Chapter 10:Thunder

205 22 4
                                    

Chapter 10:Thunder

HONGBIN'S POV


Nagmamadali akong lumabas sa kwarto ko habang pawis na pawis. Hindi ko alam kung bakit ako nababakla ng ganito pero T****ina talaga ng kulog! Hayop!


Hindi ko alam kung pinanganak na ba talaga kong takot sa kulog o epekto lang to ng nangyaring aksidente. Naiinis ako kasi kalalaki kong tao tapos takot na takot ako kapag biglang liliwanag sa kwarto ko tapos may tutunog ng napakalakas na kala mo masasagasaan ka ng truck, malalaglagan o magugulungan ka ng malaking bato.


Pagkalabas ko eh dumarecho agad ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Hyuk. Mabait naman to eh. Kahit ata suntukin mo sa muhka di papalag, di ka sisigawan. Kaya naman kumatok na ko sa pinto nya at hinintay syang pagbuksan ako.


**

MIA'S POV


Pakamot kamot pa ko sa pwet ko nung lumabas ako ng Kwarto. Sarap sarap kasi ng tulog ko tas bigla kong nagising sa kulog. Kainis tuloy, bigla kong naramdamang naiihi ako.


Pagkahikab ko naman at pagka kusot ko ng mata ko eh may nakita akong demonyong nakatayo sa harap ng pintuan ni Hyuk. Wow. Sana pala di na ko nagising. Nakakabadtrip naman.


Di ko nalang sya pinansin. Dumarecho nalang ako pababa at umihi. Sus. Ano namang kelangan ni Kong kay Hyuk ng ganitong oras? Weird.


Pag akyat ko naman eh hindi parin umaalis si Kong at patuloy parin sya sa pag katok.

"Sanghyuk buksan mo naman to. Kung gumaganti ka kasi hinayaan kong mabasa yung damit mo, edi Sorry na! Tol buksan mo na to, seryoso ako!"


Napailing iling naman ako sa sinabi ni Kong. Tsk. Nag cross arms ako at tiningnan sya ng seryoso. "Wala si Hyuk dyan." Napalingon sya sakin habang yakap yakap ang unan nya. "Nasa bahay ng kaklase nya, gumagawa parin ng thesis."


Pagtapos kong sabihin yun sakanya eh tinalikuran ko na sya at naglakad pabalik ng kwarto ko. Hindi ko parin nakakalimutan yung mga sinabi nya kanina, pero pasalamat sya ayokong magmuhka syang tanga kakasalita mag isa dun.

"M-mia, wait.."


Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko sya nilingon.

"P-pwede bang.. Makitulog sa kwarto mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. W-wait.. A-ano daw?!? "Pero wag ka mag alala.. Dun lang ako sa sahig.. P-please?" Pahabol nyang sabi.


Tuluyan na kong napalingon sakanya at nakita kong parang natatakot sya. Okay. So Anong problema nito? Umaarte lang ba to para makasama ako o ano?

"Bigyan mo muna ko ng 10 rason kung bakit ako dapat pumayag sa sinasabi mo." Nakapamewang kong sabi. "Pag nakumbinsi mo ko, papayag ako-"

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now