Chapter 29: It's Okay

140 15 5
                                    

Chapter 29: It's Okay


MIA'S POV


Mahimbing akong natutulog sa kwarto ko nang bigla nalang akong nagising. Nanaginip kasi ako na mahuhulog daw ako. Mahuhulog kay Kong. Hahaha. Kaya ayun nagising agad ako. Dahil hindi maaari. Sumapi man sakanya si N, ay kay N dapat ang pagmamahal ko at hindi sakanya.


Pero paglabas ko sa kwarto ko ay nakaaninag agad ako ng mahinang ilaw sa sala. Patay lahat ng ilaw sa bahay pero parang bukas ata yung tv sa baba?


T-teka... W-wala namang.. M-multo dito diba?


Gaga! Malamang wala. Sinong multo ba naman ang mag bubukas ng TV at manonood ng alas dose ng hating gabi.


SHIT. ALAS DOSE?!


Pilit kong nilunok ang takot ko saka napailing iling. Hindi ako dapat matakot, or else baka maihi ako sa kama ng wala sa oras.


P-pero teka..


Pano kung si Kong to? O-o di kaya si Hyuk.. T-tapos... T-tapos nanonood ng porn-- OMG OTTOKAJI HUHU HINDI NAMAN SILA SIGURO GANUN KABABOY DIBA ?! Pero teka. Mailabas nga ang cellphone. Para may pang blackmail ako sakanila HAHAHAHAHHAHAHA


Tuluyan na kong bumaba sa sala pero imbis na makita kong may nanonood ng porn sa baba, ay nakita ko si Kong na umiiyak habang umiinom ng.... Ng.. Alak?


Napalunok ako ng laway at nanigas sa kinatatayuan ko.


Bakit naman sya umiiyak at umiinom ng ganitong oras?


"K-kong?"


Sandali syang napatigil sa pag iyak ngunit mas lalo itong lumakas ng makita nya ko.


T-teka.. B-bakit ako?


Nakita kong napasabunot sya sa sarili nya at sinisimulan nya ng saktan yun sarili nya. H-hala! Teka! Ano ba kasing problema?!


Lumapit agad ako sakanya, pero imbis na tumigil sya ay natamaan pa ko sa nguso ng braso nya. Aray naman. Grabe mag amok to ah. Buti nalang hindi ganun kalakasan, kundi kinaltukan ko na talaga to.


Wala na kong choice kundi yakapin sya.


Napalunok ulit ako nung biglang makuryente yung katawan ko. Pero kahit papano tumigil sya nung yakapin ko sya kaya di na ko umalis.


Iyak lang sya ng iyak.


"Shhhh. Tahan na. Ano ba kasing nangyari?"


Pero imbis na sumagot ay niyakap nya rin ako pabalik at saka umiyak muli.


VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now