Chapter 24: Good Friend?

141 21 3
                                    

Chapter 24: Good Friend?


3RD PERSON'S POV


Nagpafoundation pa si Tiffany habang nagmamadaling lumakad palabas ng Boarding House dahil sa dalawang rason. Una, ayaw nyang makasabay si Hyuk dahil hindi nya alam kung anong gagawin nya kapag nakapag eye to eye contact sila. Natatakot syang makasuhan ng rape dahil ayaw nya pang makulong at may pangarap pa sya sa buhay. At ikalawa, ayaw nyang makasabay si Hyuk. Ayaw nya talaga. Ayaw nya nga ba?


"AY KALBO!" Napasigaw sya nang makabangga sya ng isang lalaki, dahilan para malaglag sa sahig ang foundation at ibang make-up kit nya. Napatitig sya ng masama sa lalaki, ngunit agad itong binawi nung malaman kung sino ito.


"R-ravi?" Nakita nyang masama rin ang tingin ng binata sakanya.


"Oo na, ako na! Ako na! AKO NG KALBO! Pero semi lang naman ah?! Hard mo talaga sa gwapo!"


Tuluyan ng napakunot ang noo nya dahil sa sinabi nito. "Gwapo? Hays. Nakakainis naman. Nakakasira ka ng umaga."


Napatawa si Ravi saka tinignan si Tiffany mula ulo hanggang paa. "Alam mo, palagi ko talagang iniisip kung bakit sa dinami dami ng pwede mong gawin sa buhay matapos natin gumraduate, eh pag aaral ulit ang naisip mo. Kala mo naman kinatalino mo yan."


Bumawi naman si Tiffany. "Alam mo, palagi ko talagang iniisip kung bakit sa dinami dami ng pwede mong gawin sa buhay matapos natin gumraduate, eh pangengealam ng buhay ng may buhay ang naisip mo. KALA MO NAMAN KINAGWAPO MO. UMALIS KA NGA SA DINADAANAN KO!"


Inirapan ni Tiffany si Ravi at naglakad na papaalis, ngunit bigla syang napatigil nang magsalita ulit ito.


"Pero Tiffany." Tawag nito sakanya. "Wala ka na namang sinasabi kay Hongbin diba?"


Napabuntong hininga ang dalaga habang tumatango tango kahit na hindi ito nakikita ng kausap. Sa isang iglap lang ay nagbago ang mood nya. "Simula ng sabihin mo sakin yung rason, Hindi na ko nagdalawang isip na magsalita tungkol sa nakaraan nya. Don't worry. Makakaasa ka."


Napangiti si Ravi sa sinabi nito, habang si Tiffany naman ay lumakad na rin paalis ng bahay.


**


"Tao po?" Sabi ni Ravi nang makapasok sa Boarding House. Hindi naman kasi uso sakanya ang katok at doorbell kahit meron naman sa may pintuan. Basta na lamang syang dumarecho sa loob. Ravi yan eh.


Napasilip naman ang nag nenecktie na si Hyuk nang marinig ang isang malalim na boses na umalingawngaw sa kanilang bahay. "Sino po sila?"


Napatingin si Ravi kay Hyuk at ganun din naman si Hyuk kay Ravi. Bumaba agad ito nang makita ang bisita saka pinaupo ito sa sofa.


"Ah, bestfriend ako ni Hongbin. Andyan ba sya? May pinapabigay kasi yung mama nya, iaabot ko lang sana."

VIXX FF: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon