Chapter 23: Courting Mia

147 20 5
                                    

Chapter 23: Courting Mia


HONGBIN'S POV


Kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko habang bumababa ng hagdan. Wala si Mia sa sala. Himala ata, mas maaga akong nagising sakanya?


Napatingin ako sa lumabas sa banyo at nakita ko si Hyuk na nagpupunas pa ng buhok habang nakatapis lang ng twalya. Bigla tuloy akong natawa. Pano kaya kung si Tiffany ang nakasalubong neto ni Hyuk? Panigurado merong makakasuhan sa bahay na ito ng rape. Clue: Tiffany ang pangalan.


"May pasok ka?" Tanong ko habang kumukuha ng dutch mill sa ref.


"Wala hyung. Maaga lang talaga kong gumising kasi gusto kitang makausap."


Napatingin ako sakanya.


Biglang tumaas yug balahibo ko sa batok ko nung makita ko yung titig ni Hyuk sakin. Parang.. Parang nagsusumamo ba. Hindi ko maexplain pero may kakaiba sa tingin nya eh.


Teka, alam ko namang pogi ako. Pero.. Hindi naman posibleng...


Bakla si Hyuk diba?


"O-o sige tol. Tungkol saan ba?"


Hindi nya ko sinagot. Umakyat lang muna sya sa kwarto nya para mag bihis.


**


"Hyung.." Tawag nya kaya naman lumingon ako.


"Hmm?"


"Gusto mo ba si Mia?"


Hay. Andito na naman tayo sa tanong na yan. Minsan nga irerecord ko na yung sagot ko. Para pag may nagtanong, ipeplay ko nalang.


"Oo." Sagot ko na nagpalaki ng mga mata nya.


"G-gusto mo s-sya?" Nauutal nyang tanong na nagpaisip sakin ng mabuti.


I slowly nodded as a response. "Gustong gusto."


His lips parted. "Gustong gusto mo si Mia, h-hyung?"


"Oo." I nodded again. "Gustong gustong patayin. Seryoso Hyuk, ano bang nakikita nyo sa mga kilos ko na hindi ko alam? Hindi ko gusto si Mia. Okay?" Disappointed kong pagpapaliwanag.


"You know what? Kung binabayaran nyo ko ng isang libo kada tanong nyo ng ganyan, siguro may pambili na ko ng bagong controller. O kaya nung wii ba yun? Sige nga. Maipolicy na yun nang kumita naman ako."


I saw Hyuk laughed kaya napangiti na rin ako.


VIXX FF: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon