14

1K 55 1
                                    

STUPIDLY ENGAGED

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

Unedited...
"Congrats, tuli ka na," nakangising bati ni Dad.
"The fuck!" pagmumura ko saka sinipa ang upuang nasa tapat ko. "Salamat sa walang anesthesiang circumcision!"
Dumiretso ako sa kusina para kumain. Araw-araw na lang bang ganito? Iyong makakasalubong ko sila at babatiin ako kasi tuli na ako? Fuckin' shit!
"Kumain ka nang marami," sabi ni Nanay at inilapag sa harap ko ang pagkain.
"Salamat po, 'Nay," pasalamat ko. Siya ang surrogate mother ko at paminsan-minsan ay dumadalaw siya para ipagluto ako. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ako umuwi ngayon.
"Kumusta ka na, Sun?" Naupo siya sa harapan ko at pinagmasdan ang mukha kong guwapo.
"Okay lang po," tipid na sagot ko at sinimulan nang kumain. "Kain ka po."
"Sige lang, tapos na ako. Kumusta pala kayo ni Shine? Kailan ang kasal?" usisa niya.
"Sa madaling panahon," nakangiting biro ko at hinigop ang sabaw. Ang sarap talaga nila ni Mommy Taira magluto.
"Totoo? Naku, inlove na talaga ang anak ko. Kailan kami magkakaapo? Nakabuo na ba?" excited na tanong niya kaya natawa ako.
"'Nay naman, kakatuli ko lang po, 'di ba? Isa pa, hindi pa ako handa na magkaanak. Hindi rin handa si Shine sa obligasyon," ani ko. Hmm? Ano kaya ang magiging mukha ng anak namin? Sigurado kasing pogi ko o kasingganda niya. Basta maipagmalaki ang mukha. Wala namang pangit sa Villafuerte.
"Ay, oo nga pala," pagsang-ayon niya saka humagikhik. "Mabuti at napapayag ka nilang magpatuli."
"Psh! Huwag mo na ngang i-remind!" naiiritang sabi ko. Naninindig ang balahibo ko sa tuwing maalala ko ang pagpatuli ko.
"Sus, proud kaya ako sa 'yo," pagmamalaki niya.
"Oo na lang," pagpayag ko. Wala e, pinagkaisahan nila ako.
Ayun, nagkuwentuhan pa kami at nang matapos akong kumain, nagpabalot ako para dalhin kay Shine sa condo. Magtatanghali na pala at siguradong nagugutom na ang babaeng 'yon.
Nagpaalam ako kina Mommy at Nanay pero hindi na sa mga kapatid ko at kay Daddy. Masama pa rin ang loob ko sa kanila.
Pagdating ko sa condo, hindi na ako kumatok pa dahil may susi naman ako. Nasa sala si Shine at tutok na tutok ang mga mata sa pinapanood. Napasulyap ako sa TV, si Justin ang kumakanta kaya napaismid ako.
"Kumain ka na ba?" tanong ko matapos ang marahang pagsara ng pinto. Hindi siya sumagot. Halatang hindi niya ako narinig kaya dumaan ako sa likuran niya patungo sa kusina para isalin ang dalang pagkain.
"'Lang hiya! Hindi talaga ako napansin!" reklamo ko at napasulyap sa TV. Kainis! Ano bang meron ang Justin na 'yan at patay na patay siya? Napatingin ako sa mukha ni Shine, walang expression at tila nakatulala lang pero wala naman ang konsentrasyon sa TV. As usual, naka-shorts na naman ito kaya lantad ang mahaba at maputing binti. Naka-hanging blouse kaya kitang-kita ko ang makinis nitong pusod.
"Justin!" naiinis na usal ko. Sarap niyang balatan ng buhay. Ke pangit-pangit naman ng lalaking 'yon pero bakit magkandarapa itong si Shine? Wala nga 'yan sa kalingkingan ko! Pustahan, ang liit lang ng kargada niyan. Iyong gising na ang alaga niya, sa akin tulog pa.
--------------

[Shine POV]

Nakatulala ako sa TV. Si Justin ang kumakanta. Actually, invited din ako sa entertainment show na 'yan pero tinanggihan ko. Hindi dahil sa ayaw ko silang makasama ni Hailey pero dahil busy ako. Binayaran ako ni Tito Sky para lang maging private nurse ni Sun.
Napatitig ako sa mukha ni Justin nang i-focus ng camera. Gwapo naman ito pero hindi lang naman 'yan ang nagustuhan ko sa kaniya noon. Napabuntonghininga ako. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit minahal ko siya kahit na ilang ulit pa niya ako sinaktan at niloko. Nakipagbalikan pa nga ako sa kaniya pero nagpakasal lang pala siya sa iba. Kinapa ko ang sarili. Well, nasaktan ako sa nangyari pero hindi dahil sa mahal ko pa siya. Ewan ko ba, parang balewala na sa akin ngayon kapag makasalubong ko sila.
"Ehem!"
Napatingala ako sa lalaking nakapamewang at nakatayo sa harapan ko.
"Sun? Saan ka galing?" tanong ko. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko naman makontak dahil naiwan pala niya ang cellphone rito sa center table.
"Bakit ka nagtatanong?" blangko ang mukhang tanong niya.
"Malamang nag-aalala ako, 'di ba?" naiinis na sagot ko.
"Really? Matapos mong mapatulala kay Justin, sabihin mong nag-aalala ka?"
"Pinagsasabi mo?" inosenteng tanong ko.
"Tanggi mo pa? Sige, alam mo bang kanina pa ako nandito? Ne hindi mo nga sinagot ang tanong ko dahil busy ka sa Justin mo!" sumbat niya.
"K-Kuwan... Kasi may iniisip lang ako," depensa ko pero mukhang hindi siya kumakagat dahil mas lalong naningkit ang kaniyang mga mata.
"Alam mo, Shine, hindi mo naman kailangang i-deny e. Walang masama kung aminin mo! Isa pa, problema mo na iyon kung magpakatanga ka kay Justin! Pero ang pinakaayaw ko ay ang lokohin mo ang fans mo lalo na ako!" mahabang litanya niya.
"Lokohin?" ulit ko.
"Bakit? Hindi ba? Ano ang tawag mo sa nangyayari? Hindi ba't panloloko? Nandito ka sa pamamahay ko at puro ka Justin!"
Napa-smirk ako. Medyo uminit na rin ang ulo sa pinagsasabi nito.
"Oo, niloloko ko ang fans ko pero ikaw? Bakit kita lolokohin? Tayo ba?" tanong ko kaya natigilan siya pero biglang nakabawi at namula ang buong mukha.
"Oo! Walang tayo!" sigaw niya. "Alam kong walang tayo! Masaya ka na Walang tayo!"
Hindi ako umimik. Nakatingala lang ako sa kaniya.
"Kumain ka na," kapagkuwa'y wika niya.
"Sabay na tayo," sabi ko para hindi na humaba pa ang usapan.
"Ayaw ko. Kumain na ako," sagot niya. "May dala akong ulam kaya kumain ka na."
"Nagluto ako ng adobo. Kagabi kinukulit mo akong magluto tapos ngayong ginawa ko, ayaw mo na?" sumbat ko.
"Ikaw na lang ang kumain ng dala kong sinigang at ako ang kakain ng adobo kaya tumayo ka na riyan," pagsuko niya at nauna na sa kusina.
Tumayo ako at inayos ang sarili saka sumunod sa kaniya.
Kumuha ako ng plato namin saka naupo sa harapan niya para kumain na. In fairness, masarap ang ulam. Hindi na ako umimik pa dahil hindi na rin siya nagsasalita.
Malapit na akong matapos nang magsalita si Sun.
"Kung hindi mo kayang pakawalan si Justin, umalis ka na sa pamamahay ko at magpakatanga sa kaniya! Kung sabagay, okay lang naman sa 'yo na dalawa kayo, 'di ba?"
Tumigil ako sa pagkain at hinarap siya.
"Wala ka na bang ibang sabihin?"
"Meron!" sagot niya. "Marami!"
"Pinagdadrama mo riyan?" tanong ko.
"Mahal mo pa ba si Justin? Kung oo, umalis ka na sa unit na ito, Shine! Tama na ang lokohan!"
"Ba't kita lolokohin? Eh, wala namang tayo, 'di ba?" matapang na tanong ko at sinalubong ang nagbabaga niyang mata.
"Putang ina! Inulit mo pa? Nakadalawa ka na, ah!" singhal niya at pabagsak na inilapag ang kutsara sa mesa. "Lumayas ka sa harapan ko at huwag ka nang magpakita kahit kailan! Tanga ka naman talaga at masyado kang martyr!" malakas na sigaw niya sabay turo sa pintuan.
Hindi ko kaya kumilos. Sa totoo lang, nasindak ako sa boses niya. Para siyang dragon na anumang oras ay lalamunin ako.
"Ano pa ang tinitigil-tigil mo? Lumayas ka na sa pamamahay ko! Ayaw ko ng walang kuwentang babae!" Utos niya. Ilang beses akong kumurap habang nakatitig sa mukha niya. Pinagtatabuyan niya ako sa pamamahay niya.
Wala sa sariling tumayo ako at walang pasabing tinalikuran siya saka mabibigat ang mga hakbang na tumungo sa kuwarto ko. Huli na nang mamalayan kong umiiyak na pala ako. Isinara ko ang pinto at dumiretso sa kama. Ngayon lang ako ininsulto at sinigawan ng ganito. Ang sama niya! Padapang nahiga ako at isinubsob ko ang mukha sa unan saka hinayaang umiyak nang umiyak. Nasasaktan ako. Hindi naman dahil sa mga sinabi niya kundi dahil sa tono ng boses niya.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. May mga yabag na palapit sa kama ko pero hindi ako kumilos.
Nang maramdaman kong naupo siya sa kama, mabilis na pinahidan ko ang mga luha ko at tumayo saka lumapit sa closet. Kung pinapalayas na niya ako, wala na sigurong rason pa para manatili ako rito.
Kukunin ko na sana ang damit kong naka-hanger nang maramdaman ang mainit na mga kamay na yumakap sa bewang ko.
"I-I'm sorry," mahinang sabi niya na malapit sa tainga ko.
Sapilitang tinanggal ko ang mga kamay niya saka hinarap siya.
"Aalis ako pero hindi mo na ako kailangan pang sigawan at palayasin pa!" matapang na sabi ko.
"S-Shine kasi--"
"Kung gano'n kababa ang turing mo sa akin, wala na akong magagawa pa pero wala kang karapatang sigawan ako!" Sinalubong ko ang mga mata niyang hindi na galit.
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntonghininga.
"I-I'm sorry. Kasi busy ka kay Justin mo kanina. Ne hindi mo nga ako napansin na pumasok tapos sabihin mo pang walang tayo?" paliwanag niya.
"Kailangan mo ba talaga akong sigawan, Sun?"
"Masama ang loob ko, Shine!" naiinis na sabi niya. "Palagi na lang si Justin!"
"So?" tanong ko. "May karapatan ka nang sigawan ako?"
"Nagseselosakosakaniya!"
May sinabi niya pero hindi ko maintindihan.
"Ano ang sinabi mo?" tanong ko.
"Wala," sagot niya at iniwas ang mga mata. Namumula pa ang buo niyang mukha.
"May sinabi ka e! Ano 'yon?" curious na tanong ko.
"Wala nga eh!" sagot niya na salubong na ang kilay.
"Ayaw mong umamin?" singhal ko.
"Ang sinabi ko--" Napangiwi siya saka pati tainga ay namumula na... "S-Sabi ko--Putang ina!" pagmumura niya.
"What? Iyon ba ang sinabi mo? Minura mo ako kanina?" bulalas ko at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi ah!" mabilis niyang tanggi at napakamot sa ulo. "Hindi 'yon. Kasi ano--" Inaabangan ko ang sasabihin niya pero sa halip na dugtungan, napabuntonghininga na lang ito.
"Bahala ka kung ayaw mong sabihin! Aalis na ako. Tutal, okay ka naman. Sana maging masaya ka na sa paglisan ko," sabi ko at muling humarap sa closet.
"Nagseselos ako kay Justin!" Napilitang sabi niya kaya nabitin ang mga kamay ko sa ere na kukuha na sana ng damit. "Huwag kang humarap!" sabi niya nang akmang haharap na sana ako sa kaniya.
"Nagseselos ako kay Justin dahil mahal mo pa rin siya."
Hindi na niya ako napigilan nang harapin ko siya pero siya naman ang mabilis na tumalikod sa akin para itago ang mukha.
"B-Bakit ka nagseselos?" tanong ko sa mokong na walang balak na harapin ako.
"Psh! Huwag ka na ngang magtanong!" pagsisinuplado niya.
"Fine! Aalis na ako!" sabi ko. Agad na humarap siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Bakit ka nagsesel--uhmp!"
Bago ko pa natapos ang itatanong ko, sakop na niya ang mga labi ko habang hapit ang bewang ko kaya nanigas ang buong kong katawan. Hindi ako makakilos kaya hinayaan ko lang na angkinin niya ang mga labi ko hanggang sa magsawa siya at pinakawalan ako.
Nagtatanong ang mga matang tiningala ko siya.
"Hindi mo pa rin ba naintindihan, Shine?" tanong niya.
"H-Hindi," naguguluhang sagot ko.
"Ang alin ang hindi mo naintindihan? Ang pagseselos ko? O ang pag-angkin ko sa 'yo?"
"Mula ngayon, ayaw ko nang may kahati kaya hindi ka aalis sa teritoryo ko hanggat hindi kita pinapakawalan! Pero pasensiyahan na lang, wala akong balak na bitiwan ka!" seryosong sabi niya saka tinalikuran ako at naglakad palapit sa pinto. Palabas na sana siya pero tumigil siya at lumingon sa akin.
"Pasalamat ka, kakatuli ko lang!" wika niya saka pabagsak na isinara ang pinto kaya naiwan akong naguguluhan.

A/n:
Nakapag-update na rin... Hindi kasi na-save ang nasulat ko. Slow update po 'to kasi busy ako kaya hindi ko alam kung kailan ang next update.

Stupidly EngagedWhere stories live. Discover now