Chapter 6: Welcome!

221 26 5
                                    

Chapter 6: Welcome!


MIA'S POV


Kasalukuyan akong nagpapack ng mga orders ng customer ko habang nanonood ng That thing called tadhana. Sabi kasi ni Kuyang nagbebenta, pag broken hearted daw to. Malay nyo naman makatulong. Kaya kahit inuto ako ni kuya na singkwenta to, (kahit alam kong bente lang sa iba), eh binili ko parin. Aba. Pano kung isang movie lang pala ang makakapag heal ng isang broken heart?


Pero alam ko namang hindi. Okay fine sige. Ako na nagsasayang ng pera at oras.


Napatingin naman ako sa hagdan nung marinig kong lumabas na ng kwarto si Kong. At ang loko, may panis na laway pa. Kadiri talaga.


"Anong ginagawa mo?" he asked when he saw me packing my customers' orders.


"Naglalaba." I answered sarcastically. "Gets mo yon? Hawak ko garapon at paper bag tapos nasa harapan ako ng tv? Paglalaba ang tawag dito." I added. Pfft.


Hindi naman sya napikon or wut. Umupo lang sya sa tabi ko at kinuha yung isang tupper ware ng crinkles. "Pano ba gagawin dito?" He looked at me seriously. "Tulungan na kita."


I smiled at what he said and gave him all the jars. "Ilagay mo lang sa isang paper bag yung nakalista, tapos, tapos na. xD Thank you Kong! Nonood muna ko ha!!" Sabi ko at saka umupo sa sofa.


Hindi naman nagtagal ay napatingin ako kay Kong dahil napansin kong hindi sya gumagawa. Nakatingin lang sya sakin ng masama at saka sinabing, "Seryoso ka bang ako lahat gagawa nito?"


Tch. Kala ko pa naman gagawin nya na lahat. Parang 37 jars at 15 tupper wares lang naman ang isosort out nya, tapos... Hmp.


Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sahig at tumahimik nalang habang nanonood at ginagawa ang dapat kong gawin.


Maya maya, hindi na ko gumagawa ng trabaho ko nang madala na ko sa pinapanood ko.


Parang ako kasi si Macey. Kahit ano atang bagay na makita ko eh may alaala namin ni N. Kahit simpleng unan, may meaning. Kahit plato, may memories.


Kaya pano ko makakalimot kung kahit saan ako tumingin, sya ang naaalala ko?


"Alam mo na ngang broken hearted ka, mga ganyang palabas pa ang pinapanood mo."


Napatingin ako kay Kong at nakita kong patuloy parin sya sa pag sosort out ng orders. "Ang dami dami naman kasing rason para sumaya, iniisip at iniisip nyo parin yung mga bagay na ikalulungkot nyo. Imbis na kalimutan nyo nalang yung mga bagay na hindi na pwede uling mangyari, pilit nyo paring inaalala at inaasahang mangyayari ulit yun."


Tiningnan ko sya ng masama. "Wala ka kasi sa sitwasyon namin. Hindi mo pa nararanasang mawalan, kaya madali para sayo ang sabihin yan." I smiled fakely. "Buti nga ikaw nag kaamnesia ka eh. Wala ka ng pinoproblema, wala ka ng naaalala, wala ka ng iniintindi." I paused. "Pero pano naman ako? Nagkaamnesia nga, tandang tanda naman yung mga bagay na sana nakalimutan nalang. Hay. Ang hayop naman ng tadhana."

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now