Chapter 17: Mad?

230 19 18
                                    

Chapter 17: Mad?

 

3RD PERSON'S POV


Dahan dahang pumasok si Leo sa pinto habang gamit gamit parin ang saklay na sumusuporta at tumutulong sakanyang maglakad. Tahimik nyang isinara ang pinto upang walang makarinig na sya'y umuwi na, ngunit isang pares ng mata ang nag aabang at nag hihintay sakanya.

 

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Panimula nito. "Anong nangyari sa paa mo?"


Napapikit si Leo sa pagkakarinig sa boses na iniiwasang marinig, at saka napakamot nalang sa batok nang humarap sya dito. "Nasagasaan ako ng taxi. Luckily, Hindi ako namatay. But unfortunately, hindi na ko makakapaglaro ulit ng soccer dahil sa sama ng pagkakabundol sa leg ko. Pinastay muna ko ni Tita sa ospital nya kaya di agad ako nakauwi. Nagtext naman ako kila Mama." Paliwanag nito.


Pinilit ibahin ni Leo ang usapan. "Teka.. Gising pa ba si Mama? Panigurado namiss ako nun." Dagdag nya, saka pasimpleng iniwan ang kausap upang maiwasan ang iba pa nitong katanungan.


Ngunit hindi pa sya nakakalayo ay nag salita na agad ito. "Leo, alam kong alam mo kung nasaan si Mia."


Nanlaki ang mga mata ni Leo at nataranta, ngunit pinilit nyang ikalma ang sarili upang hindi sya mahalata ng kasama. "H-hindi ah." Nauutal nitong sagot. "Wala na nga kong balita sakanya matapos ang aksidente e—-"

 

"Narinig ko mismo sa bibig mo na nakita mo na si Mia." Unti unti ng nabalot ng lungkot ang boses ng kanyang kausap. "Narinig ko sa usapan nyo ni Minhyuk.. Alam kong alam mo kung asan si Mia." Tuluyan na itong napaiyak. "Please Leo. Sabihin mo sakin... G-gusto ko syang makita.. G-gustong gusto ko syang makita——"

 

"Hindi." Matigas na sagot ni Leo habang hindi parin nakatingin sa kasama. "Hindi ko na magagawang ulitin ulit ang pagkakamali ko noon. Pwede bang manahimik nalang tayo?!"


"Why should I?!" Sa puntong ito, galit na ang binata. "Kailangan ko syang makita! Gusto kong malaman kung kamusta na ba sya, wala bang nangyaring malala sakanya pagkatapos ng aksidente o ano! Wala na syang magulang..." He sobbed. "At alam kong kailangan nya ko sa tabi nya—-"

 

"Gugustuhin mo parin ba syang makita kung sasabihin ko sayong nag kaamnesia sya ng dahil sa aksidente?!" Tuluyan ng humarap si Leo at tiningnan ng tuwid ang kanyang kausap. "Gugustuhin mo parin ba syang makita kung naging kaawa awa at miserable ang buhay nya ng dahil satin?!  HINDI KA NYA KAILANGAN!!!! KAYA PWEDE BA?! NALIMUTAN NYA MAN ANG LAHAT, ORAS NA MAKITA KA NYA AY MAAALALA NYA ANG BANGUNGOT NA GINAWA MO NG PAULIT ULIT!"

 

"Mahal ko sya!" Sigaw ng isa. "Alam mong mahal na mahal ko sya diba?! At handa akong ituwid lahat ng mga maling nagawa ko para sakanya."

 

"SHUT UP!" Inis na sigaw ni Leo sakanya. "Wala akong pakealam kung mahal mo sya! That was exactly what you said to me before the accident. I believed you, but that was the worst decision I've made in my entire life. At hanggang ngayon, pinagsisisihan ko parin na naniwala ako sayo. Dahil kung hindi sana ako nagpakatanga't naniwala sa sinabi mo, siguro....." Unti unti ng gumulong ang mga luha mula sa mga mata ni Leo. "siguro, okay parin ang lahat ngayon."

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now