23

1K 50 0
                                    


STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

Unedited...

"Ano ba ang sikreto ba't kayo tumagal ni Sun?" tanong ng kasama ko.
"Wala," sagot ko at inayos ang libro.
"Uy? Siguro ginalingan mo, noh?" makahulugang tanong nito. Nasa library kami at naghahanda ng thesis. Kailangan naming makapasa dahil two weeks na lang, graduation na.
"Baliw!" naiiling na sabi ko na ikinatawa niya pero agad naman niyang tinakpan ang bibig ng mga kamay dahil napalakas yata ang tawa niya.
"Oh siya, alis na 'ko. Basta ayusin mo na 'yan, ha," sabi ko.
"Okay. Ako pa. Kaya ko 'to. Tiwala lang," kampanteng sabi niya. May tiwala naman ako sa kaniya dahil matalino siya. Dean's lister pa nga e.
"Bye," paalam ko.
"Alam ko namang may date ka pa," sabi niya. Nginitian ko siya at umalis na.
Palabas na ako ng gate nang makita kong pumarada ang sasakyan ni Sun. Bumaba ito at sumandal sa pinto ng kotse habang nakatingin sa akin palabas.
Ilang buwan na kaming official ni Sun at sa awa ng Maykapal, nagiging smooth na lang ang lahat sa amin. Ano nga ba ang sikreto? Wala naman. Hindi ko nga alam kung ba't kami tumagal nito e.
"Sweetheart," tawag niya. Nginitian ko siya at hinalikan sa kanang pisngi nang makalapit ako sa kaniya.
"Kumusta ang klase mo?" tanong niya.
"Okay lang. Medyo busy dahil graduating na," sagot ko.
"Oo nga e. Wala ka nang time sa akin," nagtatampong sabi niya. Kanina kasi, niyayaya niya akong mag-lunch sa labas pero hindi ako pumayag dahil marami pa kaming ginagawa kaya heto, nagtatampo ang mokong.
"Hmm? Huwag ka na pong magdrama. Magkasama naman po tayo," sabi ko. Binuksan niya ang pinto kaya pumasok ako. Isinara niya at umikot sa drivers seat kaya inilagay ko na ang seatbelt ko.
"Saan tayo?" tanong niya.
"Ihatid mo na ako sa bahay," sagot ko.
"Sa unit ko?" tanong niya.
"Sa Sabado na lang," sagot ko. Hindi siya umimik. Nagmaneho siya kaya natulog na lang ako. Dito na lang ako nakakatulog dahil sa bahay, ang dami kong ginagawa. Tinutulungan ko si Mommy na magluto at kapag nasa kuwarto, nag-aaral ako. Ayoko namang mag-graduate na mababa ang grades. Siyempre isa rin iyon sa mga basehan kapag mag-apply ka sa trabaho.
Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa magkabilang balikat ko. Pagmulat ko ng mga mata, si Sun ang nakatunghay sa akin.
"Nandito na tayo," anunsiyo niya.
Inayos ko ang pagkakaupo at nginitian siya.
"Salamat, Sun," pasalamat ko at hinalikan siya sa kanang pisngi. "Pasok ka muna sa bahay."
"May family meeting kami ngayon," sagot niya.
"Ganu'n ba? Sige, regards kina Tito Sky at Tita Taira pati na rin sa mga kapatid mo," bilin ko.
"I will," sagot niya saka bumaba para pagbuksan ako. Napaka-understanding niya at gentleman pa kaya hanggang ngayon, napapatanong ako kay God kung isa nga ba siyang Villafuerte? Bakit iba kaysa sa inaasahan ko?

[Sun POV]

"Himala, pumayag ka!" bulalas ni Moon nang bumaba ako sa kotse. Saktong kakarating lang din niya at sabay pa kaming nag-parking.
"Anong himala do'n?" naiinis na sagot ko na ikinatawa nila ni Star. Mag-partner talaga 'tong dalawa noon pa. "Kailan ba kayo maghihiwalay?"
"Kami talaga, bruh! Secret lang!" nakangising sagot ni Moon at inakabyan si Star na niyakap siya sa bewang.
"Yes, bruh! Literal na bromance 'to!" nakangising pagsang-ayon ni Star.
"Yuck!" sabi ko at tinalikuran sila.
"Si Shine?" tanong ni Moon na sumusunod sa akin. Si Star naman ay may kausap pa sa cellphone nito.
"Sa bahay," sagot ko.
"Ba't 'di mo isinama?"
"Busy siya," sagot ko at naalala si Shine. Wala itong ginawa sa buong biyahe namin kanina kundi matulog. Well, sa lahat naman yata ng oras. Sa tuwing susundo at hahatid ako, wala na siyang ginagawa kundi ang matulog kaya napapanis ang laway ko sa biyahe.
"Ba't malungkot ka?" pang-aasar nito na sinabayan pa ako sa paglalakad papasok.
"We're here to enjoy kaya shutup!" saway ko. Sumalubong sa amin ang maingay na crowd ng bar. Dumiretso ako sa VIP room.
"Oh yeah!" hiyaw ni Moon at inunahan ako sa pagpasok nang makita si Matter na may kaakbayang babae sa isang table kasama ang iba pa naming barkada.
"Hey, Sun! Himala yata, sumama ka?" sabi ni James. Hinila ko ang upuan sa tabi ni Matter at naupo.
"Himala ba talagang sumama ako sa inyo?" tanong ko at kinuha ang isang bote ng alak sa gitna ng mesa.
"Oo naman. Busy ka na sa syota mo e. Uy? Seryoso ka na ba talaga roon?" tanong ni James at sinubuan ng nachos ang katabi nitong babae. As usual, paiba-iba na naman ng chicks ang mga kasama ko.
"Uminom na nga lang tayo," sabi ko.
"Mabuti at sumama ka, bigyan kita ng chikas!" pasigaw na sabi ni Mario na nasa tapat ko lang dahil lumakas na ang tunog ng instrumento ng nagbabanda.
"Uminom na lang tayo!" sabi ko at itinaas ang bote. "Cheers!"
"Bottoms up!" hiyaw ng mga kasama ko at itinaas din ang mga boteng hawak. Sila nag-uusap pero ako inom nang inom.
"Tama na 'yan, nakakarami ka na," saway ni Moon na inagaw ang boteng hawak ko.
"Ano ba!" sigaw ko kaya napatingin sila sa akin. Pati ang nagvi-videoke ay napatigil din sa lakas ng sigaw ko. "Mind your own fucking business, bruh! Gusto kong uminom!"
"Bahala ka. Kapag mahuli ka ni Shine, ikaw lang ang mag-explain sa kaniya," sabi ni Moon.
"Psh! Bahala siya sa buhay niya! I have my own life at hindi lang siya ang babae sa mundo!" sabi ko at nilagok ang lahat ng laman ng bote ng alak. "Sino siya sa akala niya? Ang boring niyang kasama! She's the worst girfriend I ever had! Maganda lang talaga siya!" Kumuha ako ng isa pang bote at nilagok.
"Kaya pala kanina ka pa hindi umiimik diyan," nakangiting sabi ng babaeng katabi ko. Kanina pa niya ako nilalandi e.
"Care to share us?" tanong ni Mario.
"Ayun, ang boring ng buhay ko mula nang makilala ko ang babaeng 'yon! Fuck life!" pagmumura ko at inubos na naman ang laman ng boteng hawak ko.
"Lasing ka na, Sun!" Aagawin sana ni Star ang alak na kinuha ko pero agad na inilayo ko iyon sa kaniya.
"Leave me alone! Buhay ko 'to at mag-ienjoy ako lalo na't wala ang boring na babaeng iyon! Pasakit lang talaga sa ulo ang mga babae! Tang'na!" pagmumura ko. Ang sama na kasi ng loob ko e. Matagal ko na 'tong kinikimkim at sasabog ako kapag hindi ko mailabas.
Ayun, kanta sila nang kanta at inom naman ako nang inom. Sa tama siguro ng alak kaya gumanda na sa paningin ko itong katabi ko. Sexy rin naman at anak yata ng politician. Basta desenti at puwede nang maka-one night stand. Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. Siya na ang nag-initiate kaya may karapatan pa ba akong tumanggi?
-----------------😜😜😜😜😜----------------
"Hmmm?" ungol ko at niyakap ang malambot na unan sa tabi ko. Hindi ko kayang magmulat dahil sobrang bigat ng talukap ko. Gusto kong gumalaw pero ang sakit ng ulo ko.
Sinubukan kong magmulat pero napapikit kaagad ako nang sumalubong sa akin ang sobrang liwanag na paligid.
"Shit!" mahinang pagmura ko nang tumunog ang cellphone ko sa tabi ko. Sinubukan kong kapain pero wala talaga ako sa mood. Tumunog ulit kaya nagising din ang diwa ko. Naiwan ko pala ito kagabi nang pumunta kami sa bar. Oo, tama. Pumunta ako sa bar at iniwan ang cellphone ko pero bakit tumutunog ito?
Napabalikwas ako at napabangon pero agad namang napahawak sa sumasakit na ulo. "Aw! Ayaw ko nang uminom," sabi ko at napahawak sa tiyan. Nasusuka ako.
Tumayo ako para lumapit sa banyo pero wala pang limang hakbang ay natumba na ako dahil sa hilo kaya pagapang na lumapit ako sa banyo. Kailangan kong makasuka. Suwerte ko lang dahil bukas ang pinto.
Nang makapasok ako, suka ako nang suka sa inodoro. Pagod pa ako kaya nagmumog ako at dahil sa katamaran, pagapang na namang bumalik sa kama.
"Buwesit na alak!" paninisi ko at patihayang nahiga sa kama. "Ano ba ang nangyari kagabi?" tanong ko sa sarili at inalala ang nangyari habang nakatingala sa kisame.
Ang huling natatandaan ko, nasa bar kami at nakipaghalikan ako sa babaeng katabi ko na sigurado akong anak ng politician.
Napapikit ako. Wala na akong maalala pero sigurado akong nakipagtalik ako pero malabo na ang iba. Ne hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi rito. Baka hinatid ako nina Moon at Star.
Napasulyap ako sa bedside table. Alas dos na pala ng hapon.
Naalala ko si Shine kaya sinubukan kong abutin ang cellphone pero agad bumukas ang pinto kaya nagtutulog-tulugan ako.
"Gumising ka na at kumain para mawala ang hangover mo." Boses ni Shine. Napangiti ako at dumilat. Ang ganda talaga niya. Pinagmasdan ko siya habang inilapag ang tray sa bedside table.
Napakagat ako sa ibabang labi at biglang kinabahan. Dito ba kami nag-sex ng babaeng nakilala ko sa bar? Nasaan na kaya ang babaeng 'yon? Hala, baka nagkaabutan sila ni Shine? Bigla akong nanlamig.
"Oh? Kumain ka na muna ng sopas," mahinahong sabi niya kaya napatango ako. Kailangan kong makiramdam. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Naupo ako at inayos ang sarili pero mas nanlamig ako nang makita ang sarili sa salamin. Hubo't hubad at nasa sahig na ang mga damit ko. Ang boxer ko ay nasa tabi ng pintuan.
"S-Sweetheart?" nauutal na tawag ko. Damn! I need to explain pero paano? "M-Mainit kasi kagabi."
"Naka-full ang aircon mo," walang kabuhay-buhay na sagot niya at hinarap ako. "Lumalamig na ang sopas kaya kumain ka na."
Napalunok ako ng laway. I know na may tinatago siya pero ayaw niyang mag-open up.
"K-Kumain ka rin s-sweet--"
"Tapos na akong kumain, Sun."
"G-Gano'n ba?" Napakamot ako sa ulo.
Nagulat ako nang tinapon niya ang robe ko.
"Isuot mo para hindi ka lamigin. Ihahanda ko lang ang ulam mo," walang emosyon na sabi niya at tinalikuran ako saka lumabas ng kuwarto.
"Shit! Pakshit!" pagmumura ko. Ngayon pa lang, gusto ko nang umiyak. Natatakot ako. Kilala ko si Shine at alam kong ngayon pa lang, may problema na kami.
Sinubukan kong higupin ang sopas na inihanda niya. Sigurado akong masarap siyang magluto pero bakit wala akong nalalasahan? Ne hindi ko nga maramdaman ang init ng sopas.
"Shine ko," bulong ko at napatayo. Damn! I need to explain but how? Paano kung nagkaabutan sila ng babaeng 'yon kagabi?
Lumabas ako pero wala siya sa sala kaya dumiretso ako sa kusina. There she is, nagluluto. Lumapit ako at sigurado akong alam niyang nasa likuran lang niya ako.
"S-Shine?" tawag ko at niyakap siya mula sa likuran. "A-Alam kong may mali ako. K-Kagabi kasi--" Diyos ko, hindi ko alam kung paano magpaliwanag.
Pinaharap ko siya sa akin. Samu't saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya kaya mas lalo akong na-guilty.
" Daddy? Help me, please," pakiusap ng utak ko. Kung nandito lang sana si Daddy, hindi ako mahihirapan ng ganito. But no, kasalanan ko ito kaya kailangan kong ayusin.
"S-Sweetheart? I was drunk a-at hindi--ko alam ang ginagawa ko. I-I'm sorry," paumanhin ko. "H-Hindi ko matandaan ang mga nangyari. B-Believe me, wala talaga akong matandaan."
Napatingala siya sa akin at nagtatanong ang mga mata. "L-Last night, hindi ko alam ang p-pinaggagawa ko kaya k-kung ano man iyon, maniwala ka, h-hindi--hindi ko iyon ginusto," sabi ko.
Natakot ako nang makita ang poot at galit sa mga mata niya.
Pak!
Walang pasabing sinampal niya ako sa kaliwang pisngi. Ang sakit! Pero wala pa ito kaysa sa sakit na nararamdaman niya kaya mas lalong nanghina ako.
"S-Shine--"
"Don't t-talk to me, Sun!" malamig na sabi niya at ang kasunod na nangyari ay tila libu-libong punyal na tumusok sa puso ko nang tumulo ang mga luha niya.





Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now