Chapter 22: Forbidden Love

154 21 2
                                    

Chapter 22: Forbidden Love


HONGBIN'S POV


"Hongbin!"


Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng restaurant at saka ko nakita si Tiffany na kumakaway sakin.


"Dito." senyas nya kaya naman lumapit ako sa pwesto nya at umupo sa tapat nya.


"Uhmm.. Order muna tayo?" Yaya ko na sya namang nagpatango at nagpangiti sakanya.


Umorder naman agad kaming dalawa. Nung una nga, yung pinakamura ang pinili nya kasi nahihiya daw sya. Kaya naman ako na ang nag kusa at inorder ko nalang lahat para makapili sya,


Tapos yung tira kay Mia. HAHAHA!


"Estudyante ka pa pala?" Tanong ko saka humigop sa iced tea na ibinigay saamin ng waiter. "So ibig sabihin, nag aaral palang din ako?"


She shook her head. "4 years ka ng-- I mean tayo na graduate ng college. Nag aral lang ulit ako right after graduation natin ng ibang course kaya ayun. Graduating narin naman ako."


Napatango tango ako. "Ano bang course mo ngayon?"


"HRM."


Hrm? Diba ganun din yung course ni Hyuk?


"Talaga? So parehas pala kayo ng kinukuha ni Hyuk? Graduating na rin yun eh."


Iinom ulit sana ako ng iced tea na nasa baso ko, nang makita kong napatungo si Tiffany at saka namula.


Hmm. What's.. Wrong?


"C-classmate ko.. S-si.. H-hyuk." Nauutal nyang sagot which made her actions weirder.


Okay. Classmates sila, pero hindi sila nagpapansinan sa bahay. Hindi ko nga rin inakalang may koneksyon sila sa isa't isa.


"Eh bakit hindi kayo nagpapansina--"


"Kamusta naman kayo ni Mia?"


Napatingin ako sakanya matapos nyang ibahin ang usapan. Sus. Bat naman nadamay si Mia dito?


"Okay lang. Medyo nabobother ka ba sa tuwing nag aaway kami sa bahay? Kasi malay mo di ka lang nagsasalita o nagrereklamo pero naiingayan ka na pala sa bunganga nya." Lumapit ako sakanya saka bumulong. "Medyo may saltik kasi yun sa utak kaya mabilis mag wala. Kaya ayun. Kung may problema ka sakanya, sabihin mo agad kay Bobby hyung. Ireport natin yun ng mapatalsik na." Sabi ko at tuluyan ng napatawa.


Napatawa din naman sya sa sinabi ko. O diba. Hindi lang ako ang may problema sa babaeng yun.

VIXX FF: EternityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt