Chapter 15: Assuming

168 23 7
                                    

Chapter 15: Assuming


HONGBIN'S POV


"Sorry" I said while not looking into her eyes. Hindi ko alam kung bakit pero nakokonsensya ako kapag nakikita ko sya. Pagtapos na pagtapos kong malaman na sangkot ako sa aksidenteng kinasangkutan rin nila ng boypren nya ay di na ko mapakali.


Pano kung.. Ako pala ang may kasalanan ng lahat?


"Sorry?! Bakit?! Maibabalik ba ng punyetang sorry mo yung halik na ninakaw mo saken kahapon?!" She angrily shouted. Kung ganito pa nga lang na bagay, halos lamunin nya na ko. Kung alam kaya nya ang tunay na rason kung bakit ako nagsosorry sakanya, isumpa nya kaya ako?


Pinilit ko nalang alisin ang mga negative thoughts sa isip ko at pilit na nginitian sya. "Bumili ako ng spaghetti dyan saka slice ng cake. Kung nagugutom ka, kainin mo nalang yun. Tapos matulog ka na agad, di yung nagpupuyat ka pa dyan kakapanood mo ng movieng walang kwenta. Laki na ng eyebags mo oh, saka namamayat ka na."


With that, umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan sya sa sala.


Kailangan kong malaman kung sino o ano ang dahilan sa nangyaring aksidente.


Dahil kung hindi, patuloy akong maguguilty at patuloy kong sisisihin ang sarili ko sa nangyari.


**


HYUK'S POV


Papaalis na sana ko ng bahay nang maabutan kong mag isang nakangiti si Mia sa sala.


Okay. Don't tell me nakikita nya ang kaluluwa ng boypren nya kaya sya ganyan?


"Huy!" Panggugulat ko kay Mia pero hindi naman sya nagulat.


"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong ko saka umupo sa tabi nya.


Napatingin naman sya sakin habang di parin mawala wala ang nakakalokong tingin sa mga mata nya. "Hyuk.. Wala ka bang napapansing iba kay Kong?"


Kumunot naman ang noo ko sa tanong nya.


"Bakit? Muhka bang problemado si Hongbin Hyung?"


She shook her head while giggling. "Bigla nalang syang naging concern sakin pag uwi ko ng bahay. Sobra syang nag alala kasi gabi na daw ako umuwi. Binilhan nya pa ko ng pagkain! Tapos.." She blushed. "Tapos pinapatulog nya na ko ng maaga kasi daw masama magpuyat. :"> Hihihi."


Sinamaan ko sya ng tingin. "Eh ano ngayon?"


Gumusot ang muhka nya at tinitigan ako ng seryoso. "Di mo ba magets?! Duh! Edi may gusto si Kong sakin! Ano ba naman yan Sanghyuk! Aish" Natawa tawa sya na para bang nababaliw na. "Sabi na talaga na-wattpad zone yung lalaking yun sakin eh. HAHA!"

VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now