Chapter 7: MyeongSoria

215 26 4
                                    

Chapter 7: MyeongSoria


MIA'S POV


Pagkagising ko nung umaga eh bumaba agad ako sa sala para mag banyo. At sa lahat lahat naman ng unang makikita mo eh yung taong kinaiinisan mo pa. Waw. Umaga palang sira na araw ko. Thanks to Kong.


"Hoy malas, binilin sakin nung manliligaw mo yung binili nyang pagkain para sayo. Yun na daw ialmusal mo." Sabi nya habang nakatingin sakin pero di ko sya pinansin at nagdaredarecho lang sa kusina. Manliligaw daw. Okay. Nambabadtrip na naman sya.


Napatingin naman ako sa mesa at tinanggal ang takip ng kaldero na nakalagay dito.


UHUHUHU T^^^^T Sopas tapos may pancakes pang nakalagay sa plato. Hay naku, hulog talaga ng langit si Sanghyuk.


Pagtapos kong magmumog at maghilamos ay nilantakan ko na yung mga binili sakin ni Hyuk. UWAHHH ANG SARAP NG PANCAKES BAT GANUN?! TAS YUNG SOPAS ANG CREAMY. UWAAAAHH AY LABYU HYUK NA.


"Tapos mo ng kainin yung binili ko?"


Napalingon ako kay Kong at nakita kong nakatingin sya sakin.


"Wag kang ano. Si Hyuk ang bumili nito." mataray kong sagot.


"Biro lang yon. Asa ka namang bibilhan ka non eh hindi nga yun nag almusal, tapos bibilhan ka pa nya? Sakto lang na may naglalako sa labas kanina kaya binilhan narin kita. Alam kong bitter ka parin sa sinabi ko kahapon." Paliwanag nya na syang nagpairap sakin.


Psh. Kung inaakala nyang makukuha nya ko sa pasopas sopas at papancake pancake nya, PWES HINDI AKO GANUNG BABAE NOH!


Inubos ko muna yung pagkain sandali at bumalik na sa kwarto. Inosente naman yung mga pagkain kaya nilantakan ko parin.


Kinuha ko na yung damit ko sa aparador at magreready na kong maligo. May bibilhin kasi ako kaya aalis ako ng bahay. Isa pa ayokong nabuburaot ang buhay ko kaya pansamantalang mag eenjoy muna ko sa labas, kaso habang kinukuha ko yung bra ko eh bigla namang may kumatok sa pinto.


"Malas, buksan mo to, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Kong sa labas.


Lul utut nya. Bahala sya ui.


"Mia, may bayad talaga yung mga kinain mo kaya wag kang magtago dyan at bayaran mo ko. Hindi yun libre wag kang ano. Di ikaw ang special someone ko para ipaghanda kita ng almusal. Special child sa buhay ko na may problema sa pag iisip, pwede pa."


I gritted my teeth and opened the fvckin door. And I saw the devil smiling at me.


"Sabihin mo kung magkano, hayop. Babayaran ko!"


Imbis naman na magsalita ay tinuro nya lang ang buhok nya at ngumiti ulit.

VIXX FF: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon