Chapter 12: Maling akala?

161 20 4
                                    

Chapter 12: Maling akala?

HYUK'S POV

"Yahh.. Tiffany Hwang." Tawag ko kay Tiffany nang makita ko syang naglalakad sa school grounds. Tumigil naman sya sa paglalakad saka nilingon ako.

"What?!" Irita nyang tanong kaya sinabi ko na sakanya ang dapat kong sabihin, straight to the point.


"Nung nasa sementeryo kayo ni Hongbin hyung.." Panimula ko na nag pagulat sa muhka ni Tiffany. "Kinekwento mo parin sakanya yung mga nangyari sainyo dati, tapos sinasagot mo yung mga tanong nya na alam mo yung sagot." I looked at her seriously. "Pero kahapon, nakwento nya sakin na ayaw mo na raw magsalita. Bakit bigla ka nalang nanahimik? Ano bang ayaw nyong malaman ni Hongbin hyung?"

Tuluyan ng humarap sakin si Tiffany saka nagcross arms. "And who are you to butt in to other people's business Mr-- H--" bigla nalang syang natawa.


Anong nakakatawa? "See? Hindi ko naman alam yung pangalan mo. Ang alam ko lang classmate kita, boardmate, but I really don't know who you are. Saka ka nalang magtanong kung may karapatan ka ng makisawsaw." She sarcastically smiled. "Get it?"


Ouch. Ang sakit naman.


Lumakad na sya papaalis, pero bigla ulit akong nagsalita.


"You can trust me." Sabi ko saka lumingon sakanya. "Gusto ko lang malaman kung ano ba yung rason kung bakit ayaw nyong ipaalam kay Hongbin hyung ang nakaraan nya. I-I can help."

At sa pangalawang pagkakataon ay humarap sya ulit saakin. "At pano naman ako makakasiguro na mapagkakatiwalaan kita?"

Ngumiti ako ng malapad sa sinabi nya. Unti unti akong naglakad sa harap nya saka inilapit ang labi ko sa tenga nya. "Naalala mo yung midterms natin sa major? Nahuling may kodigo si Yoona. Sinabi nyang kasama ka nya pero walang naniwala sakanya kasi dean's lister ka. Alam kong kasama ka ni Yoona na nandaya, at alam kong ikaw ang may pakana ng lahat, pero hindi ko sinabi na may alam ako. Sapat na bang rason yon para pagkatiwalaan mo ko? See, kaya kong itago ang sikreto mo."

She looked so surprised ng malaman nyang alam ko ang tungkol sa pandadaya nya. Pero matapos ang ilang segundo ay napatawa nalang sya.


"Wala akong alam sa sinasabi mo."

Natawa nalang rin ako. Wala daw alam. "You know what? Kung wala ka namang magandang sasabihin sakin, I gotta go. Nagsasayang lang ako ng oras sa mga katulad mong peasant!"

Lol. At ako pa ang peasant. XD


Inirapan nya ko saka tumakbo na sya papalayo, pero habang nakatungo syang tumatakbo ay nanlaki ang mga mata ko ng may makitang motor sa harap nya kaya't agad akong tumakbo at iniiwas sya sa motor.


And I ended up hugging her.


"TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO PUNYETA MAPAPABAYAD PA KO NG WALA SA ORAS EH!" Sigaw ng driver ng motor kaya't kumawala ako sa yakap at tinignan sya.

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now