Chapter 11: Wallet

163 23 1
                                    

Chapter 11: Wallet


MIA'S POV


Naglalakad lakad ako sa palengke habang tumitingin tingin ng gulay. Masyado na kasi akong buryong buryo kakakain ng de lata, at isa pa masama daw yung puro ganun ang kinakain kaya naisipan kong magluto, Thanks to the Recipe Book na binigay sakin ni Hyuk.


"Hija? Oo ikaw nga hija!"


Napalingon ako sa tabi ko at nakakita ako ng matandang babaeng nakangiti sakin. Okay. So ako ba yung tinatawag nya?


"Naku kamusta ka na hija? Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?"


Teka, Wait. Lumingon ulit ako sa tabi ko to make sure that she's referring to me.


At nung malaman kong ako nga lang ang nag iisang posibleng kausap nya ay tiningnan ko syang maigi. Is she one of my relatives? Or.. She's my grandmother?


Nahalata nya naman ata ang pagkaconfuse ko kaya naman lumapit sya sakin at nagpakilala.


"Ako yung tinulungan nyo ng nobyo mo hija.. Nung holdapin kami ng apo ko, iniligtas nyo kami. Nahiwa pa nga ng kutsilyo yung kasintahan mo sa balikat eh. Hindi mo ba natatandaan?"


I remembered everything about N, but how come I can't remember what this grandma is saying?


"Naku sorry po lola." I said. "Naaksidente po kasi ako. Nagkaron ako ng amnesia.."


Nakita ko ang lungkot at awa sa muhka ng ale. Ganun ba kami kaimportante sakanya?


"Kawawa ka naman ineng.. Okay ka na ba? Yung nobyo mo.. Kamusta na? Sigurado sobrang nag alala yun nang maaksidente ka.. Naaalala mo pa ba sya?"


Oo. Naaalalang naaalala ko po. "O-okay naman po sya.. Kahit papano.. N-naaalala ko pa naman po.. sya.." I lied.


Nakakasawa na rin kasing sabihin sa lahat na wala na sya, dahil ako rin mismo ang naiiyak. Ako rin mismo ang nasasaktan.


Pinilit kong maging matatag sa harapan ng ale. Pinilit kong hwag munang umiyak.


Tama na. May ibang araw pa.


"Sya nga pala.. Matagal ko na kayong gustong makita dahil ibabalik ko sana ito sainyo."


Napatingin ako sakanya at may kinukuha syang kulay brown na parisukat sa bulsa ng saya nya.


Iniabot nya sakin ang isang wallet habang nakangiti.


"Wallet yan ng nobyo mo hija.. Nalaglag nya yan habang nilalabanan nya yung holdaper. Matagal ko na sanang gustong ibalik yan sainyo kaso hindi ko kayo makita kita. Ayan. Pakibalik nalang."

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now