Chapter 33: What's going on?

166 18 6
                                    

Chapter 33: What's going on?


3RD PERSON'S POV


"Ano Sungjae? Ilang taon pa ba kong maghihintay? Kung wala ka namang mahalagang sasabihin, aalis na ko." Reklamo ni Peniel sa kaibigan saka akmang tatayo na pero bigla syang pinigilan ni Sungjae at minasa-masahe sa likod.


"Tol saglit lang kasi. Sasabihin ko naman pag andito na si Ra-- Speaking of the devil. Demonyo ka talaga! Raveeh!"


Lumakad agad si Sungjae sa may pinto at agad na sinalubong ang kaibigang si Ravi. Masaya pa itong nakipag-apir at fist bump sakanya, ngunit nang marealize nyang andun rin si Peniel ay nawalan na sya ng gana.


"Tch. Bat mo ba ko pinapunta dito?" Tanong nito sa katropa ngunit nang sasagutin na sya ni Sungjae ay biglang nagsalita si Peniel.


"Ano na yung sasabihin mo? Bilisan mo't may lakad pa ko."


Kapwa nagkatinginan ang magkaalitang sina Peniel at Ravi ngunit agad rin nilang iniiwas ang tingin sa isa't isa, kaya naman ang ninenerbyos na si Sungjae ay napahinga nalang ng malalim saka kinausap ang dalawa.


"Tol hindi ko alam kung maniniwala kayo o ano pero tol nakakita ako ng multo!" Panimula ni Sungjae na halatang halata sa muhka nito ang takot.


Saglit na napatawa si Peniel sa sinabi nito. "Sino namang hindi maniniwalang nakakita ka ng multo eh sa sobrang takot mo nahimatay ka? Saka tol di na natapos tapos yang multong yan. Kung yun yung sinasabi mong 'importante mong sasabihin' sakin, naku tol. Hindi ako interesado sa kaduwagan mo. Makakaalis na ba ko?"


Nag agree din naman si Ravi. "Tinigil ko yung chat namin ng ex ko para lang pumunta dito. Tapos tungkol lang sa kabadingan mo yung sasabihin mo sakin? Pare naman. Mauuna na rin ako. Ingat ka nalan---"


"T*** ina guys seryoso ako!" Seryosong sigaw ni Sungjae sa mga kaibigan. "P**a talaga pare. Nawala yung tama ko nung nakita ko sya pramis. Karipas ako ng takbo nun eh!"


"Sino bang multo ang sinasabi mo?" Tanong ni Peniel sa tropa. "Si Suho? Nagpakita sayo? Gago ka kasi ke dami dami mong utang don. Highschool palang hanggang sa nagcollege na tayo't gumraduate di mo na nabayad bayaran yon. Ay talagang susundan at susundan ka ng kaluluwa ng pandak na yun."


Napailing iling si Sungjae habang hinahabol ang kanyang hininga. "H-hindi si Suho yung nakita ko."


"Eh sino?" sabay na sabi nina Ravi at Peniel kaya't kapwa sila nagkatinginan at sa pangalawang pagkakataon ay agad rin nilang inalis ang titig sa isa't isa.


"S-si...." Pambibitin nito, pero ang totoo'y kinikilabutan syang sabihin ang pangalan nito. "S-si.. Sere."


"A-ano?" tanong ni Ravi nang marinig agad ang pangalan na binanggit ni Sungjae.

VIXX FF: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon