Chapter 9: WAR

215 23 3
                                    

Chapter 9: WAR

MIA'S POV


Inis na inis ako nung umuwi si Hyuk. Kawawa kasi sya. Galing sa bahay ng kaklase nya para gumawa ng thesis. Binilin nya raw kay Kong yung mga sinampay nya dahil wala ako. At ang loko, hindi man lang kinuha at ipinasok sa loob yung mga damit ni Hyuk. >______< Nabasa tuloy yung uniform nya, wala syang masusuot. Aish!


Napakaresponsable talaga ni Kong. Napakamaaasahan. -_______-

"Itapat mo nalang sa electric fan Hyuk. Tapos paplantsahin ko nalang pag di parin tuyo. Sayang naman, baka pagalitan ka pa ng teacher mo." Sabi ko sakanya habang pinapagpag yung uniform nya.

"Talaga Mia? Sige, salamat talaga. Pasensya na sa abala." Nahihiya nyang sagot sakin.


At speaking of the devil, ang demonyo'y lumabas na sa lungga nya.

"HOY KONG!" Sigaw ko sakanya kaya't napatingin sya sakin. "YUNG MGA SINAMPAY NI HYUK! BINILINAN KA KAHAPON, DI MO NAMAN KINUHA! WALA TULOY SUSUUTING UNIFORM SI SANGHYUK NG DAHIL SAYO! HAY!! MAPAGKAKATIWALAAN KA TALAGA." I said sarcastically.


At ang ugok hindi man lang nag sorry. Daredarecho lang habang inaayos yung polo nya.


Pero teka. San na naman pupunta tong lokong to?! Hay. Kapal talaga ng muhka.

"Hoy malas.. Alam mo ba kung pano pumuntang Exo Memorial Park?"


Aba. At may gana pa syang magtanong na para bang walang nangyari. Bahala ka sa buhay mo oi! Chaka di ko naman alam yun HAHAHA.

"Sakay ka lang jeep hyung, tas sabihin mo sa driver ibaba ka sa Exo Memorial Park." Sagot ni Hyuk kaya naman napatingin ako sakanya. Hay. Ang bait bait talaga nya. Winalangya na nga sya netong ugok na to, sinagot nya pa yung tanong. Hay. Magkaibang magkaiba sila ni Kong.

"San ka naman pupunta?!" Inis kong tanong dahil di narin ako nakapag pigil.

"Birthday." Tipid nyang sagot tapos nakita kong biglang napatawa si Hyuk.


Okay anong meron? Chaka birthday? Akala ko ba may amnesia tong si Kong?

"Geh una na ko." Paalam nya at saka umalis na ng bahay. Si Hyuk naman natatawa tawa parin.

"Oh.. Anong tinatawa tawa mo dyan?"


Napatingin naman sya sakin at nagpigil. "Wala lang. Ang laki talaga ng galit nyo sa isa't isa noh? Lagi nalang kayong nagbabarahan. Hahaha!"


Di ko naman nagets yung sinabi nya, kaya nung maramdaman nyang wala kong maintindihan ay umubo sya saglit at tumingin sakin.

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now