21

1K 50 0
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21

[Sun POV]

"Ang cute ng anak mo," puri ni Moon habang kalong ang anak ni Dust.
"Buti't hindi nagmana sa 'yo," pang-aasar ni Star at kinurot ang pisngi ng cute na pamangkin namin.
"Kamukha ko 'yan, ulol!" depensa ni Dust. Kahawig nga niya lalo na ang pisngi at medyo singkit na mga mata. Hindi maikailang isa itong Villafuerte.
"Kumusta siya?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang anak niya. Nasa gazebo kami at nagmumuni-muni dahil magtatakip-silim na.
"She's fine. She's normal and no signs of abnormalities. Iyon ang ipinagpasalamat namin sa Itaas," masayang sagot niya habang nakatingin sa anak na kinukulit ng mga kapatid namin. Bakas sa mga mata nito ang labis na kasiyahan at pagmamahal sa anak.
"Mabait ang Diyos," sabi ko at napangiti. Parang kailan lang, sabay pa kaming naghahabulan dito sa hardin at tumatakbo palayo kay Daddy. Pero ngayon, may pamilya na sila ni Clouds.
"Ang bilis ng panahon," sabi ko habang nakatingin kina Moon na karga at tinatakbo ang anak ni Dust sa hardin habang hinahabol sila ni Star. Tawa naman ng tawa ang bata.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Dust.
"Hindi ko akalaing mauna ka sa akin," pag-amin ko. Mas tarantado pa ito kaysa sa akin e. Mas lalo na si Clouds. Eh, numero unong bully 'yon.
"Kapag tinamaan ng pag-ibig," nakangising sabi niya saka hinarap ako. "Ikaw? Balita ko, malapit ka nang ikasal ah."
"Wala pang exact date pero darating din kami sa ganiyang point," sagot ko. Naalala ko si Shine. Doon 'yon natulog sa parents niya. Matawagan nga mamaya. Kaso kakatawag ko lang bago lang.
"Seryoso ka na nga," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Paano mo nasabi?"
"Iniisip mo na ang kasal e. Okay na sa 'yo na matali ka sa kaniya."
Napabuntonghininga ako.
"She's not my type," pag-amin ko.
"She's pretty," aniya.
"Boring siyang kasama. Ganda lang talaga ang meron siya. Never pa kaming nag-sex," desperadong sabi ko.
"Pero hanggang ngayon, kayo pa rin. See? Hindi mo pa siya pinapakawalan. Okay 'yong nagpapakipot," sabi niya.
"Boring siya. Believe me, she's not really my type," giit ko na ikinatawa niya.
"Si Clouds, tingin mo, type niya si Seola?" tanong ni Dust kaya hindi ako nakaimik. Siyempre hindi. Mataas ang standard nu'n sa salitang kagandahan. "Ako, Araw? Sa tingin mo, type ko ang asawa ko ngayon? Never in my wildest dreams na mapangasawa siya but it happened. I fell inlove sa kaniya at wala akong magagawa kundi harapin ang mga pangungutya at panghuhusga nila sa amin."
Mas lalong natahimik ako. Oo nga pala, kumplikado sa lahat ng kumplikado ang relasyon nila pero nakikita naman naming sobrang masaya silang dalawa at walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bilang kapatid, masaya na rin ako sa kanila.
"Mahal ko si Shine. Nagseselos ako kapag may kasama siyang iba. Kahit walang sex, okay lang basta sa akin siya. Ganoon ba talaga kapag umibig? Para kang mabaliw kapag hindi mo alam kung saan o ano ang ginagawa niya?" tanong ko.
Tinapik niya ako sa balikat. "Oo, Araw. Ganoon talaga. Kaya ingatan mo siya para hindi na maagaw ng iba."
"I will," sagot ko. "Kailan ka babalik?" pag-iiba ko ng usapan.
"Three days lang kami ni Baby rito," sagot ni Dust.
"Ba't 'di sumama asawa mo?"
"Busy siya," sagot niya. "Iwas isyu na rin. Alam mo naman ang mga tao rito sa Pinas, marami ang mapanghusga."
"Pero masaya ka," puna ko.
"Sobra," sagot niya na ikinangiti ko. At least hindi sila ang naglolokohan at iyon ang mahalaga dahil oras na lokohin ni Dust ang asawa niya, magkakagulo ang buong pamilya. Magloko na ang lahat pero huwag lang talaga 'to.
"Balik na tayo sa bahay," yaya ko.
"Mauna ka na," sagot niya kaya ako na ang tumayo at mag-isang pumasok.
"Sir? Ito na po pala ang in-order ninyo," sabi ng katulong na sinalubong ako at may bitbit na paperbag.
"Kailan dumating?" tanong ko.
"Kaninang umaga lang. Busy kami sa kusina kaya ngayon ko lang naalalang ibigay," sagot niya.
"Okay lang po," sagot ko at kinuha ang paperbag saka tiningnan ang gamit. Bumalik na si Ate sa kusina para magluto ng hapunan namin. Naupo ako sa sala at inusisa ang gamit. Ang ganda naman ng kulay itim na couple watch. Third monthsary na namin ni Shine bukas kaya bumili ako ng regalo. Tiyak matutuwa iyon. Siya pa naman ang pinapili niya. Ang sabi ko, para kay Mommy dahil nagpapapili si Dad para bilhin sa wedding anniversary nila.

Stupidly EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon