Chapter 30: Their reason

157 17 4
                                    

Chapter 30: Their reason


HONGBIN'S POV


Bumaba na ko sa sala bitbit bitbit ang backpack ko na good for 2 days. Napagdesisyunan ko na rin kasing sumama sa birthday ni Hyuk dahil baka nga sakaling mawala ang stress ko kapag kahit papano'y nagpakasaya ko ng kahit saglit lang.


"Hyung! Mia! Andito na yung bus!"


Napasilip ako sa pinto at nakita ko si Hyuk na dumungaw lang saglit para paalalahanan kami. Lumapit naman kaagad ako kay Mia saka kinuha ang dala dala nyang bag.


"Ako na magdadala nyan." sabi ko sabay ngiti ngunit nawala agad ito nang makitang parang naiilang sya saakin.


Tinanggal nya ang kamay ko sa bag nya saka tinitigan ako. "Di na. Kaya ko na to." tipid nyang sagot saka naglakad na kahit muhka naman syang nahihirapan.


Pinilit ko namang alisin ang mga negatibong ideya sa isip ko. Ah oo. Baka meron lang yan si Mia. Saka lagi namang mainit ang ulo nyan.


Pero.. Parang iba yung ngayon eh. Iba yung aura nya.


Pasakay na kami ng bus pero natigilan ako nung ipahawak nya yung bag nya kay Hyuk.


Wow. Nung ako ang nang aalok ng tulong, ayaw nya. Tapos si Hyuk na wala namang sinasabing tutulungan sya, pinilit nya pang ipabitbit yung bag nya.


Teka.


Iniiwasan nya na ba ko dahil sa nalaman nya ang katotohanan?


Sus. Hindi naman siguro. Diba nga okay lang daw sakanya?


Eh kung ikaw ba ang nasa kalagayan ni Mia at namatayan ka ng minamahal, sa tingin mo okay nga lang ba talaga ang lahat?


Please. Wag naman.


Ngumiti nalang ako at saka sumakay na rin ng bus.


"Ui guys dito ko sa harap uupo ah. Hehe. Namiss daw kasi ako ni Mama eh, pero di ako Mama's Boy ahhh!"


"Baby Hyuk! Ang unico hijo kong sobrang gwapo! O mga kumare gagraduate na yang anak kong yan! Halika na dito baby, sa tabi ni Mommy dali!"


Napatawa kami ni Mia tapos si Hyuk napaface palm lang. "Sige na hyung. Hanap nalang kayo ng upuan dyan ni Mia. Hehe~"


I nodded at pagkatapos nun ay nakita kong umupo na si Mia sa bakanteng upuan. Kaya naman uupo na sana ko sa tabi nya, kaso nilagay nya yung bag dun sa katabi nyang upuan.


I was suppose to tease her pero sinaksak nya na yung earphones sa tenga nya saka lumingon nalang sa bintana.

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now