Chapter 21: Pictures from the past

172 24 9
                                    

Chapter 21: Pictures from the past

 

LEO'S POV


Kanina pa kami magkasama ni Mia pero pansin kong wala sya sa mood. Hindi sya nagsasalita simula nung sunduin ko sya sa bus station, tapos nakabusangot pa yung muhka nya.

 

"Mia." tawag ko na nagpalingon sakanya. Pero ganun parin yung ichura nya. Badtrip parin.


Hindi sya sumagot. Naghihintay lang sya ng sasabihin ko habang tinititigan ako ng masama kaya't napalunok ako ng laway at tumuro sa isang malapit na Coffee Shop.

 

"M-muhka kasing b-badtrip ka.. G-gusto mong magpalamig muna? M-may iced coffee dun." Nauutal kong sabi saka iniiwas agad ang tingin ko sakanya. Her gaze is still the same from the past. Hindi parin talaga sya nagbabago.


Lumingon si Mia sa Coffee Shop saka naglakad papunta rito. Kaya naman sumunod narin ako.


**

 

"Shi Kong kashi eh!" Panimula ni Mia habang may carbonara sa bibig nya. She still speaks even her mouth is full.

 

"Sya kasi talaga yung niyaya kong sumama sakin. Tapos hindi sya pumayag dahil aalis daw sila ni Tiffany. I can't believe na pinilit ko sya na ipamove yung pagkain nila sa labas para lang makasama sya. Tapos di parin sya pumayag?! Woahhh.. So ako pa yung nagmuhkang naghahabol. Grabe. Palakpakan." She explained sarcastically while clapping her hands.


Napakunot naman yung noo ko. "Eh.. Mia.. Anong kinaiinis mo dyan? Saka, Bakit kasalanan pa nung.. Nung.. Kong ba yun?!"


She glared at me which made my eyes widened. "So ako pa?! Ako pa yung may kasalanan kung bakit badtrip ako?! Ha. Ayos ah."


Agad akong napailing iling sa sinabi nya. "Hindi sa sinasabi kong ikaw ang may kasalanan. Muhka kasi talagang gusto mo makasama yung Kong na yun kaya ayun, wala kong nakikitang problema."


Napaface palm nalang sya saka napailing iling. "What's wrong with you people?! Bat di nyo maintindihan yung punto ko?! Hay." She sighed then afterwards, she took a bite from her burger.


Napangiti nalang tuloy ako ng sikreto. "Ano ba kasi yung point mo? Iexplain mo. Makikinig ako."


Mas lalong nagbago yung aura nya. Humigop muna sya dun sa green tea na hawak nya bago sya nag salita. "Ang point ko kasi, nakakabawas ng pagkababae ko yung di nya pagtanggap sa pagyaya ko sakanya. Pinilit ko pa sya nun tas di rin pala sya papayag. Nakakainis kaya!!! Pano kung isipin na naman nun na may crush ako sakanya?!? UGH!"


Sasagot na sana ko sa sinabi nya pero bigla ulit syang humirit.

 

"Pero sabagay. Kung alam ko naman sa sarili kong wala talaga kong gusto sakanya, bat ako mababahala. Diba? Tss. Okay na yun. Basta di ko naman talaga sya crush, tapos ang usapan." dagdag nya na syang dahilan para mapapikit pikit ako.

VIXX FF: EternityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant