Chapter 18: Jealous?

185 23 8
                                    

Chapter 18: Jealous?


3RD PERSON'S POV


Napalingon lingon si Mia sa paligid pagkapasok nya ng coffee shop, at nang mapansin naman sya ni Leo ay kinawayan sya nito at nginitian.


"Mia!" Bati nya dito.


Ngumiti rin naman at kumaway ang dalaga saka umupo sa tapat nito.


"Kamusta na Leo?" Napatingin sya sa paa nito. "Yung paa mo pala, okay na ba? Anong sabi pala ng parents mo? Hala sorry talaga T^^^^T"


Napangiti si Leo saka minasa masahe ang kanyang paa. "Medyo stable na kong maglakad. Nagulat nga yung Tita ko kasi parang ambilis naman daw ng recovery. Parati ko kasing nilalakad to sa bahay para masanay, at ayun. Minsan nalang sya sumasakit, kaya wag ka ng mag alala." Paliwanag nya saka nginitian ng maliwanag si Mia.


Nabunutan naman ito ng tinik at napabuntong hininga. "Jusko. Thank you talaga kay Lord at mabilis yung recovery mo. T^^^^T Uwaaah. Sorry talaga Leo ah?"


Leo just nodded and smiled again. Hindi kasi mapigilang mapangiti ni Leo, lalo na't magkasundo na sila ni Mia ngayon. "Ah, bago ko nga pala makalimutan." Kinuha ng lalaki ang paper bag na nasa tabi nya at iniabot to kay Mia. "Uhm.. Regalo ko para sayo." Nahihiya nyang sabi saka napatungo.


Nagulat naman si Mia sa regalo kaya't nanlaki ang mga mata nya at nahihiya ring kinuha ito. "Hala, ano to? Saka.. A-anong meron?"


Sinenyasan naman sya ni Leo na buksan ito kaya't wala syang nagawa at binuksan ang paper bag na ito. Mas lalo pang nanlaki ang mga nanlalakihan nyang mata bago dahan dahang inilabas ang kahon ng cellphone sa lalagyan. "C-cellphone? P-para sakin?"


Leo face palmed. "Hindi. Remote control talaga yan para sa tv dito sa Coffee Shop. Paki abot nalang sa waiter, nahihiya kasi ako."


Sinamaan sya ng tingin ni Mia kaya tuluyan na syang napatawa. "Of course Mia, it's yours! Napansin ko kasing wala kang cellphone na gamit gamit or what. Alam mo, cellphone is very important, especially nowadays. Kapag may emergency, kelangan mo ng cellphone para macontact ka. At kapag may meet up ka, kailangan mo ng cellphone para magising ng maaga. Hahaha!"


"P-pero.. I-it's.. e-expensive-"


"Di ko naman papabayaran yan sayo."


"At sino naman nagsabing babayaran ko kung sakaling papabayaran mo nga to?"


Leo just laughed about what Mia said. Pero bigla nalang napapout si Mia at hinawakan ang bago nyang Iphone 6plus. "Pero seryoso ka bang akin to? Alam ko mahal talaga to e-"


"It's yours." Nakangiting sabi ni Leo na nagpatigil sa pag ungot ni Mia. "It's a gift. Saka, ganito talaga ko sa mga kaibigan ko. Kaya tanggapin mo na, okay? Wag ka ng mahiya. It's my way of saying thank you."

VIXX FF: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon