Chapter 16: Thunders in my heart

183 23 13
                                    

A/N: Hi guys!!! XDD Alam kong maraming nag aabang kay Ken sa storya ko HAHAHAHA. Basahin nyo nalang mabuti yung storya. Malay nyo sa mga susunod na chapter andun na pala sya pero hindi minemention yung pangalan nya. HAHAHAHAH Charot. basta, pasensya na talaga. Pero maganda ganda naman ang role ni Ken dito. HAHAHHA EWAN KO. XDDDDD Salamat! Enjoy reading ♥


**


Chapter 16: Thunders in my heart

 

MIA'S POV


Hindi ako mapakali sa Bus station dahil hindi ko alam kung pano ako makakauwi. Sobrang lakas ng ulan at wala na kong masakyang jeep pauwi samin kaya di ko alam kung pano ako makakarating ng bahay.


Tama si Kong eh. Sana di na ko nagpabebe pa't kinuha na yung punyetang payong. T^^^^T Hay. Di naman ako pwedeng sumigaw dito ng Super Leo, para dumating si Leo dito't tulungan akong makauwi.


Maya maya, bigla kong naisip na makitext at itext ang number ni Hyuk. Oo nga noh?! Saulo ko naman yung number nya! Tsk. Minsan talaga ang bagal mag process ng utak ko eh noh? Syempre gawa ng aksidente yan!. -_____- HINDI AKO PINANGANAK NA BOPLAKS NO. HUHU.

 

"Uhm... Ate?" Tawag ko sa isang babaeng naghihintay rin kagaya ko.


Lumingon naman sya sakin, so I smiled. "Pwede po patext?"


Good thing she's kind so she also smiled at me and handed her phone. Agad kong tinype ang mga salitang:

 

Hyuk, si Mia to nakitext lang. T^^^^^^T Sunduin mo naman ako dito sa Bus Station oh. Huhuhu :((( Bilis! Kanina pa ko dito. Ang lakas ng ulan, gusto ko ng umuwi :(

 

Sinend ko naman ito agad sa number ni Hyuk, and fortunately, nag send naman ito.

 

"Naku ate salamat ng marami! Hulog ka ng langit!" Sabi ko sa babae saka ibinalik sakanya ang kanyang cellphone.


BUKAS NA BUKAS RIN, BIBILI NA TALAGA KO NG SARILI KONG CELLPHONE! HUHUHU.

 

"Uhm.. Ate? Diba sa Excelsis University kayo nag college?" Napatingin ulit ako kay ate para siguraduhing ako ang kinakausap nya, and I saw that she's looking at me so ako nga yung tinatanong nya.

 

"Ako?" Paninigurado ko which made her nod.

 

"1 year apart lang po tayo dati. Mas ahead ka ng year saakin, pero parehas tayong HRM ang kinukuha." She explained. Wala naman akong natatandaang ganun dahil nag kaamnesia nga ako, kaya tumango tango nalang ako, pretending that I remembered what she's saying.

 

"Kamusta na po pala kayo nung boyfriend mo?" She asked, smiling widely. "Hehe. Crush ko po yun dati nung freshmen ako kasi ang pogi pogi eh. xD Nainis nga po ako nung nalaman kong may girlfriend na sya, pero nung nalaman kong ikaw po yun, naging shipper nyo po ako. Hahaha!"

VIXX FF: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon