Chapter 28: The truth?

181 19 2
                                    

Chapter 28: The truth?


3RD PERSON'S POV


Matapos isend ni Peniel ang message na yun para kay Hongbin ay agad nyang itinago ang cellphone nya sa bulsa. Hindi maganda ang atmosphere ngayon sa condo nya dahil andito si Sungjae at ang pinaka ayaw nya sa tropa-- si Ravi.


"Isama na natin si Hongbin sa Reunion tutal may karapatan naman syang sumama dun." Sabi ni Peniel ngunit halatang may inis sa boses nito. "Sigurado akong miss na rin sya ng mga classmate natin, lalo na't nabalitaan nilang naaksidente yun."


"Peniel, hindi nga pwede. Hindi pwedeng maencounter ni Hongbin yung mga kaklase natin dahil panigurado may dadaldal at dadaldal sakanya ng mga nangyari nung highschool tayo. Ano ba tol. Ilang bes pa ba ko dapat mag explain sayo?" Balot na rin ng inis ang boses ni Sungjae pero pinipilit nyang kumalma upang hindi sila mag away ng kaibigan.


"Pano ba yan? Sinabi ko ng pumunta sya dito. Kaya sa ayaw at sa gusto nyo, sasabihin ko sakanya ang tungkol sa reunion. May karapatan naman syang malaman yung mga nangyari nung highschool tayo ah? Ano ba yan? Totoo ba talaga kayong mga kaibigan?"


Napailing iling si Ravi saka nagpaliwanag. "Pare hindi nga kasi pwede. Diba nga bilin satin ni Tita na hindi na natin ipapaalala ulit kay Hongbin yung mga nangyari dati? Gusto mo bang habul habulin nya na naman si Sere? Isipin nyo nalang yung pwedeng mangyari kay Sere lalo na kay Hongbin pag naulit na naman yung aksident---"


"Wow kung makaasta ka naman kala mo ke buti buti mong kaibigan. Yung totoo? Magkano ba binayad ng nanay ni Hongbin sayo para sundin mo ang utos nya? At naniniwala naman kayong kasalanan talaga ni Hongbin yung nangyari?" Seryosong sabi ni Peniel habang nakatingin na ng tuwid kay Ravi.


Napakamot na sa ulo si Sungjae ng maramdaman na naman ang tensyong nababalot sa dalawa. "Oh tol tama na. Utang na loob hindi nyo ikagagwapo yang bangayan nyo. Tumulad nalang kayo sakin. Good boy na gwapo pa---"


"T*** ina naman Sungjae hindi naman tayo naglolokohan dito." Matapos bigyan ng matalim na tingin si Sungjae ay kay Ravi nya naman tinuon ang atensyon nya. "Naniniwala talaga kayong kasalanan ni Hongbin ang lahat?"


"Pero naniniwala ka bang malinis talaga ang konsensya ni Hongbin, Peniel?" Kalmadong tanong ni Ravi sa binata. Hindi nya ito tinataasan ng boses dahil ayaw nyang tuluyang mairita ang katropa. "Hindi natin alam ang tunay na nangyari. Hindi rin natin agad mapapaniwalaan ang sinasabi ng iba at sinasabi ng isip natin. Pero habang wala pang confirmation ang lahat, matuto naman muna tayong sumunod sa gusto ng magulang nya. Nanay nya yun. At alam nya ang makabubuti sa anak nya--"


"Ravi ravi ravi." Tuluyan ng tumayo si Peniel at inikutan ang kausap. "Bakit ka nga ba kasi andito? Alam mo, nung highschool ko pa yan tanong sa sarili ko eh. Bakit ka ba nasama sa tropa eh wala kang ibang nagawa kundi hayupin ang buhay ni Hongbin? Ah! Oo nga pala!" Inilapit nito ang muhka nya sa muhka ng binata. "Napilitan kang kaibiganin si Hongbin para bilhin ng parents nya ang nalulugi nyo ng business nung mga panahong highschool pa tayo."


"Peniel sumosobra ka na." Saway ni Sungjae ngunit hindi ito nagpatinag.


VIXX FF: EternityWhere stories live. Discover now