulsol ko kaya napakamot siya sa ulo.
"Ikaw na. She's not my type," sagot nito kaya inismiran ko.
"Anong type mo? Chubby?" ani ko.
"Sort of," tipid na sagot niya. "May unan ka na, may kama ka pa."
"Psh! Hindi ka naman gusto," sabi ko.
"Alam ko!" naiinis na sagot niya. "Hindi mo na kailangan i-remind."
Tumahimik na ako. Mahirap na dahil baka dramahan na naman niya ako.
Pagdating sa paaralan, tinawagan ko si Shine. Nasa school na raw siya at mag-uumpisa na ang klase nila.
Promise, sinusubukan ko talagang maging maayos ang relasyon naming dalawa.
"Totoo na ba talagang magpapakasal ka?" tanong ni Jesel nang maupo sa tabi ko.
"Oo," sagot ko.  Iyan ang sagot ko sa lahat para wala nang gulo at maraming tanong.
"Susunod ka na pala kay Clouds," sabi nito. "Bakit wala si Dust?"
"Busy siya sa pag-aaral sa ibang bansa," sagot ko.
"Okay," sabi nito at lumipat na ng upuan.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scan sa Instagram ni Shine. Nagiging stalker na niya ako. Gusto kong makilala ang pagkatao niya para hindi na mapahamak pa ulit. Ang hirap naman kasing magkaroon ng artistang babae.
Photogenic nga siya pero mas maganda pa rin siya sa personal.
Napailing ako nang makita ang old photos nila ni Justin.
"Like, seriously? Hindi pa talaga niya binubura?" sabi ko. Dapat kapag ex, wala na sa account e. Ne hindi rin niya na-unfollow pero ang lintik na Justin, unfollowed na niya si Shine.
"Hindi lahat ng babae, nagbubura ng photos ng ex nila," sabi ni Star na naupo sa tabi ko at nasa cellphone ko ang mga mata niya.
"Baka inlove talaga siya kay Justin," sabi ko at tinago ang cellphone.
"Selos ka?" tanong nito kaya natawa ako.
"Oo," sagot ko para sakyan ang sinasabi niya.
"May tama ka na," sabi nito at tinapik ako sa balikat saka yumuko at bumulong. "Pero supot ka pa rin."
"Gago!" singhal ko pero tinawanan lang niya ako.
Buong hapon ako nagpakatanga sa loob ng Westbridge. Ang boring ng buhay ko. Ne hindi ko na nga napansin ang paglipas ng mga oras.
Pauwi na ako nang maisipan kong dumaan muna sa Arellano.
Pinapasok ako ng guwardiya kaya hinanap ko si Shine.
"Naglalaro sila ng volleyball," sabi ng babaeng estudyanteng napagtanungan ko.
"Salamat, miss," pasalamat ko at nginitian siya. Ang dami rin palang magaganda rito sa Arellano.
"Himala. Nandito ang isang Villafuerte," sabi ng babaeng makakasalubong ko.
"Hey, may I know your name?" tanong ko at nginitian siya.
"Hindi mo ba talaga ako matandaan?" tanong niya kaya umiling ako.
"Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang tulad mo?" nakaismid na sabi niya. Nainsulto ko yata pero sa halip na amuin, gusto ko siyang pagtawanan.
"Sorry, miss. Maliban sa pamilya ko, iilan lang ang babaeng matatandaan ko," paumahin ko.
"Nandito ka ba para kay Shine?" tanong niya.
"Well, siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Sa tingin mo, may iba pa ba?" tanong ko na hindi inialis ang mga mata sa mukha niya.
"Ba't mo sasaluin ang itinapon ng iba?" maarteng tanong niya.
"Catcher ako. Ayaw kong mabasag ang mamahaling crystal na itinapon ng iba para lang ipagpalit sa kumikinang na bagay pero gawa lang naman sa plastic," sagot ko at sinalubong ang nagbabaga niyang mga mata.
"She's pathetic!" usal niya.
"Not anymore. She's so lucky to have me," nakangising sabi ko at nilagpasan siya para lapitan si Shine.
I'm lying. Kilala ko siya. She's Hailey, fiancée ni Justin.
Naupo ako sa bench habang pinagmamasdan siyang umiinom ng tubig.
Wala talaga akong maipintas sa mukha niyang ipinaglihi sa napakamagandang manika. Kung hindi lang sana ito boring kasama, wala akong magiging problema.
Tinawag na siya ng teacher nila kaya tumakbo siya pabalik sa teammates niya at nagsimulang maglaro ng volleyball. Natawa ako. Parang kutsilyo ang mga kamay niya e. Umiiwas ang bola sa net.
Wala. Tawang-tawa talaga ako habang nanonood sa kanila.
"Ba't ka pumunta rito?" naiinis na tanong ni Shine nang lapitan ako.
"Manood ng volleyball mo?" patanong na sagot ko.
"Sana hindi ka na nagpunta!" nakasimangot na sabi niya. Talo kasi sila. Paano, sa kaniya palagi pinapapunta ng kalaban kasi alam nilang hindi ito marunong mag-volleyball.
"Ganda lang talaga ang meron ka, sweatheart--aw!" reklamo ko nang kurutin niya ako sa hita. "Sweetheart, masakit!"
Hiyaw ko at napatayo kaya napatingin ang mga kaklase niya sa amin.
"Hindi pa tayo kasal pero battered husband na ako," reklamo ko at hinihimas ang hita ko. Napasama yata ang balat sa kuko niya. "Grabe ka, Shine."
"Nakakainis ka na kasi!" reklamo niya at kinuha ang backpack saka padabog na naglakad palabas ng gate.
"Tapos na ang klase ninyo?" tanong ko habang sinusundan siya. Agaw-pansin na nga kami rito.
"Last na 'yong P.E. Ba't ka pa kasi pumasok?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Kasi nga sinusundo kita. Siyempre maaga pa kaya may time pa tayong mag-date," sagot ko at sinabayan siya sa paglalakad.
Tumigil siya at hinarap ako.
"Yes, date tayo. Wala naman akong gagawin sa bahay," yaya ko. Sigurado akong wala pang nakauwi ne isa sa mga kakambal ko.
"Ayaw ko. Marami pa akong gagawin. Marami ka namang babae kaya sila na ang tawagan mo," tanggi niya at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Limited na sila ngayon dahil sa 'yo kaya ikaw na lang," sabi ko na sinundan na naman siya. "Magkasintahan naman tayo."
"Alam mo kung ano talaga tayo," mahinang paalala niya.
"May usapan tayo, Shine. Gawin nating normal ang relasyon natin. Nakakapagod na kaya ang makipag-away. Masyadong common at gasgas na," sabi ko. Lahat na lang ng lovestory sa movie, ganiyan ang eksena. Away-bati kaya nakakapagod na.
"Hindi naman kita inaaway. Bahala ka na sa buhay mo," sagot niya.
"Ihahatid na lang kita at sa bahay na ninyo ako tatambay," sabi ko at pasimpleng inakbayan siya. "Wala bang tao sa inyo?"
"Tigilan mo nga ako!"
"Oops! Bawal ang pakipot," sabi ko nang tatanggalin na naman sana niya ang kamay ko sa balikat niya. "Sumunod ka na lang kaya."
"Fine! Sumama ka sa bahay!"Napilitang pagpayag niya kaya napangiti ako.
"Good, sweetheart," sabi ko at hinila na siya palapit sa kotse kong nakaparada sa tapat ng gate nila.
Nauna ako at pinagbuksan siya ng pintuan.
"Thanks," pasalamat niya bago pumasok.
Habang nasa biyahe, nilakasan ko ang aircon.
"Gusto mo ng music?" tanong ko.
"Huwag na," sagot nito habang kinakalikot ang cellphone.
"Hindi mo pa rin pala binubura ang pictures ninyo ni Justin sa Insta?" tanong ko kaya napaharap siya sa akin.
"Stalker ba kita?" pagtataray niya.
"Follower mo na ako," sabi ko. "Normal lang kasi girlfriend naman kita."
"Bahala ka," tinatamad na sabi niya.
"Follow mo rin ako," ani ko saka pinaharurot ang sasakyan bago pa maabutan ng red light.
"Ayoko," tanggi niya.
"Pina-follow mo si Justin pero all na fiancé mo, hindi mo na-follow?"
Kaunti lang ang pina-follow nito. Wala nga yatang 100 peroang followers niya ay malapit ng mag-5 million.
"Tamad akong mang-unfollow," sagot niya.
"Psh! E di ikaw na," sabi ko at hindi na umimik hanggang nakarating na kami sa tapat ng gate nila.
"Wait lang, papabuksan ko lang ang gate para ma-park mo ang sasakyan mo," sabi niya matapos tanggalin ang seatbelt.
"Huwag na," sabi ko at pinigilan ang kanang kamay niya.
Tsup!
Nanlaki ang mga mata niya nang ginawaran ko siya ng halik sa mga labi.
"Gumanti ka naman!" naiinis na sabi ko nang maghiwalay ang mga labi namin. Malambot naman ang mga labi niya pero walang kabuhay-buhay. Ne hindi man lang ako nagising ang alaga ko.
"Umuwi ka na!" pagtataboy niya at sinamaan ako ng tingin bago lumabas.
Napailing ako habang nakatingin sa kaniya na papasok na sa gate.
"Haist! Hindi siya nakakalibog!" daing ko at nagmaneho na pauwi.
Pagdating sa bahay, sinalubong ako kaagad nina Daddy at Mommy.
"Hey," nakangiting bati ko sa dalawa.
"Mag-uusap tayo, Sun," seryosong sabi ni Daddy kaya napatingin ako kay Mommy.
"Tungkol saan?" May problema ba sila? May kinakaharap na naman bang malaking problema ang pamilya?
"Mahalagang bagay," tipid na sagot ni Daddy. "Hintayin ka namin ng mommy mo sa study room. Magpalit ka muna ng damit at sumunod sa amin."
Wala sa sariling tumango ako at dumiretso sa kuwarto para magpalit ng damit. Ano na naman kaya ang problema ng pamilya namin? Mukhang problema sina Daddy. Hindi naman sila magkakaganoon kung minor problem lang.
Binilisan ko ang kilos at pinuntahan sila sa study room.
"Dad? Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko matapos isara ang pinto.
"Maupo ka," alok ni Mommy kaya naupo ako sa harapan nila.
"Ano hong meron? Bakit ako lang?"
"Ikaw lang naman talaga," ani Daddy. "Sun? Alam mong lumalaki na kayo at si Clouds at Dust ay nag-asawa na," panimula ni Daddy kaya kinabahan ako. Nakikinig lang ako sa kaniya.
"Kaya napagdesisyunan namin ng mommy mo na kumuha ng pinakamagaling na doctor at--"
"M-May sakit ho ba kayo?" bulalas ko. Hindi ko kayang mawala sila lalo na si Mommy. Alam naman ng lahat na nagkasakit si Mommy Taira noon.
"Kailangan mo nang magpatuli, Sun," diretsahang sabi ni Daddy kaya nanlaki ang mga mata ko habang palipat-lipat ang mga mata sa kanila.
"Sun? Ilang taon ka--" Mommy.
"Enough!" sigaw ko at napatayo.
"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" galit na sabi ni Daddy. "Lahat ng kapatid mo, tuli na. Ikaw na lang ang hindi pa."
"Huwag nga ninyong pakialaman ang buhay ko!" naiinis na sabi ko.
"Mahiya ka naman sa magiging asawa mo," giit ni Daddy. "Lintik! Matanda ka na pero nakasombrero pa 'yang kargada mo? Pahiya ka sa mga Villafuerte!"
"Problema ko na iyon!" galit na sabi ko habang naikuyom ang kamao. Pinipigilan ko lang talaga na masapak siya kasi ama ko siya.
"Haist! Ikaw lang ang fuckboy na supot!" sabi ni Daddy kaya kumulo ang dugo ko.
"Isa pang supot at hindi ko na kayo kakausapin pa ni Mommy!" pagbabanta ko saka pabagsak na isinara ang pinto. Letse! Ang lakas pa nilang makapagdrama.

A/n:
Daks 'tong port ko eh. Hahahaha.

Stupidly EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon