10

1K 50 1
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

[Shine POV]

"Kain ka pa," alok ni Sun sa akin. Sinundo na naman niya ako sa school kanina at dinala sa kaka-open na resto-bar ng kaibigan nito.
"Ayaw ko na," tanggi ko at napatingin sa relo ko. Alas otso ng gabi at padami na rin ang customer.
"Okay," sabi nito.
"Puwede na ba tayong umuwi?" tanong ko. "Baka pagalitan na ako ni Daddy."
"Mamaya na, sweetheart. Ako naman ang kasama mo kaya hindi sila magagalit."
Nasanay na akong tawagin niyang 'sweetheart' at kahit na ilang beses ko siyang sawayin, wala ring silbi. Dinaig pa ang pipi sa pagiging bingi.
"Gabi na," sabi ko.
"Maaga pa. Ihahatid kita sa inyo kahit na hanggang sa kuwarto mo pa," giit nito kaya inirapan ko siya.
"Haist! Huwag ka na ngang magreklamo. Mas okay na ikaw ang kasama ko kaysa sa ibang babae," dagdag nito.
"Tapos ano? Naging lasengga at pala-bar na ako?" naiinis na sabi ko.
"C'mon, sweetheart. Relationship goal 'yan ng iba kaya dapat huwag kang killjoy. Ganito na ako bago mo pa ako makilala kaya mag-adjust ka rin kahit kaunti lang," anito.
"So? Ako pa talaga ang mag-aadjust? As if na totoo ang relasyon natin," reklamo ko saka tumayo.
"Hey, Shine naman. Huwag mo 'kong iwan, please. I need a drink lang kahit ilang shots lang," pakiusap nito.
"Iinom ka pa?" bulalas ko.
"Sweetheart naman, huwag kang mag-eskandalo," mahinang pakiusap niya dahil alam kong lalabas na ang kaluluwa ko sa inis.
"Maupo ka muna," mahinahong pakiusap niya kaya napilitan akong maupo nang may pumasok na anim na magbabarkadang babae at napasulyap sa gawi namin.
"Ayaw kong umuwi sa amin. Ang bully nila sa bahay. Gusto kong lumayo sa mga magulang at kapatid ko," seryosong sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit? May problema ba?"
"Basta. Napri-pressure ako sa bahay. Mas nakakagaan sa loob kapag hindi ako uuwi sa amin," sabi nito. Ewan ko lang kung dinadramahan niya ako o ano.
"Kasi pasaway ka. Puwede ka namang lumabas na hindi ako kasama," sabi ko.
"Hindi sila papayag. Kaya nga niyayaya kita para okay sa kanila kahit na sa kalsada na ako matulog basta kasama ka. Alam mo namang parang ibinigay na nila ako sa 'yo," sabi nito at napahilamos sa mukha.
"So? Kaya pala palagi mo akong dinadala sa kung saan para sa kalayaan mo?" ani ko.
Tumango siya. "Honest lang ako, sweetheart. Itinataboy na nila ako sa bahay kapag kasama ka pero ikinukulong nila ako kapag wala ka," sumbong nito.
"Iihi lang ako," paalam ko nang mapasulyap sa ladies room. Patay na ang ilang ilaw sa loob ng resto-bar at nagsimula na ang banda.
"Hintayin lang kita sa counter," sabi nito nang tumayo ako.
Medyo marami na ang customer pero wala pang pila sa loob ng restroom kaya nakapasok kaagad ako sa isang cubicle.
"Si Sun 'yon, 'di ba?" sabi ng babae nang pumasok.
"Oo, walang kasama, girl. Balita ko, madali lang 'yon makuha," excited na sabi ng kasama nito kaya hindi ko magawang tumayo.
"Kasama niya ang girlfriend niya," sabi nito.
"Really? Si Shine?" bulalas ng isa. Sa naririnig ko, tatlo ang magkaibang boses ang nag-uusap.
"Yeah. Ang babaeng itinapon ni Justine," sagot ng isa kaya naikuyom ko ang kamao ko.
"Pero big catch naman ang sumalo sa kaniya. Hindi basta-basta si Sun. Isa pa, laki ng daks, friend," kinikilig na sabi ng isa.
"Paano mo nalaman?" tanong nito.
"One night stand. Patay ang ilaw pero nahawakan at naramdaman ko ang daks. Naaninag ko rin at magaling talaga siyang magdala, promise."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko na kaya. Finlush ko ang toilet at inayos ang sarili ko.
"Well? Proud ako na naka-one night stand ko siya. Hindi man kami ang nakatadhana, at least natikman ko siya," proud na sabi nito.
Binuksan ko ang pinto kaya napatingin silang tatlo sa akin. Ang isa ay nagulat at ang dalawa ay tinaasan ako ng kilay. Kalmadong naghugas ako ng kamay at inayos ko ang buhok habang nakatingin sa salaming nasa harapan namin. Kunwari hindi ko sila narinig at busy ako sa pag-aayos ng sarili ko.
Alam kong nakatingin sila sa akin pero dedma lang.
Matamis na nginitian ko sila nang magtama ang mga mata namin sa salamin.
"Excuse me," sabi ko at lumabas na.
Wala na si Sun sa table namin kanina. Ibang grupo na ang nakaupo roon.
"Sweetheart," tawag ni Sun na nasa counter na at may baso ng alak na sa harapan niya.
Ngumiti siya sa akin kaya napailing na lang ako habang palapit sa kaniya.
"Maupo ka," sabi nito at pinaupo sa sa high chair.
"Iinom ka talaga?" tanong ko.
"Dalawang baso lang tapos uuwi na tayo. Para makatulog lang ako mamaya," sagot nito at ininom ang isang baso. "Sa 'yo na ang isa."
"Anong klaseng boyfriend ka?" tanong ko.
"Psh! Isang bote lang at hindi mo ikamatay 'to. Pasalamat ka pa nga, pinapayagan kitang uminom, sweetheart."
"Hindi ako umiinom," sabi ko at iginala ang mga mata sa palibot. Ang ingay na ng customer. Dagdagan pa ng banda. "Himala, walang babaeng lumapit sa 'yo?" Naalala ko ang mga babae sa loob ng restroom.
"Meron kanina pero sinabi kong lumayo sila dahil kasama kita.Kanta ka," sabi ni Sun kaya napatingin ako sa kaniya.
"Pinagsasabi mo?"
"Kantahan mo ako, isa lang," sabi niya.
"Ayaw ko nga. Ano ka, sinisuwerte?"
"Psh! Boring na girlfriend," panlalait na naman niya at inubos ang isa pang baso.
"Halika na nga, iuuwi na kita," yaya niya at tumayo.
"Mabuti naman at naisipan mo 'yan," sabi ko saka tumayo na rin.
Inakbayan niya ako habang palabas na kami sa resto-bar. Hinayaan ko na lang siya. Sa halos araw-araw naming pagsasama, nasanay na ako sa gestures niya. Kung hindi holdinghands, nang-aakbay ito.
Pagdating namin sa parking lot, pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya kaya sumakay na ako.
"Sure ka na makapagmaneho ka?" tanong ko.
"Tch! Dalawang baso lang 'yon, Shine," sagot nito at ini-start na ang sasakyan.
Tumahimik na ako habang nagmamaneho siya. Ilang minuto rin ang katahimikan nang basagin niya.
"Shine? May nangyari na ba sa inyo ni Justine?"
Nagulat ako sa diretsahang tanong niya kaya hindi ako kaagad nakasagot.
"Sorry kung masyadong personal ang tanong ko," paumanhin niya.
"Akin na lang iyon," sagot ko at inilipat ang mga mata sa labas ng bintana at pinagmasdan ang streetlights na nadadaanan namin.
"Shine? Kapag ba hindi nagloko si Justin tapos magpakasal kayo, papayag ka pa?" tanong nito kaya napataas ang kilay ko. "I mean, kapag halimbawa supot si Justin, papakasalan mo ba?"
Napatingin ako sa kaniya. Seryoso siya habanh nagmamaneho.
"Hindi siya supot. At nakakadiri naman ang lalaking supot," prangkang sabi ko. Sa totoo lang, wala nang supot sa Pilipinas kapag nasa 14 na ang mga bata.
"Makapandiri ka, parang malilinis na ang mga nagpatuli ah!"sabi niya na tumaas ang boses kaya napatingin na naman ako sa kaniya.
"Alam mo, Sun? Malapit na akong maniwala," sabi ko kahit na impossible naman talaga.
"Maniwalang ano?" tanong niya ay medyo pinabilisan ang pagpatakbo.
"Na supot ka--shit! Dahan-dahan!" galit na sabi ko nang muntik na akong mapasubob dahil bigla siyang napapreno. Salamat dahil naka-seatbelt ako.
"Red light," sabi niya.
"Oo na. Bilisan mo na at inaantok na ako," sabi ko.
Nang mag 'go' signal, pinaharurot na niya ang sasakyan para mahatid ako. Hindi na siya nagsalita pa.
-----------------------

[Sun POV 🌞]

Kakahatid ko lang kay Shine sa bahay nila. Papasok pa sana ako pero tumanggi siya. Baka tulog na raw ang parents nito kaya pumayag ako. Isa pa, naiinis ako sa kaniya.
" Hindi siya supot. At nakakadiri naman ang lalaking supot."
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi niya kanina. Wala akong pakialam kung may nangyari sa kanila pero ang arte lang niya. Kala mo ang linis-linis nila.
"Ba't ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Moon nang bumaba ako sa sasakyan. Pasakay naman siya sa motorsiklo niya.
"Gabi na, saan ka pupunta?"
"Galaan," tipid na sagot niya. "Kanina ka pa hinihintay nina Mommy."
"Haist! Ano na naman ang kailangan nila sa akin?" naiinis na tanong ko.
"Malay ko," inosenting sagot niya at isinuot ang helmet.
Pumasok ako sa bahay. Nadatnan ko sina Mommy sa sala at mukhang hinihintay nga ako.
"Mom, good evening," bati ko.
"Saan ka galing?" tanong ni Daddy na salubong ang kilay.
"Nagmuni-muni kasama si Shine," sagot ko.
"Alam na ba niya na supot ka pa?" walang gatol na tanong ni Daddy.
"Sky!" saway ni Mommy at pinandilatan si Daddy.
"Bakit, babymine? Mag-aasawa na 'yan. Hindi ba siya mahiya sa asawa niya na magpatuli lang, hindi pa niya nagagawa?" ani Daddy.
"Inaantok na po ako," paalam ko.
"Mag-uusap tayo, Sun! Magpatuli ka," sabi ni Daddy.
"Ayaw ko!" madiing sagot ko.
"Puta! Makunat na 'yan!" pagmumura ni Daddy.
"Paki mo?" naiinis na sagot ko.
"Hindi ka ba nahihiya sa magiging anak mo? Sun naman! Hindi ka ba nahihiya kapag malaman ni Shine?" giit ni Daddy.
"Magsama kayo nina Shine!" sabi ko.
"Sun?" malumanay na sabat ni Mommy. "Sina Tita Natty at Tito Zero mo ang mag-oopera sa 'yo. Secret lang natin 'to."
As in ang inosente at ingat talagang magsalita ni Mommy. Dinaig pa si Ma'am Charo sa MMK sa pagkalumanay ng boses nito.
"Buhay ninyo ang atupagin ninyo!" sabi ko at tinalikuran na sila.
"Ba't ba ang tigas ng ulo mo, Sun? Mahiya ka naman kay Shine! Ano na lang ang sasabihin niya kapag malaman niyang supot pa ang mapapangasawa niya?" pahabol ni Daddy na mas lalong nagpakulo ng ulo ko.
"E di walang kasalan na magaganap! Itakwil na lang ninyo ako bilang kasapi ng pamilyang ito!" naiinis na sagot ko at umakyat na. Nakakatampo sila.
Pagpasok ko sa kuwarto, pasalampak na inihiga ko ang katawan sa malambot na kama saka dinukot ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Shine kung tulog na siya.
"Nakarating ka na?" bungad niya.
"Kakapasok lang sa kuwarto," sagot ko. "Ikaw? Ano ang ginagawa mo?"
"Kakatapos lang maligo. Matutulog na ako," sagot nito.
"Send mo pic mo para sure akong matutulog ka na nga," sabi ko.
"Ayaw ko nga," tanggi nito.
"Arte mo!" sagot ko. Naiinis na nga ako, dagdagan pa nito. Ako na lang ang nag-selfie tapos ipinasa sa kaniya.
"Ba't ka nagpasa ng picture mo?" tanong nito.
"Hindi pa ako nakabihis. Mamayang unti pa," ani ko.
"Ba't ka nga nagpasa?" ulit nito.
"Para mapanaginipan mo ako at magising ka bukas nang masaya," sabi ko. Tumahimik ito sa kabilang linya.
"Shine? Nandiyan ka pa ba?" tanong ko.
"Maligo ka na, Sun."
"Okay, pero dapat bukas, magkita tayo, okay?"
"Bakit?" curious na tanong niya kaya ngumiti ako.
"I need you to shine," sagot ko.
"Corny mo!" wika nito kaya tumawa ako at tumayo.
"You are my sunshine, my only shunshine," pagkanta ko.
"Matulog ka na nga! Ang sintunado mo!" reklamo nito kaya mas lalo akog tumawa.
"Bye, Shine. My sunshine," sabi ko. Magsasalita pa sana ako pero naputol na ang tawag ko kaya hinubad ko ang damit ko at pumasok sa shower room. Pagbukas ko ng ilaw, napaharap ako sa malaking salamin at napatingin sa alaga ko. Napabuntonghininga ako. Kaya ko ba? Kaya ko na bang magpatuli?

Stupidly Engagedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن