27

1.1K 59 3
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

[Shine POV]

Two days nang walang tawag si Sun o text man lang. Bakit kaya? Ano na naman ang problema niya? Minsan, nakaka-miss din ang kakulitan niya. Naging busy lang ako sa practice namin at kung anu-ano na ang mga pinagsasabi nila.
"Gaano ka totoo na nakipaghiwalay ka kay Sun?" tanong ni Sir Red nang maupo sa tabi ko.
"H-Ho?" usisa ko. "Tsismis lang po iyon."
"Shine? May nalalapit kang concert, 'di ba? Ayaw mo naman sigurong langawin ang concert hall mo?" makahulugang sabi ni Sir Red.
"Huwag ho kayong mag-alala, gagawin ko po ang makakaya ko."
"Your singing voice can't save you, Shine," sabi ni Sir kaya napakunot ang noo ko. "Alam mong marami ang umaasa sa relasyon ninyo ni Sun."
"H-Hindi ko ho kayo maintindihan," naguguluhang sagot ko.
"Kahit gaano ka kagaling kung sinaktan mo ang idol nila, hahatakin ka nila pababa, Shine."
"Ah," ani ko at tumango-tango kahit na wala namang nauunawaan.
"Ayusin mo ang gusot ninyo ni Sun bago pa ang araw ng concert mo."
Hala, alam na niya ang nangyari sa amin ni Sun? Lahat na lang ba ng Villafuerte, makakaalam na may nangyari sa amin? Ang daldal kasi ni Sun.
"Makipagbalikan ka kay Sun para bumalik ang fans na tumiwalag sa 'yo," sabi niya na labis kong ipinagtataka.
"B-Break?" ulit ko.
"Di ba break na kayo?"
"Hindi ah," tanggi ko. "Paano mo po nasabi?"
"Kalat na sa social media," sagot niya.
"Ho?" hindi makapaniwalang wika ko.
"Huwag mong isipin na tinutulungan ko ang pinsan ko na magbalikan kayo. This is just a business, Shine. I need you para kumita ng pera."
Bata pa si Sir Red, hindi nalalayo ang edad namin pero business minded na. Nakakapanghinayang lang dahil hindi namin ito nakakitaan ng hilig sa mga babae. Iilan lang ang ka-close nitong babae pero walang romantic na involve.
Nakalayo na si Sir pero hindi ko siya ma-gets kaya kahit na bawal akong mag-scan sa social media, binuksan ko pa rin lalo na ang Insta ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa naka-tag sa akin mula sa account ni Sun.
"Break na kami?" nagtatakang tanong ko. Sa haba ng sinabi niya, wala akong matandaan kundi ang puntong break na kami at ako ang nakipaghiwalay.
"Paanong ako? Kapal ng mukha mo!" galit na sabi ko habang nakatingin sa cellphone niya. Siya nga itong walang text at tawag tapos ito pa ang may ganang magdrama? Kapal! Huwag lang talaga siyang magpakita sa akin.
Sun POV
Hindi ko pa rin siya makontak. Halos mapudpod na ang mga daliri ko sa kakapindot ng number niya pero wala pa rin.
"Ano ba 'to, Sun? Break na ba talaga kayo ni Shine?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Sabi niya," sagot ko.
"Nag-usap na ba kayo?"
"Mom? Busy siya at bawal daw makausap. Baka mas magalit siya at wala na talagang chance na magkabalikan kami," sagot ko na sinusubukang maging okay ang tono ng boses.
"Are you okay?" tanong ni Mommy at hinawakan ako sa balikat matapos maupo sa tabi ko.
"Nakipaghiwalay sa akin si Shine sa text at higit sa lahat, hindi pa kami nagkausap tapos mukhang may iba na siya. Okay lang talaga ako, Mom. As in okay pa sa alright. Ang saya ko nga po e. Ako ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Sa wakas, brokenhearted ako!" sarcastic na sagot ko.
"Baby Sun naman," nakalabing sabi ni Mommy.
"Huwag ka ngang magpabebe, Mom. Kitang problemado ako eh," saway ko nang yakapin niya ako kaya umayos siya sa pagkakaupo.
"Hoy Araw!" tawag ni Dad na palapit sa amin. "Ano 'to?" Pabagsak na inilapag niya ang diyaryo sa mini table na nasa harapan namin ni Mommy.
"Haist! Masakit ang ulo ko, Dad."
"Bakit nag-break kayo ni Shine? Matapos ang lahat, maghihiwalay lang kayo?" Tumaas na ang boses niya.
"Ba't ba mas affected pa kayo kaysa sa akin?" naiinis na tanong ko. Sobrang sakit na ng ulo ko sa kakaisip. Ne anino ng mga kapatid ko, wala. E kung magpakamatay na lang kaya ako? Hell no. Never na sumagi 'yan sa utak ko.
"Makipag-ayos ka kay Shine!" utos ni Daddy na para bang inuutusan akong bumili ng mantika sa tindahan.
"Ayaw nga niya akong makausap,"sabi ko.
"Nasubukan mo na bang puntahan?" sabat ni Mommy.
"Hindi pa," sagot ko.
"Subukan mo pa rin," ani Daddy.
"Fine!" sabi ko at tumayo. Kakausapin ko si Shine. Bahala na kung ano ang kahihinatnan. "Pahiram ako ng ducati, Dad." Paalam ko.
"Basta huwag kang bumalik nang hindi kayo nagbabati ni Shine," sabi ni Dad. Hay naku.
"Okay. Susubukan ko po," sagot ko at patakbong lumabas sa bahay diretso sa garahe. Ang dami ko pang pangarap sa buhay na kasama si Shine at hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang lahat ng imahinasyon ko. I wanna make it happen.
Sabi ng manager niya, sa Bright star daw si Shine kaya doon ako didiretso.
Papasok pa lang ako nang makasalubong ko sina Red at Tita Avery.
"Good afternoon po," magalang na bati ko at humalik sa pisngi ni Tita.
"Oh? Nagmamadali ka yata?" nakangiting puna ni Tita Avery. Kahit na nagkakaedad na sila nina Mommy, hindi pa rin halata sa mukha. Ang ganda talaga nila.
"Siyempre puntahan niya si Shine," sabat ni Red.
"Matalino ka talaga, Kuya Red," sabi ko at nilagpasan na sila para puntahan si Shine sa mini-studio nito.
"Sweetheart," sabi ko nang pumasok. Blangko ang mukhang nakatingin siya sa akin habang hawak ang isang piraso ng bond paper.
Lumapit ako sa kaniya at walang pasabing niyakap siya.
"Oh God, I miss you, sweetheart," sabi ko at hinigpitan ang yakap dahil natatakot ako na baka kapag lumuwag, mawawala siya sa paningin ko.
Tinulak niya ako pero hindi ako nagpapatinag.
"S-Shine? Bakit? Bakit ka nakipaghiwalay?" tanong ko. "Magagago na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang mali o kasalanan ko?"
Pak!
Napaatras ako sa lakas ng sampal niya.  Para siyang mabangis na leon sa nagbabaga niyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Para siyang ibang tao.
"G-Galit ka nga sa akin," pagkumpirma ko saka napalunok ng laway.
"Bakit ako hindi magalit sa 'yo?" tanong niya habang nakakuyom ang mga kamao.
"Ano ba ang kasalanan ko?" naguguluhang tanong ko. "Bakit kailangan mong makipaghiwalay? Dahil ba may iba ka na? Bakit hindi mo ako kayang kausapin. Nandito na ako sa harapan mo oh. Isampal mo sa akin ang katotohanang wala na akong puwang sa puso mo."
"What the hell are you talking about?" naiiritang tanong niya.
"Paki-explain sa akin Shine Gomez kung bakit ka nakipaghiwalay?" matapang na tanong ko kahit na naduduwag talaga ako sa kaniya.
"Pinagsasabi mo? Niloloko mo ba ako, Sun?o baka naman pakulo mo lang 'yan dahil pagod ka na at nakuha mo na ang gusto mo kaya gusto mo na akong idispatsa sa buhay mo?" galit na tanong niya kaya natigilan ako. Confirmed. Siya nga ang nakasama ko ng gabing iyon.
"That's not true! Mas lalo kitang minahal pero ikaw itong nakipaghiwalay sa akin!"
"Hindi ako nakipaghiwalay so crop that drama!" singhal niya kaya natigilan ako.
"You texted me," depensa ko. "I kept on calling you pero hindi kita makontak."
"Anong hindi? Never ka nga tumawag, 'di ba? Tapos ang lakas mo pang magdrama sa Insta. Para ano? To gain attention? Makuha ang awa ng publiko?"
"Hindi 'yan totoo!" tanggi ko. "Nagtext ka sa akin at hindi kita makontak!"
"Liar!" sigaw niya. "Hindi ka nagpaparamdam, Sun! I hate you!"
"Ano ba? Tinatawagan kita!" giit ko. Sabi mo sa text, break na tayo kasi may mahal ka nang iba at huwag kitang istorbohin dahil magfo-focus ka sa concert mo!"
"I never--" Natigilan siya at nag-iisip. "Oh shit!"
"Bakit?" tanong ko.
"Sina Matter," aniya.
"Anong sila?" Hindi ko siya maunawaan.
"Kinuha nila ang cellphone ko noong isang araw," sabi niya at dinukot ang cellphone sa bulsa. "Damn! Naka-blocked ang number mo," sabi niya kaya napanganga ako.
"A-Anong--"
"Sila ang nag-text sa 'yo na mag-break na tayo at sila rin ang nag-block sa number mo para hindi mo ako makontak," sabi niya kaya biglang umakyat ang init sa ulo ko.
"H-Hindi ka nakikipaghiwalay?" mahinang tanong ko at naikuyom ang kamao. Umiling siya.
"Ba't naman ako makipaghiwalay?"
"Ugh! Dito ka lang, Shine!" sabi ko at tinalikuran siya.
"Saan ka pupunta, Sun?"
"Papatay ng kapatid!" sagot ko at patakbong lumabas sa building ng bright star saka pinaharurot ang sasakyan pauwi sa bahay.
Tamang-tama, nasa parking lot ang sasakyan ng tatlong kakatayin ko. Dinampot ko ang palakol na nadaanan sa hardin.
"Si Sun!" hiyaw ni Moon nang makita ako.
"Tol? Alam na niya. Takbooooo!" sigaw ni Matter kaya nagsitakbuhan silang tatlo papasok sa bahay at naiwan sina Clouds at Ash sa pavilion.
"Balik kayong mga hayop kayo!" sigaw ko at patakbong hinabol sila. "Mga gago!"
"Tago na! Hahaha!" Tumatawang sabi ni Star na paakyat na ng hagdan. Ang bilis nila kaya walang chance na maabutan ko kaya tumigil ako.
"Pagbabayaran ninyo ang katarantaduhang ginawa ninyo sa buhay ko!" buong lakas na sigaw ko saka tumakbo palabas ng bahay.
"S-Sun? Saan ka pupunta?" tanong ni Star at patakbong hinabol ako na padiretso sa garahe.
"Magbabayad kayo!" nanggigigil na sabi ko.
"Shit! Shit! Huwag yan, Araw!" hiyaw ni Star nang tumigil ako sa magkatabing ducati nilang tatlo.
"It's payback time!" nakangisi kong sabi at buong lakas na pinalakol ang mamahaling ducati ni Star.
"Tama na! Putsa! Huwag yan!" hiyaw ni Star.
"Lapit lang kayo para kayo naman ang mapalakol ko!" sigaw ko na walang habas na sinipa at pinagpapalakol ang tatlong ducati. "Sumusobra na kayo ah!"
"Pag-usapan natin 'to, putsa! Pinaghirapan ko 'yan!" hiyaw ni Moon nang ducati na naman niya ang pinunterya ko.
"Ano ba, Sun! Biruan lang pero walang ganyanan!" Hindi sila makalalapit dahil sa hawak ko. Sa galit ko, hindi ako mag-alinlangang biyakin ang katawan ng lalapit.
"Para patas na tayong lahat!" gigil na sabi ko habang nagpapalakol. Lahat ng energy ko ay uubusin ko sa pagdurog ng mahal na ducati nila. "Sino ngayon ang masaya, ha? Tingnan natin kung mapakinabangan pa ninyo 'to! Ako pa talaga ang pinagtripingan ninyo, huh?"
"Sun? Ano 'yan?" Dumadagundong ang boses na tanong ni Dad habang palapit sa amin pero buong lakas ko pa ring sinisira ang ducati. Walang makakapigil sa akin. Not even my parents.
"D-Dad? Baliw na talaga si Sun," sumbong ni Star.
"D-Dad? Ang sasakyan ko. Ipa rehab na natin si Araw," naiiyak na sabi ni Moon.
"Itigil mo na 'yan, Sun! Kapag hindi ka titigil, ako ang papalakol sa bungo mo!"galit na sabi ni Daddy kaya hinihingal na tumigil ako at hinarap sila.
"I-Itigil?" hinihingal na tanong ko.
"Ano ba ang problema mo? Sumusobra ka na ah!" galit na tanong ni Daddy kaya nakakainsultong tumawa ako.
"Alam mo ba ang pinaggagawa ng tatlong anak mo? Sila lang naman ang nakialam sa cellphone ni Shine at nag-text na break na raw kami. Binlock pa nila ang number ko para hindi ko makontak si Shine! Putsa! Pakialaman lang nila ang lahat pero huwag ang relasyon namin ni Shine!" sumbong ko kaya napaharap si Daddy sa kanilang tatlo.
"Totoo ba?" kalmadong tanong ni Daddy.
"Dad? Hindi naman--" Star.
"Totoo ba?" pasigaw na tanong ni Daddy kaya napapitlang silang tatlo.
"Ano? Umamin kayo!" sabat ko.
"Joke lang naman namin," depensa ni Matter. "Pero sineryoso niya."
"Ah, ganun?" Namumula na ang buong mukha ni Daddy at humarap sa hardinero. "Manong? Akin na nga ang isa pang palakol!"
"D-Dad? Ano ang gagawin mo?" natarantang tanong ni Moon nang iabot ng hardinero ang isa pang palakol.
"Tuloy mo ang ginagawa mo, Araw!" Utos ni Daddy kaya nginisihan ko silang tatlo bago tuluyang wasakin ang pinakamamahal nilang ducati.
"Durugin mo, Sun!" sabi ni Dad na tinutulungan na akong magpalakol sa tatlong ducati. Yeah, I really enjoy this habang sabay na umiiyak ang tatlo kong kapatid. Walang kasalanan na hindi binabayaran dahil sa mundong ito, walang kuwenta ang salitang patawad lang.

Stupidly EngagedOnde histórias criam vida. Descubra agora