Chapter 26: Like him

199 18 10
                                    

Chapter 26: Like him


MIA'S POV


Naglakad nalang ulit ako at iginala ang mga mata ko sa loob ng simbahan matapos akong makabangga ng isang babae. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga makita si Hyuk.


DI NAMAN NYA KAMI INIWAN NI KONG DIBA?!


"Malas!"


Napalunok muna ako bago tuluyang lumingon kay Kong.


"O-oh?"


Iniabot nya sakin yung cellphone nya at nabasa ko ang text ni Hyuk sakanya.


From: Han Sanghyuk

Hyung, pasensya na di ako makakasabay umuwi. May meeting pa kasi kami, tapos dadarecho na rin ako dun sa classmate ko. Pakisabi nalang kay Mia. Pasensya na talaga.


I faked a smile and returned his phone to him.


At nang makatalikod ako sakanya, PUTRAGIS KA HAN SANGHYUK BAKIT NGAYON PA, BAKIT NGAYON KA PA NAWALA NA KAMI NALANG NI KONG ANG MAGKASAMA?!!? BAKIT!? T^^^^T


Lumingon nalang ulit ako kay Kong at niyaya syang lumabas na ng simbahan. Kaso napatigil ako sandali sa paglalakad dahil nag ring bigla yung cellphone ko.


Leo? Bat nya naman ako tatawagan?


Napakibit balikat nalang ako saka sinagot ang tawag nya. "Hello?"


"Mia? Asan ka?"


Napatingin naman ako sa paligid ko. Di naman posibleng andito sya diba?


"Nasa may simbahan sa may bayan." I raised my eyebrow. "Bakit?"


I heard him sigh as a sign of relief. "Sakto malapit lang yan dito sa restaurant kung nasan ako. Nagpareserve kasi ako ng table para samin ng kaibigan ko. Nabayaran ko na pati yung mga pagkain, kaso hindi sya makakapunta. Baka gusto mong ikaw nalang? Sayang naman kasi. Saka don't worry. Ihahatid kita sainyo pagtapos."


SHOOT! Savior talaga tong si Leo! T^^^^T Tapos tamang tama, gutom na rin ako kanina pa. Mayaman naman si Leo kaya panigurado dun sa pangsosyal na restaurant sya pumunta. Hahahahha! Masarap yung mga pagkain dun panigurado! XD


Kaso, bigla akong napatingin kay Kong na kasalukuyang hawak hawak yung cellphone nya. Pano ko naman to papauwiin?


Hoy Kong aalis ako. Di ka pwede dun kasi pang normal na tao lang yun.


Aish. Di pwede. Kakantyawan lang ako nun na "hindi rin ako pwede dun tutal di din naman ako normal". ―,.―


VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now