Chapter 8: Friends?

179 23 6
                                    

Chapter 8: Friends?

 

HONGBIN'S POV

 

"UI ANO BA KONG TARA NA KASI GUGUPITAN NA KITA TIGILAN MO NA YANG PAG TETEKKEN MO!"


Pinasok ko yung daliri ko sa tenga ko at nilinis ito. "Sabi ko nga kasi sayo, ayoko."

 

"EH BAT BUMILI BILI PA KO NG MGA GAMIT KAHAPON?! KONG NAMAN KASI, KUNG PINIPIKON MO KO, FINE! NATUPAD NA YUNG GUSTO MO! KAYA UTANG NA LOOB, WAG KA NG NUKNUKAN NG ARTE ANG HABA HABA NA NG BUHOK MO, AMPANGET PANGET MO, ANG SAKIT SA MATA NG ICHURA MO."


Napangiti ako ng kaunti sa sinabi nya. Pfft. Ang sarap talaga asarin ng malas na to.

 

"Fine, do what you want. Basta dito lang ako, maglalaro." Sagot ko habang pinagpapatuloy ang pagpeplay station.


Napangisi ako nung makita kong mag usok ang ilong nya. "WTF ANO BA ?! MAGUGUPITAN BA KITA KUNG AYAW MONG UMAYOS?! HAY NAKO BAHALA KA NA NGA DYAN! SAKSAKIN KITA NG GUNTING EH! UGH!"


Tumayo na sya sa pagkakaupo nya sa sofa, pero napatigil sya sa paglalakad nung makita naming lumabas sa kwarto yung bagong boarder.

 

"Anong sinisigaw mo dyan Mia?" Napatingin si Hyuk sa mga hawak ni malas. "Ui may gupitan bang nagaganap dito? Ako rin Mia pagupit! Wala na kong time pumunta sa barber shop eh, ang haba narin nitong buhok ko" Nakangiti nyang sabi habang nagpapacute pa kay Mia.


At si malas naman, napangiti ng abot langit sa sinabi ni Hyuk. Sus. Asa namang magpapagupit talaga yung Sanghyuk na yan. Sino bang lalaki ang gustong ipagkatiwala ang buhok nila sa babaeng wala namang alam na gupitin kundi mga papel lang.

 

"Get on the line dude." Bigla kong sinabi na nagpalingon kay Mia saakin.


Okay. Wtf is happening. Bakit ko sinabi yun?

 

"Geh hyung. Ikaw muna tapos ako sunod, Okay lang ba Mia?" Tanong nya ng nakangiti.


Kanina pa sya ngumingiti, hindi ba napapagod yung panga nya sa ginagawa nya.

 

"Tss. Sino nagsabing gugupitan ko yang buraot na yan? Halika dito Hyuk. Ano bang style gusto mo? Katulad kay Ranz o yung kay Owy??"


And now, she's annoying me.

 

"Wag ka na ngang umarte arte dyan malas. Gupitan mo na ko't aalis na ko maya maya." Seryoso kong sabi habang nakatingin sakanya.


At ang walangya, inirapan lang ako at hinila si Hyuk paakyat ng second floor. "Hyuk may naririnig ka ba?! Tsk. Laganap na talaga ang mga bumubulong na satanas noh? Hay. Tara gupitan na kita. Ayoko dito sa sala, Nakakaimbyerna ang ambiance."


Padabog nyang sinara ang pinto ng kwarto ni Hyuk kaya't napahilamos nalang ako sa muhka ko sa sobrang inis.

VIXX FF: EternityKde žijí příběhy. Začni objevovat