Chapter 35: Unbelievable Truth

178 23 8
                                    

Chapter 35: Unbelievable Truth


HONGBIN'S POV


Naglalakad ako pababa ng hagdan habang inaayos ang suot suot kong uniform nang bigla akong tawagin ni Mia. Hay. Ayan na naman ang kilabot ko. Ano na namang kaweirduhan nya ang matutuklasan ko ngayon?


"Good Morning Koooonngggg!!" bati nya pero alam kong matapos nya kong makita ay nagtaka sya sa suot suot ko. "San ka pupunta?"


Dumarecho ako sa kusina saka kumuha ng isang french toast na nakahain sa mesa. "Part time job." sagot ko saka kumagat sa tinapay. "Diba nga dineactivate ng nanay ko yung credit card ko? Ayoko namang pumunta sa kanya kasi baka mamaya di na ko makabalik dito."


Napaisip naman si Mia sa sinabi ko ngunit pagtapos nito ay biglang kumunot ang noo nya. "Ikaw? Part time job? Pano ka naman makukuha? May nbi clearance ka ba, 1x1 photo, resume, NSO? Sus. Sinong niloko mo."


Tiningnan ko sya ng seryoso. "Aba malay ko bang kapogian ko lang ang katapat para matanggap ako sa trabaho. Edi wag kang maniwala. Sino namang tanga ang mag susuot ng ganitong uniform na mag gagala gala lang?"


Padabog syang nagpunta sa dining table saka tinitigan ako. "Bat ngayon mo lang sinabi?! Edi sana nag apply din ako! Saka paniguradong di ka tatagal dun! Tamad ka kaya! Tapos mabilis kang mapagod!"


Sinamaan ko sya ng tingin. "Kung makapagsalita ka naman kala mo kilalang kilala mo na ko. Saka bat ba gusto mong lagi nalang tayong magkasama? Ayan ka na naman eh. Tapos kapag tinukso tukso kitang may gusto ka sakin todo deny ka. Ah.. Girls.. Why?!"


Inisnaban nya lang ako saka sya tumayo at umalis sa harap ko. Ako naman kinain ko nalang yung mga pagkaing nakahain sa lamesa tutal wala na naman atang kakain nito. Pero maya maya, biglang lumapit ulit si Malas sakin at binigyan ako ng Lunch Box.


"Anong gagawin ko dito?" tanong ko saka binuksan ito. Nanlaki naman ang mata ko ng makita yung mga bilog bilog na kanin. Haha. Ang colorful naman. Ano to coloring book.


"Anong gagawin mo dyan? Try mong ihampas sa ulo mo--- Hehhehe joke joke joke! Baunin mo yan para di ka na gagastos pambili ng tanghalian mo. Niluto ko yan!!! Kakainin ko sana yan mamayang lunch kasama ka kaso, aalis ka pala eh. Ayan. Baunin mo nalang." sagot naman nya saka ngumiti na naman ng malapad.


Ang creepy talaga. Mas okay na yung babarahin nya ko e. Pero binawi nya agad tapos ang malumanay ng explanation nya with matching angelic smile pa. Parang ayoko na tuloy kainin tong niluto nya. Baka mamaya isang kagat ko palang nangisay na ko. Ayayay.


Tumango nalang ako saka kinuha yung lunch box. At nang matapos akong mag tooth brush eh nag paalam na ko saka tuluyan ng umalis.


Ngayon, mararanasan ko ng magtrabaho para sa sarili ko. Hindi ko alam kung first time ko to, pero kinakabahan ako. Goodluck to me.


**


"Gongchan!" tawag ni Minju sa isa sa mga nagtatrabaho sa Hunhan's Bubble Tea Shop. Boss namin si Minju at sya ang dahilan kung bakit hindi ko na kinailangan magpasa ng mga dokumento sa trabaho. Ma'am Minju dapat talaga ang itawag sakanya pero sabi nya sakin Minju nalang daw. Grabe noh? Ang gwapo ko talaga.

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now