Chapter 27: An argument with Hyuk

142 17 6
                                    

Chapter 27: An argument with Hyuk


HONGBIN'S POV


Pagtapos kong sabihin yun kay Mia ay di na sya nagsalita ulit. Medyo kinakabahan nga ko kasi baka mamaya naoffend sya sa biro ko na bakla si Hyuk. Pero biro lang naman yun! Muhka kasing may bumabagabag sakanya kaya pinapasaya ko lang sya. Eh kaso mo epic fail naman.


At sa hindi ko na mabilang bilang na pagkakataon ay tumunog na naman ang cellphone ko. Ano ba kasing kailangan nya bakit ba kanina pa sya tawag ng tawag? -______- Nakakainis na.


Dinecline ko ang tawag ni Mama saka tiningnan ang mga messages sa cellphone ko. Bali naka 24 missed calls sya, tapos 5 messages.


But, who cares?


I was suppose to click the home button, pero bigla kong naopen ang conversation namin ni Mama.


And there, I saw her messages.


From: Mama

Hongbin anak, please answer the phone. Meron akong napakahalagang sasabihin sayo. Please sagutin mo yung tawag ko.


From: Mama

Lee Hongbin, for pete's sake answer my call. It's urgent!


From: Mama

Hongbin please stop that attitude! Punong puno na ko sayo! Wag mong bastusin ang nanay mo ng ganito!


From: Mama

Leave that house and come with me. Please son. I'm begging you. You have to leave this place. I bought a new house at Jebu. Sumama ka na sakin.


From: Mama

Please Hongbin anak. Wag ng matigas ang ulo.


Wow. Seryoso? Ano namang pumasok sa isip nya at bigla bigla nya nalang akong pinaalis sa bahay na to?


Sabagay. Ganyan naman si Mama. Mahilig sa agad agad.


Ako nga pinaalis ako sa ospital agad agad eh. Tss. Nagtaka pa ko.


Itinago ko nalang ang cellphone ko sa bulsa at nginitian si Mia. "Hoy malas, gusto kong pumunta sa may bridge malapit dito. San ba yun? Yung malaking bridge. Nalimutan ko tawag."


Hindi naman sya lumingon sakin. Matamlay parin yung muhka nya. "Ayoko." She answered. "Ikaw nalang mag isa. Uuwi na ko."


Tumayo na sya sa kinauupuan nya pero hinila ko agad ang braso nya upang mapigilan sya.


Seryoso? Nasaktan talaga sya sa sinabi kong bakla si Hyuk?


VIXX FF: EternityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin